Kabanata 13 Kapayaan

63 5 0
                                    

Kabanata 13

               
"O di ba bagay na bagay sa'yo Shen ang gown na yan."

Tuwang tuwa ang kapatid na tinitingnan ang sarili sa salamin. Pinapasukat ni Jasmine ang gown na ipinasadya talagang ipagawa kay Shen.

"Ate Jas, sino ba ang Best Man?" Makikita mo din siya gang sa araw na ng kasal. Nanggaling ang Gang sa salitang "Palangga" na ang ibig  sabihin ay mahal na bunso. Palagay na ang bawat araw ng dalaga makita ang kapatid na namuhay ng normal katulad ng dati. Siya ang maid of honor sa kasalang Jake at Jasmine. Ilang araw na lang ang hihintayin. Excited lahat ng tao sa Hacienda at lalo na magiging bride to be.

"Maam may tawag nasa line 1," nagmamadaling sabi ng kanyang sekretarya.

"Okay, I'll take the call," nagtatakang sabi ni Jasmine.

Alam niyang si Jake ang tumawag pero bakit sa landline pa ng opisina nila. Pwede namang sa personal phone niya ito tumawag.

"Hello,  tomorrow early in the morning ang flight namin ni Shen.

"Kasi sabi ko sa'yo na pwede  naman sanang asikasuhin ito pagkatapos na ng kasal natin. But you insisted na asikasuhin ko muna.

"Okay, okay i love you too."

"Dont you worry Jake we will come home safe. Napailing ang dalaga sa sobrang lambing na paaalala ni Jake. Para namang napakatagal nilang hindi nagkita. Dalawang linggo pa lang sila mahigit ni Shen sa Manila. Nakangiting ibinaba ni Jasmine ang telepono.  Ipinapanatag ng dalaga ang  masyadong nag-aalalang nobyo dahil hindi pa sila nakakauwing mansion. May mga mahalagang dokumentong pinirmahan sa opisina si Jasmine sa J@S na dapat sana ipagpagliban muna pero parang inapura pa siya ni Jake na lumuwas ng Manila.

 
Halos hindi makapaniwala ang dalaga sa nakita sa paligid. Tila aakyat sila sa Paradise of Eden. Sa guard house pa lang tabi ng tubuhan may mga bagong mga halamang namumulaklak sa daanan na halatang  maraming tao ang nag-abalang ayusin ang mga ito.  Takip silim ng binabaybay nila ang burol paahon sa mansion. Ang mga ilaw na lalong dumarami at ang mga nakakagulat mga panauhing dadalo sa kasal ay naroon na sila bisperas pa lang ng kasal. At ang ikinakaba ng dalaga ang ang grupo ni Ka Digna na naroon din masayang sumalubong sa kanila. Nakangiting bumaba si Jasmine at nagtatakang tinanong ang pinsang si Alfred.

"Bakit narito sila baka mamaya lang may putukan na namang mangyayari sa paligid," pabulong nitong tanong kay Alfred.

"Wag kang mag -alala pinsan," kalmante nitong sagot.

Dagdagan pa ng huminto ang dalawang sunod na Reo Trucks lulan ang mga Cafgu Army. Hindi niya akalain ang masayang nagkakamayan ang mga dating nagtutugisan sa kanilang  bulubunduking lugar.

"Ayos na ang lahat," nakangiting sabi ni Alfred.

"Mamuhay na tayong lahat na walang takot. Sumuko na sila Ka Digna at naayos na rin ang amnestiyang ipinapatupad ng batas tapos na nila itong mapirmahan. Matibay na ang usapan ng amnestiya malaya na ang lahat. Hindi na nila kailangang magtago ni Ka Digna at hindi na rin nila sasalungatin ang gobyerno."

Labis  na saya ang naramdaman ng dalaga. Katulad ng dati may kapayapaan na sa kanilang lugar. At nahuli na ang mga may kasalanan sa pagkamatay ni Tita Andrea at ni Gov."
Mahabang paliwanag ni Alfred.

Walang mapagsidlan ng kaligayahan na nadarama si Jasmine. Ngunit laking gulat naman ng dalaga sa paglingon gawing malaking kanang dulong bahagi ng tubuhan ay sunog.

"Anong nangyari sa gawing bahagi  iyon, bakit sunog? kunot noo nitong tanong.

Napansin niya ito noong may umaandar na 6 by 6 truck na kargadong tumakbo palabas sa kalsada. Hinahakot nito ang mga sunog na tubo. Hindi na mailihim pa ni Alfred ang nangyari.

Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon