Kabanata 4 Madrasta

107 9 0
                                        

Kabanata 4

Hi! Tita," bati ni Jake sa madrasta ni Jasmine.

"Tuloy, pasok ka sa loob," magiliw din nitong bungad sa binata.

Tinitigan ng husto ni Andrea ang kababata ni Jasmine. Madalas itong nasa kanilang Hacienda noong bata pa.

"Ikaw na pala yan Jake, hindi na kita nakilala kaninang nagpunta ka dito at nagtanong kung saan si Jasmine.

"Yes po Tita, ako na si Jake noon na nakikipagpaligsahan sa mataas na grades kay Jasmine sa elementarya.

"O sige maiwan ko na kayo ni Jasmine. Naalala na ng kanyang madrasta si Jake. Si Tita Andrea niya ang tanging gumabay sa kanya mula ng siya'y nag aral ng elementarya. Pumupunta sa school niya tuwing may meeting. Hindi ito pwedeng gampanan ng kanyang Daddy dahil nga may unang pamilya at napakasungit na asawa. Alam ng kanyang asawa ang tungkol sa kanila. Noong una sadyang itinago sa publiko ang tungkol sa kanila para sa reputasyon pero kalaunan ay nalalaman din ng lahat ng mga taga Brgy Kawayan.

"Tumalikod na ang Tita Andrea at pumasok na sa kanyang kuwarto.

"Baka naman hinahanap ka na ng mga kasamahan mo," nagpapaalalang sabi ni Jasmine sa binata.

"Hindi rin talaga ako pwedeng magtagal." Nagniningning na mga titig ni Jake sa dalaga.

"O okay kung gusto mo doon tayo pwedeng mag-usap sa may Grotto ni Mama Mary sa labas ng tarangkahan para matatanaw mo doon mula sa malayo ang kalsada," pagyayang dugtong ni Jasmine.

"Dito ka lang ba namalagi mula noon." Nag-uumpisang tanong ni Jake sa dalaga habang nakaupo sila sa upuan sa Grotto ni Mama Mary.

"Nasa Manila na rin ako, naisipan ko lang magbakasyon para kay Shen at para din sa birthday ni Tita Andrea sa isang linggo. Luluwas na rin ako ng Manila pagkalipas ng mga ilang araw pa. Madalas kasi nakikiusap sa akin si Shen na umuwi naman daw ako, kaya itinataon ko na lang sa mahalagang araw nila ni Tita," sagot ni Jasmine.

"Naaalala mo pa ba ang lugar na ito Jake?"

"Oo nga eh yong ikaw na Reyna Elena sa Santa Cruzan."

Masayang alaala meron sila noon sa Grotto. Tuwing bakasyon sa buwan ng Mayo may pa bible reading ang kanyang Tita Andrea sa mga batang elementarya gusto makinig ng bible stories. May mga katekistang nagtuturo sa kanila. Nag-aalay sila ng bulaklak araw araw sa imahe ni Mama Mary. At may Santa Cruzan pagdating ng piyesta ng kanilang barrio. Doon sa kapilya ng barrio nag-uumpisa ang prosisyon at ang mga Sagalang Reyna ng Santa Cruzan papunta sa Grotto ni Mama Mary.

"Dyan pa rin ba yong mga kabayo," sabay turo ni Jake sa may kuwadrang maliwanag sa likod na babang bahagi ng burol malapit sa minahan.

"Andyan pa," mabilis na sagot ng dalaga. At ang paborito kong kabayo si Pegasus."

Mahilig din sa pangangabayo si Jasmine. Madalas si Pegasus ang kabayong sinasakyan niya patungo sa kabilang talampas para mamasyal. Sa gilid siya ng Hacienda ng Tubo dumadaan para tumulong noon mag ronda sa kanilang katiwala sa Hacienda. Pati si Tita Andrea niya ang magaling din sa pangangabayo, ito pa nga nagturo sa kanya noong siya'y maliit pa.


