Kabanata 11
Mahapdi na ang mga mata, gising pa rin si Jasmine. Pinipilit niyang makaisip ng paraan kung paano sundan ang grupo ni Ka Digna. May palitan ng putok, tiyak niyang hindi sa talampas. Kailangan niyang lumabas ng mansion at pakinggang mabuti ito. Sa may kalayuan na sa Hacienda nanggaling ang tunog. Dali daling pumunta siya sa may Grotto baka sakaling matanaw niya mula roon. Tanging nakita niya ang dalawang Reo truck na dumaan palayo. Sa kanyang palagay baka gulong dala na naman ng mga bandidong tulisan na namumugad sa kabilang bundok. Pabalik na siya sa may tarangkahan ng naramdaman niya pagkilos ng kanilang mga guwardiya.
"Mang Lito, bakit po kayo naka alerto," nagtataka niyang tanong.
"Maam pumasok na po kayo sa loob," tanging sagot nito. Unang naisip niya ang pumunta sa likod ng mansion. Tama nga ang pakiramdam ng mga guwardiya may tao.
"Ka Dolfo, mabuti narito kayo. Si Jake bakit niyo tangay sa inyong kota."
"Iyon nga ang ipinunta ko rito," mabilis ng sagot sa kanya.
Kailangang sumama ka sa akin. Walang pagdalawang isip itong sumunod sa gusto ni Ka Dolfo. Nagpaalam sa mga kasambahay si Jasmine at ibinilin ang kapatid.
"Hintayin mo ako sa talampas," utos niyang sabi bago sila naghiwalay.
"Haaah!
Malakas na tapik niya sa puwitan sa kabayo niyang si Pegasus. Malaya siyang nakakilos bago bumalik ang operasyon ang mga Cafgu Army. Tinugis nito ang mga Bandidong Tulisan na dumadayo sa kanilang lugar para mangikil sa karatig Hacienda. Alam niya hindi siyang pwedeng dumaan sa dati niyang daanan papuntang talampas. Maari naman niyang masagupa doon ang mga Scout Ranger. Maingat sa kanyang mga pagkilos ang dalaga. Armado rin siyang pupunta sa kota ni Ka Digna. Ano man ang mangyari sa daan may sandata siyang dala. Hindi na niya alam kung gaano pa kasiguradong ligtas ang kanyang buhay sa kanyang ginawang mga desisyon. Pero isa lang ang nasa kanyang isip ang makuha si Jake. Makuha niya lang ito sa grupo ni Ka Digna ay hindi na siya mangangamba na makasalubong ang mga Scout Ranger. Tahimik na sa talampas hinanap niya na si Ka Dolfo kung saan. Pumito ito senyales na naroon siya sinundan niya kaagad ang pinanggalingan ng tunog. Malaya silang nakalakbay hanggang sa kabilang bundok. Halos isang oras lang ay naroon na sila. Nag-uumpisa ng mag- umaga. Pagdating pa lang si Jake kaagad ang kanyang ipinagtanong.
"Kilala mo ba ang isang ito," mahinahong tanong ni Ka Digna sa kanya. Ikaw ang parating bukang bibig nito.
"Ikaw lang daw ang kanyang sadya noon sa mansion kaya naligaw siya at hindi raw pang iispiya."
Tinitigan niya ang binata habang mahimbing pang natutulog."
Awang-awa siya sa sinapit nito. Inamin kaagad ni Jasmine ang totoo na dati nga niya itong ka relasyon.
"Mabuti malinaw," sagot ni Ka Digna.
Nahabag si Jasmine sa sinapit ng binata. Puro na ito pasa bakas ng kalupitan ng pambubugbog.
"Ibalato mo na siya sa akin Ka Digna," pakiusap niya sa lider ng rebelde.
Mabilis sumagot ng Oo ito kay Jasmine. Nakahinga na siya ng maluwag at maiaalis niya na sa kamay ng mga rebelde si Jake. Ngunit sa hindi inaasahan ay may sagutan ng putok ng baril.
"Abay lintik! Nasundan kayo!" galit na sabi ni Ka Digna.
Kanya-kanyang posisyon na ang mga rebelde para sa maaring magaganap na bakbakan. Mabilis kinalagan ni Jasmine ang binata para makakilos ito.
"Mabuti't nagising ka kailangan mong kumilos para maialis kita dito."
Kinakausap niya ang nanghihinang binata. Kaagad din niyang natanggal sa pagkatali si Pegasus sa puno. Nauubusan na sila ng oras para makatakas. Palapit na ang putukan. " Pinipilit ni Jake ang kumilos pero nakalapit na ang mga Scout Ranger. Kailangan muna niya ang makaalis sana na kasama si Jasmine para maiiwas niya sa labanan ang dalaga. Hindi siya naduduwag sa laban iniisip muna niya ilayo si Jasmine. Alam niyang gumawa din ng paraan ang babaeng mahal niya para mailigtas siya. Kailangan makagawa din siya ng paraan para mailayo niya ito sa gulo. Samantala si Ka Digna ay wala na ring magawang paraan para makatakas sila. Ginawang panangga laban sa mga Scout Ranger si Jake. Dahil kay Jake humintong magpaputok ang mga Scout Ranger. Nakita na nila si Capt. Jake. Sa pagkakataong ito kailangan nilang isaalang alang ang kaligtasan ng kanilang lider. Nakipag negosasyon na hindi na sila hahabol basta ibigay muna si Capt.Jake. Pinagbigyan ito ng grupo ni Ka Digna sa isang kondisyon na mananatili sa kanila si Jasmine hanggat sa sila ay makalayo. Hindi alam ni Jake na kaanib ng dalaga ang grupo ni Ka Digna na wala siyang ipag-alala para sa dalaga. Ayaw pumayag ni Jake sa ganoong usapan.
"Sige na Jake maiwan ka sasama ako sa pagtakas nila Ka Digna para malaya silang makalayo.
"Jasmine ako ang
may kasalanan ng pagkawala ni Tita Andrea at ng Daddy mo," pahabol na turan ni Jake.
Tumakbo na paatras ang grupo ni Ka Digna habang hawak hawak si Jasmine palayo. Hahabol pa sana ang mga Scout Ranger ngunit natigil ang lahat ng sumenyas si Jake "Ceasefire". Dahil alam ng kanyang batalyong kasama na may civilian na bihag ang mga rebelde kailangan nga nila ang tigil sa pagpapaputok. Lalo na si Jasmine pa ang bihag ng grupo nila Ka Digna. Walang may nakakaalam pa na umaanib na si Jasmine sa mga rebelde at matagal na ding nagbibigay ng supporta sa grupo ang kanyang pinsang si Alfred.
Hindi alam ni Jasmine kung ano ang gustong palabasin pa ni Jake. Hindi niya makalimutan ang nabanggit ni Shen na wala siyang kasalanan. Naguguluhan ang dalaga sa kanyang dapat isipin. Kailangan niyang makausap si Shen at itanong uli paano nito nasabi na walang kasalanan si Jake. Pero sa kanyang palagay mahirapan pa siyang lumayo sa grupo ni Ka Digna. Kailangan kasing makauwi siya ng Andrea mansion na walang makakita. Malamang pupulbusin na ng bala ang panibagong kota nila Ka Digna kapag ka malaman ng mg Scout Ranger na hindi na siya bihag ng grupo. Hahanap ng magandang tiyempo si Jasmine para maisagawa ang pag-uwi sa Andrea Mansion.
BINABASA MO ANG
Love and Combat ( Completed )
AcciónSa isang matamis na ngiti na may tila bang kakaibang kaba itong dulot kay Jasmine. Sa isang sundalo niya ito naramdaman. Ang sundalong matagal na rin silang hindi nagkita. Naging bahagi din ng kanyang kabataan si Jake ang namumunong sundalong biglan...
