Kabanata 24
"Mom, mom!"
Lumalakas na katok ni Byorn. Naiinip na kasi itong naghihintay sa labas.
"Sabi mo lalabas kayo ni Daddy. Laro tayo sige na. Paglalambing na yaya ni Byorn.
"Halika ka na Byorn, balik na tayo roon." nagyayang sabi ni Manang Soleng
Ibig lang din ni Manang Soleng na magkaigihan pa ang mag-asawa sa loob. Kumuha lang kasi sana siya sandali ng mainom sa kusina. Kaya sumunod din si Byorn at naalala katukin ang kanyang mommy at daddy.
"Halika ka na!"
Niyaya na ni Jasmine tumayo ang asawa, upang makalaro ang anak nilang nananik sa ama.
"Babe halika na bago magwala si Byorn."
Kabisado niya ang anak pagdating sa pangako. Matandain at walang napapakong pangako para sa kanya.
"Hindi dapat pinangangakuan si Byorn pagka hindi rin lang tutuparin," Nagmadaling lumabas silang dalawa para puntahan si Byorn.
"Manang Soleng ipakilala ko po sa inyo ang daddy ni Byorn."
Hindi na nagulat si Manang Soleng pero masaya pa rin siya para kay Jasmine na itinuring na niyang anak. Namukhaan na rin naman niya si Jake sa malaking larawan nito sa sala.
"Mabuti naman at nakabalik ka. Ang tagal ng panahong ipinagluluksa ka pa rin ng anak ko," madamdaming sabi ni Manang Soleng.
Tinutukoy nito si Jasmine. Nakangiting umakbay din si Jake kay Manang Soleng.
"Maraming Salamat sa iyo at nariyan ka noong mga panahong nawala ako." Buong pusong turan ni Jake kay Manang.
"Teka Babe, si Shen hindi ko pa rin nakikita."
Nagtatakang tanong ni Jake. Ilang araw na kasi siyang nagmamasid sa bahay hindi niya na nakita naroon si Shen.
"Busy lagi sa trabaho si Shen,babe. May sariling bahay at buhay na kahit nag-iisa. Lagi iyong nasa dagat. Hayaan mo pagka nabalitaang niya na buhay ka at nakauwi na baka biglang bumaba sa barko yon." Natatawang kwento nito sa asawa.
Beee! Beeep!
Halos magkasabay na bosena ng dalawang kotse. Pinagbuksan ito kaagad ni Manang Soleng. Naunang bumaba si Carlo at diretsong nakatingin kay Jake. Palipat-lipat ng tingin si Jasmine sa asawa at kay Carlo. Wala siyang dapat ipag-alala pero kinakabahan pa rin siya. Nakangiting lumapit si Carlo at nakipagkamay kay Jake. Alam niya na ang pagbabalik nito sa buhay ni Jasmine.
"Tito Carlo," patakbong lumapit si Byorn. Sinalubong naman ito ng binata at kinarga.
"How are you, Byorn? malambing nitong tanong sa bata. Nakatanaw na rin sa likod si Jake sa sumunod na pagbaba ni Shen sa kanyang kotse. "Wow! kuya Jake. Namilog ang mga mata nito sa gulat. Ate Jas, hindi mo man lang naikwento. Kung hindi pa kinuwento ni Miss Jane. Pero salamat kuya Jake bumalik kang buhay. Maligayang maligaya si Shen para sa kanyang ate Jas. "Hindi ko na uli makitang malungkot ang ate Jas.
"Masyadong maraming nangyari at wala ka rin naman dito sa lupa. Andoon ka sa tubig kaya hirap maghatid ng balita sa iyo." Natatawang sagot nito sa kapatid.
"O ayan Carlo, kapatid ko si Shen habang palipat ng tingin sa dalawa si Jasmine. Wari niyang itinukso ang kanyang kapatid kay Carlo habang ipinakilala niya ito sa isa't isa. Natatawa naman ng malakas si Shen pero nag blush ang pisngi. Hindi tuloy makaimik si Carlo. Nakangiti na rin si Jake sa mga tukso ni Jasmine. "Babe kinindatan nito si Jasmine, na waring nagsasabing wag gaano tuksuhin ang dalawa. Natigilan ang lahat ng sumigaw si Byorn ng Yehey!...Mommy magbabakasyon ba tayo uli. "Saan anak?" nagtatakang tanong ni Jasmine. "Sa Hacienda", mabilis nitong sagot. Sabay na nagkatawanan ang lahat. " Bakit mo naman natanong wala naman ako pang nabanggit? Napakunot ang noo ni Jasmine . "80Pero magandang ideya yan ate Jas", sang- ayon ni Shen. Na miss na rin niya ang Hacienda. Masaya uli sa bakasyon na kasama ang lahat.
W A K A S
BINABASA MO ANG
Love and Combat ( Completed )
ActionSa isang matamis na ngiti na may tila bang kakaibang kaba itong dulot kay Jasmine. Sa isang sundalo niya ito naramdaman. Ang sundalong matagal na rin silang hindi nagkita. Naging bahagi din ng kanyang kabataan si Jake ang namumunong sundalong biglan...