"Hindi ko makalimutan noon ang katigasan ng ulo mong ipilit na sakyan si Pegasus kahit hindi ka pa gaanong marunong," natatawang banggit ng binata.

"Oo na naalala ko na yong mabuti na lang nasa matandang puno ka ng Acacia. Sinuswerte nga naman pa rin talaga ako. Inunahan na rin ni Jasmine banggitin ang isang delikadong karanasan niya noon. Na nagdulot pa ng peklat sa kanyang siko.

"Hindi pa sanay si Pegasus noon na magpasakay kaya nagkaganun," bweltang sabi ni Jasmine.

"Haahh! dahan dahang tumakbo si Pegasus noong una. Napagkatuwaang higpitan pa ni Jasmine ang paghatak sa renda nito. "

"Jasmine maipilit ka talaga, bakit ka na naman nakasakay sa kabayo na yan," kabadong sigaw ng kanyang Tita Andrea.

Huli na nakalayo na si Pegasus na nakasampa si Jasmine sa likuran nito. Mabuti na lang magaling mangabayo ang kanyang Tita Andrea mabilis itong nakasunod kay Pegasus. Matulin ding nakasunod si Mang Castor sakay kay Stallion. Tanging boses lang ni Mang Castor ang sinusunod ni Pegasus. Hangga't sa nakababa na sa burol mabuti na lang sa gilid sila ng Hacienda dumaan.

"Jasmine medyo luwagan mo ang hawak ng renda," sigaw na utos ni Mang Castor.

Nakalapit na si Stallion kay Pegasus.
"Huuh! huuh! Pegasus tigil!. Bumagal ang takbo ng kabayo.

"Jasmine kumapit ka sa kamay ko." Pagtatabas ng tubo noong mga araw na yon, nagkataong naglalaro at umakyat pa sa matandang puno ng Acacia si Jake. Dahil mabagal na ang takbo ni Pegasus nakuha nito si Jasmine. Ngunit delikadong nakabitin naman ito na maghawak lang sila ni Jake sa kamay.

"Tita Andrea, help me! tarantang sigaw ni Jasmine. Agad naman siyang nasaklolohan ni Mang Castor at ng kanyang Tita Andrea na parehas na nakalapit sa kanya habang nakasakay pa din sa kabayo.

"Oh my God , Jasmine don't do that again," sobrang pag-alalang boses ng kanyang Tita Andrea.

"Not until you learn well horse riding," matigas pa nitong bilin.

Mula noon ibinilin ng kanyang Tita Andrea kay Mang Castor na turuan magpasakay si Pegasus. At wag hayaan lumapit si Jasmine sa kabayo. Napilitan ang kanyang Tita Andrea na dalasan ang kanyang pagsasanay na mangabayo. Isa ring dahilan yon upang unti unting paglapit ng loob ng dalaga sa kanyang madrasta. Hiyang hiya si Jasmine sa mga alaalang binanggit pa ni Jake.

"Tigil tigilin mo nga ang mag flash back dyan", pagalit na birong sabi nito kay Jake. "O eh di yong pagsusulit na lang natin noon na iyong iniyakan maghapon", dagdag pang kakulitan ng binata. "Ay naku! Jake sana lang iba naman ang kasunod mong banggitin huwag na yong mga flashback na binabalik balikan mo talaga", asar na wika ni Jasmine. Nakangiti ang binatang tumahimik na lang. Habang lumalakas naman ang kabog ng dibdib ni Jasmine sa mga ngiti ng binata.

Hindi na gaanong nagtagal si Jake sa pakikipagkwentuhan sa kanya. Nagpaalam na itong bababa na sa kalsada para bumalik sa kanyang mga kasamahan. Alam ng dalaga marami pang gustong sabihin si Jake. Naiinis siya dahil may pinakahihintay siya na babanggitin ng binata pero wala. "Natorpe nga ata", bulong ni Jasmine sa sarili. Kung hindi nga lang masama sa babae ang unang manligaw baka niligawan na ito ni Jasmine pero pinanatili niya pa rin sa sarili ang pagka dalagang pilipina.




Love and Combat ( Completed ) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon