Kabanata 16 Byorn

70 4 0
                                    

Kabanata 16

Halos gumuho ang mundo ni Jasmine sa natanggap na balita. Nasama si Jake sa mga nasawing sundalo. Nawasak ang kanyang puso at pakiramdam niya kasamang nasira ang kanyang bukas. Nangingilid ang mga butil ng luhang bumagsak galing sa kanyang mga habang tinitirikan niya ng kandila ang larawan ni Jake. Sabay nitong hinihimas ang tiyan.

"Paano na lang si baby? Wala na siyang aabutang ama paglabas niya sa mundong ibabaw,"  naiiyak niyang sambit.

Napakasakit ito para sa kanya na wala ng ama ang magiging supling nila. Nanghihina si Jasmine sa dinadanas na pagsubok. Ganun pa man kailangan niyang lumaban para sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hilam na ang mga mata ni Jasmine sa kaiiyak ng buong linggo.

"Ate Jas,"  mahigpit na yakap ni Shen.

Si Shen ang naiiwang lakas ni Jasmine. Si Shen na ang aalalay sa kanya ng buong siyam na buwan na pagdadalantao. Maging sa kanyang pagpupunta sa OB-gyne.

"Ma'am okay lang po ba kayo? nag- aalalang tanong ng kanyang bagong sekretarya na na si Miss Jane.

Tango lang ang isinasagot niya. Marami kasi itong dala dalang papipirmahan dokumento. Hindi pinababayaan ni Jasmine ang kumpanya kahit sa kasagsagan ng kanyang paghihirap sa kalooban. Kinakaya niya para sa mga empleyadong napamahal na sa kanya. At sa mga pamilya nitong umaasa sa pangkabuhayan.

May intelligence report na may hawak pang buhay na mga bihag na sundalo ang prinsipeng anak ng Datu Lakan. At ang possibleng sundalo ay si Jake. Isang nasagap na balita ni Jasmine sa opisina nila Jake.

"I need you here right now."

Mabilis na ibinaba ang intercom. Inuutusan ni Jasmine na pumasok sa kanyang opisina kaagad.

"Yes ma'am." Humahangos sa pagmamadali ang kanyang sekretarya. Inaasahan nitong napakaimportante ang iuutos ng kanyang amo.

"Miss Jane book me a ticket ASAP. I don't mind if it cost me high."

"Okay ma'am I will."

Kahit nagtataka ito hindi na rin nakapagtanong  kung paano babayahe ang kanyang boss na malaki na ang tiyan. Nasa panlimang buwan na ang pagdadalantao ni Jasmine halata na nga ang kanyang tiyan. Pero susubukan niyang personal na pumunta sa Mindano para hanapin ang asawa. Kaso hindi niya pa alam paano simulan gawin ang paghahanap. At saan siya umpisang maghanap. Bahala na ang kapalaran basta pupunta siya kung saan ang giyera na sinuong noon ng asawa.

Bigo si Jasmine wala siyang makuhang lead kung saan matagpuan ang asawa. Kung sabagay wala talaga siyang tamang susundin ayon sa kanyang paghahanap. Nasaliksik niya na ang sulok ng buong Bukidnon wala siyang Jake na makita. Hindi na siya gaanong nagpagabi ng bumalik siya sa tinutuluyang hotel sa siyudad. Malungkot itong bumyahe pabalik Manila.

Lumipas ang araw at buwan. "Please push mommy a bit more," utos ng Ob-gyne kay Jasmine.

Kabuwanan na, nakasalang na siya sa delivery room. Tiniis ni Jasmine ang sakit para sa normal na panganganak. Pinagsikapang mailabas ng normal si baby. Hanggat sa nadinig niya ang unang iyak nito.

"Here he is, very cute baby boy," tuwang tuwa na sabi ng Ob-gyne.

Maligayang tiningnan ni Jasmine ang anak habang pinaliliguan ito ng mga Nurse. Nakaraos na rin siya sa wakas. Nabawasan na ang kalungkutan, dumating na sa kanyang buhay ang biyayang anghel na lalaki.

Byorn, grow fast he is already 4 yrs. old hyperactive baby boy. Lumalaki ang anak na hindi nakilala ang ama. Malungkot si Jasmine para sa anak. Kung hindi lang dahil kay Carlo ay hindi maramdaman ng bata na para na rin siyang may ama. Si Carlo ay kanyang Editor in chief sa kanyang Editorial Department. Isang taon na itong pumuporma sa kanya. Una nitong kinukuha ang kalooban ng kanyang anak. Inaamin na ni Jasmine sa sarili na mahirap ng ilayo si Byorn sa binatang si Carlo pero hindi pa rin ito ang nakitang niyang dahilan para tanggapin ang pag-ibig na inaalok nito. Sadyang si Jake lang ang nasa kanyang puso't isipan. Matagal nang wala ang asawa pero nanatili ito sa kanyang alaala.

Pahangos na dumating sa ospital si Jasmine. "Manang Soleng bakit daw nagkaganun?"

Sobrang pag-alalang tanong nito sa yaya ni Byorn. Pinatitingnan naman sana sa kanila dugo ng bata bakit ganun umabot na kaagad sa ganyan.

"Basta ganun po ma'am ang sabi ng doctor maaring mangangailangang salinan si Byorn ng dugo. Dalawang araw ng gumaling sa lagnat ang bata. Paulit ulit naman niya itong dinadala sa ospital para ma check up pero pinauuwi din dahil lagnat lang naman at gumaling din. Huli na ang findings kay Byorn sa dengue fever.

"Oh my God! my kid is A+ rare blood type. Paano makakahanap kaagad niyan ng pang abono," naiiyak na sabi ni Jasmine.

Dumating naman ang pedia Doctor na nag ra round check. "Mommy, don't get so much worries. He's still under observation. It is just in case he might need blood transfusion but not at this time. He has bad type of dengue virus. Please just feed him sweets but no to dark and red color foods. Nang sa ganun makadumi siya at mabawasan ang dengue virus na namamahay sa kanyang bituka."

Nagpaalam na rin ang doktor matapos magpaliwanag kay Jasmine. Sumasakit ng sobra ang tiyan ni Byorn kaya ito dinala sa ospital ni Manang Soleng.

"Mommy...."

Iyak ng iyak si Byorn sa nawawala at bumabalik na paghilab ng tiyan. Mabilis na nakasunod sa ospital si Carlo. Napamahal na din ng lubos sa kanya ang bata.

"Ano na lagay ba ni Byorn? Bakit ganun dengue na pala? Bakit hindi ba nakikita kaagad 'yang ganyang klaseng virus? Kitang kita sa mga mukha ni Carlo ang pag-alala at sa mga sunod sunod nitong tanong.

"He is still under observation." All we need now is Prayers. And give him sweets,"  mahinang sagot ni Jasmine.

Hindi na nakakibo pa si Carlo dahil ramdam niya na ang takot sa mukha nito.

"Mabuti na lang malakas dumede sa bote si Byorn kung kaya kaagad siyang dumumi at nabawasan ang paghilab ng tiyan. Mahimbing na itong nakatulog.

"He is fine now," nakangiting sabi ng doktor. Nakahinga ng maluwag si Jasmine. Magdamag siyang hindi natulog panay ang subo niya ng dede at kung anu anong matatamis sa anak.

"Magpahinga ka naman baka magkasakit ka din sa sobrang puyat," nag-alalang payo ni Carlo. Hindi ito umalis sa tabi ng mag-ina. Handa siyang dumamay hangga't sa gumaling si Byorn.


Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon