Kabanata 18 Bakasyon

67 3 0
                                    

Kabanata 18

Napamangha si Carlo sa ganda ng tanawin. Ang malawak na tubuhan at yong pantay pantay na nakahawi na mga nakalaylay na dahon ng tubo sa isang direksyon. Ang mansion na nakapatong sa burol at iba't ibang punong kahoy na hitik sa bunga. Nasa guard house sila nakababa na ng burol. Balak silang dalawa ni Byorn na ilibot ni Jasmine sa buong Hacienda Andrea na nakasakay sa Mercedez. Nilingon niyang mabuti ang tanawin. Hindi niya pa ito nakitang mabuti dahil gabi na silang dumating. Pero noong kinagabihan pa lang nakita niya na rin ang nagagandahang ilaw na nakaposte paahon sa burol ng Andrea Mansion. Sabik sa mga tanawing probinsya si Carlo kaya laking tuwa niya nang nagpumilit si Byorn na isama siya. Laking Manila si Carlo at hindi niya pa nararanasan talaga ang makakita ng totoong lugar na bulubundukin.

"Ang ganda naman ng pagkapatong ng Andrea Mansion. Para 'yong nasa mga larawan ko lang nakikita."

Pagpupuring sabi ni Carlo habang nakatanaw mula sa kalsada.

"Maganda talaga ang mansion na yan dyan kami parehas lumaki ni Shen," nakangiting sagot ni Jasmine.

"Mom, ano po 'yang mga iyan bakit ang dami nila?" Nagtatakang tanong ni Byorn habang nakatingin sa mga tubo.

"Ah iyan ang mga tanim na pangkabuhayan dito Byorn," malambing naman na sagot niya sa anak.

Hanggang sa makarating sila sa may bukal na tubig. Hindi gaanong kalayuan mula sa mansion.

"O baba na tayo at dito maligo," masaya niyang yaya sa dalawa.

May nakahandang pamalit na damit si Jasmine sa kanilang mag-ina.

"Kaya pala pinagdala mo ako ng pamalit na suot. Akala ko pa naman sa dagat ang punta natin."

Natatawang sabi ni Carlo kasi pang swimming 'yong dala niyang short.

"Sa makalawa na tayo pupuntang dagat. Kalahating oras lang naman ang layo dito sa Hacienda. Basta sa makalawa na tayo pupunta," nangangakong sabi ni Jasmine sa dalawa.

"Gusto kong maranasan niyo ang maligo dito sa bukal."

Maraming mga manggawa ang nagsipaliguan sa bukal sa ganoong mga oras. At kahit hanggang sa maghapon madaming tao dahil araw ng sabado. Labahan Day ika nga ng mga taga roon noon pa. Hindi lang sila ang naroon sa bukal kundi kahit mga taga karatig sitio ay dumadayo sa bukal para maglaba. Kasarapan pa ng sikat ng araw alas otso medya ng umaga. Malamig ang tubig ng bukal kasi hindi ito gaano nasisilip ng araw dahil nakapa ilalim ito sa tatlong matatandang puno ng Acacia pero masarap pa rin magtampisaw. May isang puno ng mangga rin sa duluhan na kung saan malayang mamitas ang sinong may gustong manguha. May malaking sementadong tangkedin ang bukal para hindi marumihan ang tubig inumin ng mga tao. Doon sa sementadong tangke naka lagay naman ang tatlong malalaking tubong bakal kung saan na umaagos ang tubig. Nagmistula ngang entablado ang sementadong tangke sa harap ng bukal. Sa gilid naman nito naroon ang malaking generator na nag-aahon ng tubig papuntang Andrea Mansion.

"Wow mom kitang-kita ang aking mga paa sa tubig."

Halatang nag-enjoy na si Byorn. Paroo't parito ang gapang na ginagawa ni Byorn sa tubig. Kitang kita pa ng bata ang pasilip silip na maliliit na isda galing sa bato. Sa buong maghapon libot lang sa nasasakupan ng Hacienda ang kanilang ginawa.

Magsusulat sa talampas ang kasunod na gagawin ni Jasmine kasama si Carlo at Byorn. Hindi marunong sa pangangabayo ang binata kaya mapilitan siyang makisuyo kayang Castor na iangkas si Carlo para mabilis silang makarating doon.

"Ayaw mo ba ako talaga bigyan ng pagkakataon," seryosong tanong ng binata kay Jasmine.

Naglalakad sila pababa ng burol upang pumunta sa kuwadra. "Huh, it's unfair kung wala talaga akong naramdaman sa'yo. Okay naman tayo ah, yong ganito lang magkaibigan."

Hindi masisi ni Carlo si Jasmine noon pa man tinapat na siya nito na ibaling ang paningin sa iba dahil wala talaga siyang hihintayin.

"Mang Castor pakituruan mo nga 'tong Carlo sa pangangabayo."
Pakisuyong utos nito sa katiwala.

"Okay Ma'am no prob," mabilis na sagot nito.

"Halika sir Carlo, madali lang naman ito matutunan,"  magiliw na sagot ni Mang Castor.

Tanaw ni Jasmine ang paligid wala na nga yong bakas ng kaguluhan noong huling mga taong namalagi siya sa burol. Bumalik ang dati napakatahimik ang lugar. Huni ang ibon at tilaok ng manok sa umaga ang tanging marinig sa paligid. Parang tuloy nakaramam siya ng lungkot sa nakakabinging katahimikan.

Tahimik na nakaupo sa dating upuang bato si Jasmine. Naalala niya ang asawa. Ang pagkagulat sa kanya noon at inabot ang pulang rosas. Hindi na niya naiwasan ang tumulo ang luha. Matagal ng panahon n pero sariwa pa ang mg alaala. Mabuti na lang abalang abala si Byorn at Carlo na naglaro ng Padausdos pababa. Ito yong parang sa laro ng katulad sa ibang bansa na dumadausdos sa yelo pababa. Palibhasa hindi pa naranasan ni Carlo ang buhay bundok kaya tuwang tuwa pa ito na inaangkas si Byorn. Doon na sila nahihinto sa bandang minahan ng phosphate na may maraming yungib.

"Mom ano po 'yong meron doon sa baba," hinihingal na nagtatanong si Byorn.

"Ay sa baba ba anak? Yungib na 'yon doon sa minahan ng phosphate," sagot ni Jasmine sa anak.

"Punta tayo roon Mom," nagyayang sabi nito.

"Naku anak 'wag na matagal na nga rin akong hindi nakababa roon," tanggi nito sa anak.

Dahil makulit si Byorn ayaw tumigil. "Sige na mom, punta tayo dyan! "Sige anak mamaya pagkahatid natin kay Pegasus sa kuwadra diretso punta tayo roon. Pero sasaglit lang tayo ha," paalalang sabi ni Jasmine.

Baka kasi magyaya na maglaro pa sa mga yungib si Byorn. Bago sa paningin nito ang paligid. Kakaiba sa masikip na paligid ng Manila. Bumalik sa pagpadausdos ang anak habang naiwan si Jasmine nakatanaw saga karatig bundok. Noon at sa kasalukuyan maganda rin tingnan ang mga bundok. Malago ito sa mga punogkahoy na ligaw. Nagtatayugang mga puno ng niyog. Copra din ang ibang pinagkakakitaan produkto ng mga karatig lupain. Pati sukang paombong meron din dito sa kanilang lugar.

"Carlo! Byorn!"

Tinatawag niya na ang dalawang hindi pa rin naawat ka papadausdos pababa. Yayain niya ng itong umuwi bago sumapit ang hapon.



Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon