Kabanata 8 Pagkamuhi

59 5 0
                                    

Kabanata 8

Nagmula sa pangyayaring yon namuo ang galit at pagkamuhi ni Jasmine sa nobyo. Pinili nito ang lumayo sa Andrea Mansion at lumuwas munang Manila. Napakasakit para sa kanya ang nangyari. Labis niyang minahal ang binata. Alam niyang napakahirap ang kanyang gagawing paglimot. Pero iyon ang mas nakakabuti sa kanyang palagay. Ipinasok niya si Shen sa pagamutan para magkaroon ng therapy sa tinamong trauma. Hindi na muli pang nagsalita ito, na lalong nagpahirap sa kalooban ni Jasmine.

Ipinagkatiwala ni Jasmine ang pamamalakad sa Hacienda sa pinsang buo sa ama dahil palilihim na lang ang kanyang pagbisita sa Andrea Mansion. Ayaw na muna niyang nagpapakita sa kanilang mga manggawa na nagpupunta siya. Para wala din itong maisagot kay Jake kung sakaling ipagtanong tanong siya nito sa Hacienda.


Sa araw araw na abala siya sa sa J@S Publishing naiwan sa Andrea Mansion ang kanyang isip. Kailangang mahuli ang mga taong maysala.

"Ma'am ito na po yong folder galing sa editorial." Bungad na sabi ng kanyang sekretaryang nasa pintuan ng kanyang opisina.

Malalim ang kanyang iniisip.Bumabalik ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay.

"At maam may tawag pala kayo long distance call pakisagot po sa line 1." Doon lang niya napansin ang kanyang sekretaryang kanina pa pala nagsasalita.

Binabasa niya ang kwentong kanyang isinulat. Ito ang kanyang naisulat noong panahon na puno puno pa siya ng inspirasyon. Nais niya muna niyang mabasa ito sa hard copy bago mapuntang printing.

"Okay I will take the call," sagot niya sa operator.

"Jasmine," boses ni Jake sa kabilang linya."

Hindi na siya nakakapagsalita dahil sa naunang bumara sa kanyang lalamunan ang laway. Isang lunok ang kanyang ginawa at dalawang malalaking butil ng luha sa kanyang magkabilaang gilid ng mata ang kanyang pinahid.

"Jake," halos pabulong niyang sagot.

Nagkakasalungat ang kanyang puso at isapan. Ibig ng kanyang puso na makausap si Jake, walang mapagsidlan sa kagalakan ang kanyang naramdamn pero nanaig pa rin ang kanyang isip. Ibinaba ang tawag ni Jake at tuluyan na siyang napaiyak sa galit na naramdaman. Lumipas din ang mga taon. Walang nagbago sa galit at poot na naramdaman ni Jasmine. Kahit anong gawin ang hindi siya nakakatakas sa bigat ng nasa kanyang dibdib.

Nasa Andrea Mansion ang dalaga. Hindi niya alam kung paano simulan ang kanyang mga nais. Gusto niyang mahuli na ang gumawa ng karahasan sa kanyang pamilya. Maaga pang nasa kuwadra si Jasmine upang sakyan si Pegasus papuntang talampas. Unang araw iyon ng bakasyon niya uli sa Andrea Mansion. Hindi katulad noong mga nagdaraang bisita niya sa Mansion na umaalis siya kaagad at palihim lang siyang sumusulpot. Balak niyang magtagal para siya mismo ang magtanong tanong sa takbo ng imbestigasyon ng kaso sa nangyari noon sa kanila. Masarap pa ang init ng araw nang siya'y nakarating sa tuktok ng talampas. Naalala niya si Jake sa itsura nito ng pag-abot sa kanya ng bulaklak na pulang rosas may ligayang naramdaman ang dalaga sa isang bahagi ng kanyang puso galing sa mga masarap na alaalang iyon. Ngunit napalitan din ito ng galit at poot ng maalala niya ang pagkamatay ng ama at ng kanyang Tita Andrea. Kahit pa siguro sa lumipas ang panahon hindi niya kayang kalimutan ang pangyayaring iyon. Unti-unti na lang namalayan ni Jasmine ang pagbagsak ng dalawang malaking butil ng luha tila para itong bumabalon na tubig galing sa kanyang mga mata. Doble ang sakit na naramdaman dahil mahal pa rin niya si Jake at tila imposible na ang madugtungan pa ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Napapahagulgol na naman siyang mag-isa sa bigat ng sakit ng nadarama.

"Haaah!" Boses ng isang babaeng nagpapatigil ng sinasakyang kabayo.

Dali daling nagtago si Jasmine sa likod ng puno. Mabuti na lang sa kabilang gilid niya ng talampas itinali si Pegasus. May sumunod namang lalaking dumating na sakay kay Stallion. Ang kabayong paboritong sakyan ng pinsan niyang si Alfred. Araw pala ito ng pagbibigay ng kaunting bahagi sa samahan nila Ka Digna para sa kanilang proteksiyon laban din sa mga bandidong tulisan. Dumarami ang katulad ni Ka Digna na nag-aalsa laban sa gobyerno at mga kalaban ng katulad ni Captain Jake Montalbe. Lingid din sa kaalaman ni Jasmine na isa rin ang kanyang pinsang si Alfred ang kumukumbinsi sa kaibigang nitong si Ka Digna na kusang sumuko at magpasakop uli sa batas habang meron pang panahon ang gobyernong binigay na amnestiya. Dumadalas na rin ang engkwentro ng mga sundalo at grupo ni Ka Digna dahilang hindi na ganun kapayapa ang sitio nila kung ikumpara noon. Alerto niyang pinagmamasdan ang pag-uusap ng dalawa. Hindi man niya dinig ang usapan patuloy lang siyang nagmasid.

Nakaalis na si Alfred tinatanaw pa rin ni Jasmine mula sa kanyang pinagtaguan ang grupo ni Ka Digna. Mula sa pinagtaguan nito nagdesisyon ang dalaga na makipag-usap. Nais lang niyang alamin ang kanilang paninindigan at kung para saan ang kanilang ipinaglalaban. At walang kagatol gatol sumapi si Jasmine sa samahan nila Ka Digna. Sa kanyang ginawa para na rin siyang nawalan ng tiwala sa mga sundalong patuloy nagbibigay naman ng proteksiyon sa kanila. Bigla niyang naisipan ang sumapi sa samahang kilusan ng mga nag-aaklas laban sa pamumuno ng gobyerno. Dahil si Ka Digna ang una niyang nakilala sa samahan mabilis ang naging kasunduan.


Tumataas na ang araw kaya bumaba na siya sa talampas. Isinuli na ni Jasmine sa kuwadra si Pegasus. Maraming naibalita ang katiwala tungkol sa mabuting pamamalakad ni Alfred sa Hacienda. At ayon din nito may mga dagdag na mga Cafgu Army sa kanilang lugar para sa pagtuloy na magpapatrolya sa kabundukang malapit sa kanila. Puro tango ang itinugon niya sa kwento ng katiwala. Naalala ni Jasmine itanong kay Mang Castor ang grupo ng Scout Ranger na pinamumunuan ni Jake.

"Minsan nagpunta siya dito at ipinagtanong tanong ka kung nasaaan ka na nga raw. Wala akong alam, ang tanging naisagot ko kay Jake," dugtong pa nito.

Nais pa sana niyang magtanong pa pero inawat niya na rin ang kanyang sarili. Pakiramdam niya ay para saan pa ang kanyang mga katanungan.

"Sige po Mang Castor mauna na po ako." Paalam niya sa katiwala.






Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon