Kabanata 10
Pumasok na sa loob si Jasmine upang balikan si Shen na mahimbing
ang natutulog. Ibibilin muna niya ito sa mga kasambahay na nagwawalis sa
paligid ng grotto bago siya tumuloy sa pagpunta sa talampas. Bumalik ulit siya kwarto bago tuluyan aalis
patungong talampas ngunit nadatnan
niya ng umiiyak ito. Naramdaman ng
dalagangmay kakaiba sa paligid. Alam niyang may taong nakapasok sa
mansion. Sa likuran ito dumaan malamang sa kanyang tantiya. Daling
daling kinuha ng dalaga ang kanyang kuwarenta-singkong kalibre ng baril.
Hindi nga siya nagkamali.
"Wag kang magkamaling kikilos kahit sa isang hakbang lang at hindi ako
magdalawang isip na barilin ka." Babalang utos ni Jasmine sa taong naka bonnet pa. Lalong humahagulgol si Shen sa takot, na siya namang ipinag-alala ni Jasmine.
Wala sigurong pakay na masama itong
masama sa kanila dahil nakasukbit
lang sa likuran ang kanyang baril.
"Ibaba mo ang iyong baril at tanggalin mo ang iyong bonnet," paniniguradong na utos nito.
Laking gulat ng dalaga sa kanyang nakita.
"Jake!" Hindi na siya nakapagsalita
pa. Tumahan sa pag-iyak ang kapatid. Umaliwalas ang mukha nitong nakita
si Jake na ipinagtataka naman ng
dalaga.
"Jasmine, narito ako para
itanong sa iyo..".
Hindi na naituloy nito ang dapat sanay sasabihin pa. "Pakiusap Jake, umalis ka na bago ko makalimutang minsang minahal kita." Nandidilim ang paningin niya habang tinititigan ang binata. Sumariwa sa kanyang alaala nagnangyari. Ang pagkamatay ng kanyang Tita Andrea at ng kanyang amang gobernador. Nagtangka pang magsalita si Jake ng binilangan na ito ng dalaga.
"Isa...dalawa .... Jake lumayo ka na pakiusap..."
Wala nang nagawa pa si Jake kundi ang sundin muna ang gusto ng dalaga. May ibang pagkakataon pa. Nasaktan man siya sa kanyang ginawa sa lalaking dati niyang minahal pero ganun ang nararapat niyang gawin para na rin sa proteksiyon nilang magkapatid.
Niyakap ng mahigpit ni Jasmine si Shen sa pag-aakalang magdudulot na naman ng pinsala sa isip ng kapatid ang nangyayari. Ngunit laking gulat niya ng bigla itong magsalita.
"Si Kuya Jake walang kasalanan. Hindi na nauusisa ni Jasmine kung ano ang ibig sabhin na kapatid.
"Boong! Boong! Sunod sunod na putukan ng baril sa likurang pababa ng mansion. Kinabahan si Jasmine dahil iilan lang ang nakakaalam sa daanang iyon maliban sa mga grupo ni Ka Digna at Jake na kabisado na ang mansion. Hindi maaring dadaan ang mga manggawa ng Hacienda sa ganun kaaga dahil madalas araw lang sila ng sahuran pumapanhik sa Andrea Mansion upang kumuha na suweldo.
"Si Jake!" ....Shen dito ka lang sa kuwarto mo wag kang lumabas kahit anong mangyari."
Agad tinungo ng dalaga ang quarter ng mga kasambahay para ipagbilin ang kapatid. Kailangan niyang sundan si Jake baka siya yong napapa engkwentro sa grupo ni Ka Digna.
Ngunit wala na siyang inabutan, tanging kabilang combat shoe ni Jake. Tumulo ang luha ng dalaga. Nag-iisa si Jake kung napa engkwentro ang grupo nito ang grupo Ka Digna malamang wala itong kalaban laban. Malaki ang pag-asa ni Jasmine na sana naman hindi pa ito kinitilan ng buhay. Wala siyang makita bakas ng dugo kaya hahabulin niya kung saan dinala ang binata. Hindi niya pa kabisado ang kota nila Ka Digna pero sigurado siyang sa talampas ito dadaan. Sana iba ang dinaanan ng mga Scout Ranger ding nagsipatalunan sa helicopter din at maagang gumawi sa kanilang mansion. Kahit anong delikadong sitwasyon ay kanya ng susuungin mabawi lang niya si Jake na buhay. Pag nagkataon na makasalubong ang batalyon ng Scout Ranger tiyak na ng dalaga ang bakbakan. Nag-alalang lubos si Jasmine, siya ang magiging dahilan kung mapahamak ang binata. Lalo pa sa nasabi ni Shen na wala itong kasalanan, hindi pa man niya natanong ng maayos ang kapatid pero malinaw niyang narinig na walang kasalanan si Jake.
Halos paliparin na ng dalaga si Pegasus. Sunod sunod na ang pagpalo niya sa puwitan nito para lalo pang tulinan ang pagtakbo. Ngunit napilitan siyang pahintuin si Pegasus nang may narinig na naman siyang alingawnagw na palitan ng putok. Hindi na siya maaring magkamali sa kanyang narinig. Malamang ito na yong engkwentro na kanyang ipinag-alala para kay Jake. Maiipit na ang binata dahil tiyak siya ay gagawin ng bihag ng grupo ni Ka Digna. Nasa talampas na si Jasmine na makapag desisyong wag ng humabol pa. Kailangan niyang bumalik sa mansion para makaiwas sa mga Scout Ranger. Malamang na pagdudahan siyang kaanib sa puwersa ni Ka Digna kung makita siyang humahabol. Lalo pa siyang nawalan ng pag-asang nang matanaw niya mula sa talampas ang kalsada na may humintong dalawang truck ng Reo truck lulan ang mga Cafgu Army nagsimula na itong sumugod sa papuntang kabilang bundok kasunod ng talampas.
Mabilis na sumakay si Jasmine uli kay Pegasus pababa ng talampas. Kailangan niyang makababa uli at makalayo sa talampas bago pa may susunod na mga helicopter na susuyod sa kabundukan. Puno na ng pag-alala para kay Jake ang dalaga. Sana kung nakinig muna siya sa pakiusap ng binata, walang mangyaring kaganapang hindi naman ukol sa kanyang mga kagustuhan.
"Nasa huli nga ang pagsisi," mga salitang bulong ng dalaga sa isip.
Nakaupo siya sa malaking bato na kung saan nakatabi rin niyang umupo
ang binata noon. Isang hapon noon na
matulin din niyang pinatakbo si Pegasus para maiiwas si Jake sa magaganap na engkwentro.Tumulo na naman ang kanyang mga luha dahil sa pagkakataong ito siya ang nagsubo kay Jake sa delikadong sitwasyon. Tanaw niya ang matandang puno ng Acacia lalong bumalot ang lungkot sa damdamin ni Jasmine ang tanawin. Naroon kasi ang kubo kung saan nakapiling niya sa init ng pagmamahalan nobyong si Jake.
BINABASA MO ANG
Love and Combat ( Completed )
ActionSa isang matamis na ngiti na may tila bang kakaibang kaba itong dulot kay Jasmine. Sa isang sundalo niya ito naramdaman. Ang sundalong matagal na rin silang hindi nagkita. Naging bahagi din ng kanyang kabataan si Jake ang namumunong sundalong biglan...
