Kabanata 17 Imbestigasyon

59 4 0
                                    

Kabanata 17

Beep! Beep!

Bosena ng kotse ni Jasmine sa labas ng gate. Hinihintay niyang pagbuksan siya ng nag-aalaga kay Byorn.

"Manang Soleng!"

Katarating niya lang noon galing sa opsisina. Tatawagin pa sana ulit ni Jasmine ang yaya ni Byorn nang napalingon siya sa isang lalaking naka big bike motor. Nakaparada ito sa pader na bandang may lawn area. Tanaw sa kinatatayuan nito ang anak niyang si Byorn na naglalaro kasama si Manang Soleng. Nang makita ng lalaki na pinagmamasdan siya agad na itong nagpaandar ng motor at lumayo. Nakahelmet iyo kaya hindi makita ang mukha. Iniisip ni Jasmine kung nakailang beses niya na ba itong naabutan sa ganoong pwesto tuwing siya ay darating.

'Tama pangatlong beses pangatlong na' bulong niya sa sarili.

Kinabahan si Jasmine sa taong iyon. "Manang Soleng," inulit na niya ang pagtawag sa yaya.

Dumating naman itong nagmamadali. Hindi niya kasi kaagad narinig ang tawag ng kanyanh amo.

"Manang hindi mo ba napapansin ang lalaking nakamotor na pumaparada dyan sa gawing pader na yan?"

Itinuro ni Jasmine sa yaya ang pader. Upang kaagad itong matukoy sa yaya ni Byorn.

"Hindi Ma'am," sagot nito sa kanya.

Nabahala tuloy siya sa kaiisip. Baka may masama itong balak sa anak niya.

"Ah, Manang Soleng i-lock mong mabuti ang gate lagi ha at wag na kayong dito ni Byorn sa lawn area. Di baleng nasa loob kayo ng bahay," mahigpit na bilin niyang sabi sa yaya.

Nasa loob na siya ng bahay at tinitingnan si Byorn na naglalaro. Bahagya itong pumayat sa pagkakasakit ng dengue. Napatitig siya sa malaking larawan ni Jake na nakasabit sa dingding. Kilala naman ni Byorn ang larawang ng kanyang amang si Jake dahil 'yon ang ipinamulat ni Jasmine sa anak. Ang makilala ito kahit sa larawan lang. Madalas na ngang natatanong si Byorn sa kanya ang pagbalik ng kanyang daddy.

"Mom bakit ang tagal tagal naman ni daddy na dumating. Sana punta na siya dito sa bahay," mga walang kamuwang muwang na wika ni Byorn.

"Thanks Miss Jane," sabay baba ni Jasmine ang phone. Nagpapa book siya in advance flight para sa pagbakasyon nila ni Byorn sa probinsya. Dadalawin lang niya ang puntod ng Tita Andrea at ang Hacienda Andrea. May ilang taon na din siyang hindi nakauwi.

"Mas mabuti pa nga sigurong uuwi muna sila ng probinsya kaysa araw araw siyang nag-iisip kung ano ang pakay ng lalaking nakamotor. Hindi siya mapalagay para sa kaligtasan ni Byorn sa tuwing siya ay nasa opisina. Gusto na lang din sana itong isama sa opisina pero baka ito ay mapagod lang.

Dahil sa pakiusap ni Byorn kasama sa kanilang bakasyon ang kanyang tito Carlo. Labis ding ikinatuwa ng binata ang makarating sal ugar nila Jasmine Halata sabik ito pag-aaruga ng ama. Alam na alam ni Carlo kung paano patahanin si Byorn kung may tantrums.

"Hi Tito!"

Wala pang alas 5 ng hapon na umuwi galing opisina si Jasmine na kasama si Carlo.

"Hello Byorn! How are you?" Tuwang tuwa si Carlo na kinarga ang bata.

" I'm fine,"  mabilis nitong sagot.

Lumingon sa ina at nasabik itong nagpapaalam na makasama sa labas si Carlo.

"Mom, can we play outside?" Tinutukoy ang kanyang Tito Carlo na makakasamang maglaro sa labas.

"Yes baby,"nakangiting sagot ni Jasmine. Palagay naman ang kanyang loob dahil  naroon si Carlo. Ayaw na ayaw sana niya ang nakakulong ang bata sa loob ng bahay. Pero napilitan siyang iutos kay Manang Soleng na manatili sila sa loob ng bahay. Kasi siya noong kabataan ay libreng nakakagala sa paligid ng Hacienda Andrea. Para sa kanya sandali at minsan lang nagiging bata ang tao. Kailangan mag,-enjoy ang childhood life. Nasa lawn area na kaagad si Byorn sabik na sabik ito sa paglalaro.

Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon