Kabanata 3 Sundalong Torpe

109 10 0
                                    

Kabanata 3

Katitigil lang ng malakas na buhos ng ulan, dahan-dahang nagmamaneho si Jasmine. Binabaybay ang kalsadang pauwi sa kanila kahit may matalim na kidlat at maingay na kulog. Galing sila sa siyudad may binili siya sa mall para sa kapatid na si Shen. Ipinasyal niya na rin ito dahil matagal na itong nagyaya sa kanyang pumasyal. Isang oras ang kanilang biyahe mula sa siyudad. Alas otso medya pa lang ng gabi tahimik na sa paligid ng kanilang sitio, wala ng gaanong sasakyan na nakakasalubong. Tanaw na rin ng dalaga ang tubuhan ng Hacienda Andrea na pagmamay-ari din nila at nakapangalan sa kanyang stepmom. Mahaba ang tubuhan bago makarating sa gate na may guard house paakyat sa tuktok ng burol kung saan naroon ang mansion.
May nakababang malaking kahoy sa kalsadang harang sa mga sasakyan. Nagtataka si Jasmine dahil hindi pa ito ang guardhouse nila. Kalsada pa lang ng gobyerno bakit may nakababang harang na eh dati rati namang wala. Napilitang huminto si Jasmine sa pagmamaneho at sumilip sa bintana. Lumabas mula sa dilim ang mga sundalo at inilawan siya. Natakot siya sa itsura ng mga sundalo.

"Check point," ani nang isa. Kahit hindi naman siya masamang tao kinabahan pa rin hindi siya sanay ng ganoong may mga haharang na sundalo para usisain ang mga nakasakay. Nakilala naman siya ng isang sundalo.

"Sasakyan ni Gov. yan," turan ng isang sumilip sa kanya. Mula sa likuran naman nito lumitaw naman si Captain Jake na may dalang bulaklak na rosas.

"What the hell, you scared me!" Kahit nanggigil sa inis ang dalaga natatawa na lang siya napasigaw.

"Am I scary?" nakangiting sagot sa dalaga.

"Captain Jake, oh! my, what the fudge! Mula noong unang tayo'y muling nagkita. You always surprised me by terrible fear.

"O, C'mon Jasmine , mukha ba akong pang horror!" Natatawa na ang binata dahil alam nitong nanggigil sa kanyang pagkagulat si Jasmine.

"Ang galing mo naman gumawa ng tsamba eh dito ka talaga sa daan mag-aabot sa akin ng bulaklak na rosas na yan kung saan madilim at kasama mo pa 'yang batalyong kawal. Naiinis pero kinikilig na turan ng dalaga.

"Dito na kami ma de destino kaya sa susunod pang mga gabi andito kami lagi para sa check point. Na namiss kita, ikaw ang una kong pinuntahan kanina sa mansion pagdating namin dito. Pero wala ka daw sabi ni Tita Andrea." Tinutukoy ni Jake ang kanyang stepmom na naiwan sa mansion kasama ang mga kasambahay.

"Oh okay, anyway salamat naman sa bulaklak na kahit sa totoo lang pinakabog mo na naman dibdib ko." Matamis na ngiti naman ang tugon ni Jake kay Jasmine.

"Mag-isa ka lang ba?" pahabol na tanong ng binata.

"Kasama ko si Shen nasa likuran nitong driver's seat ko, nakatulog sa pagod kanina sa mall."

Dahan dahan na isinasara ni Jasmine ang bintana ng kanyang sinasakyang Mercedes- Benz Sprinter. Kinilig si Jasmine sa huling sulyap pa niya kay Jake. Para gusto pa niyang manatiling kausap pa ito.

"Hmmm pero kailangan ko nang umalis, Magtigil ka Jasmine sa kalandian mo!" bulong ni Jasmine sa sarili.

Hindi pa man din sa kalayuan siya'y liliko na sa kanilang unang guard house huminto siya at bumubosena sa kanilang guwardiya. Tumunog ang kanyang phone at numero ni Jake ang naroon.

"Oh yes Captain Jake Montalbe napatawag ka kagad," nagsasalitang mag-isa ang dalaga habang hawak ang kanyang phone at tinitigan muna ang tawag.

"Yes po Captain, ano po 'yong sa atin kadadaan ko lang diyan sa inyo ah," pang-aasar nito sa binata.

"Pwede ba akong sumunod sa inyo," mahina nitong sabi.

"Ha eh sige sumunod ka sa mansion, di ba nasa operasyon ka," makulit na turan ni Jasmine.

"Eto naman titingnan lang kita."Wala ng mai-alibi ang binata.

Hindi na mapalagay si Jake mula noong nasilayan niya si Jasmine lagi na itong laman ng kanyang isip. Laking tuwa pa nga niya noong sabihing sila ang idedestino para sa operasyon sa gawing lugar nila Jasmine. Kabisado rin kasi nito ang lugar. Dito nga naman sila naging magkaklase noon ni Jasmine bago lumipat ang kanilang pamilya sa siyudad. Noong panahong sundalo din ang kanyang ama.

Paahon na sa burol ang sasakyang minamaneho ni Jasmine habang tanaw tanaw ito ni Jake sa baba. Habang pinaandar na rin nito ang kanyang sasakyan para makasunod sa mansion. Ang ganda ng pagkapatong ng mansion nila Jasmine nasa tuktok ng burol. Napaligiran ito ng malalaking ilaw na tanaw sa kalsada nakapaligid dito sa bandang harapang baba ang malawak na kapatagang limandaang ektarya ng tubuhan at kalsada na ng gobyerno ang gawing tabi nito. Doon sa pinuwestuhan nila Jake balak magtayo ni Gov. ng isang himpilan para sa mga sundalong mag che check point sa lugar.

"Mang Lito, paandarin niyo po ang generator para magbukas lahat ng ilaw sa kalsada paahon dito sa mansion. May bisita akong darating papasukin niyo na rin po," Pakisuyong utos ng dalaga sa isa nilnag guwardiya at diretso nna nitong ipinasok ang minamanehong sasakyan. Tinutukoy ni Jasmine ang generator na may supply ng kuryente sa lahat ng ilaw na nakaposte paakyat ng mansion.

"Yes maam," mabilis na sagot ng guwardiya. Mabilis na pumasok mansion ang dalaga at binuhat ang kapatid na mahimbing pa rin ang tulog. Nagmadali siyang mag-ayos ng konti sa sarili. Alam niyang sandali lang ay darating na si Jake. Pero gusto niyang magmukhang maayos at maganda sa pagharap niya sa binata.
Nasa daang paahon na si Jake sa mansion. Kinakabahan ang binata para siyang naduduwag sa magandang dilag na katulad ni Jasmine. Matapang si Jake pagdating sa engkwentro pero sadyang duwag ata siya pagdating sa panliligaw. Hindi niya pa nagawang manligaw ni minsan. Kung nagkakroon man siyang naging mga babae noon dahil sila ang lumalapit sa binata. Hindi na niya kailangang manligaw para kasing palay na yong lumalapit sa manok kumbaga.

"Bahala na si batman. Hindi naman yata kailangang perpekto ang pagporma sa babaeng mahal." Ito iyong nasa isip ni Jake.

Hindi maarte si Jasmine mula pa noon kaya alam niyang wala siyang dapat masyadong alalahanin sa panliligaw. Nakabukas na ang tarangkahan ng siya'y dumating. Kaagad niyang natanaw mula sa kanyang sasakyan ang dalagang nakatayo sa terrace at hinihintay siyang bumaba. Pinatay niya na ang makina ng sasakyan sumilip na sa bintana at kumaway muna siya sa dalaga.





Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon