Kabanata 12 Bala o Pagmamahal

54 6 0
                                        

Kabanata 12

Hindi man gusto ni Jasmine ang mga nangyayari wala na siyang magawa. Kailangan niya ng depensahan ang sarili. Nasa ibaba na siya ng burol ng may napansin siyang tila may nakasunod sa kanya.  Tinatalasan niya na ang kanyang pakiramdam. Dalawang sunod na bala ang pinawalan ng dalaga. Naninigurado na siya sa kanyang buhay.

"Jasmine, ako ito." Nakilala niya kaagad  ang  boses ni Jake na nagsasalita.

"Ngayon mo sabihin sa akin ang kinalaman  mo sa pagkamatay ni  Daddy." Galit na sumisigaw ang dalaga  habang pababa kay Pegasus.

Gusto pagbigyan si Jake ng kahit na ilang minuto para magpaliwanag para naman maging patas siya sa binata.

"Anong bang nagyari noon bakit sa aking nakita ikaw ang bumaril kay Daddy." Nagliliyab ang galit ni Jasmine.

"Ibaba mo muna ang baril mo dahil magpaliwanag ako," kalmanteng pakiusap nito sa dalaga.

Matigas na si Jasmine hindi na siya yong tulad noon mabilis umagos ang luha. Nakatutok pa rin kay Jake ang kanyang baril. 

"Ibaba ko lang ito kung malinaw na sa kin ang paliwanag mo na wala ka ngang kasalanan sa pagkamatay ng Daddy. Pero pasensyahan tayo  kung tama nga yong nakita ko noon.

"Handa akong mamatay kung sa akin nga ang kasalanan."

Buong tapang lumabas sa pinataguang malaking bato si Jake. Dahan dahan ito na lumapit sa dalaga. Walang  pakialam si Jake  sa anumang mangyari sa kanya. Dito niya noon unang nahalikan ang dalaga noong mga panahong minahal pa siya nito ng buong puso at walang bahid poot. Noong mga sandaling ipinagkaloob sa kanya ang pagkakababae sa di kalayuang kubo. Sa kubong pahingahan ng mga trabahador ng Hacienda. Ngunit maaring dito rin siya babarilin ni Jasmine kapag ka nagkakamali siya ng paliwanag.

"Binabalaan kita wag mong susubukang lumapit pa sa akin, Jake. Gusto kong marinig ang iyong paliwanag. Magsalita ka o kalabitin ko na itong gatilyo ng baril para sa buhay ng Daddy na inutang mo."

Alam ni Jake na mahirap ipaliwanag kay Jasmine ang nangyari kaya hindi niya rin ito maintindihan. Pinili ni Jake na lumapit pa kahit sa mga banta nito. Nagbabaka sakali na lang siya na manaig pa rin ang pagmamahal nito  sa kanya. Hanggat sa paglapit ni Jake hindi makuhang gawin ni Jasmine ang kanyang ibinabanta. Lumuhod na na siya sa harapan ng dalaga.

"Jasmine makinig ka sa akin hindi ako  ang bumaril sa Daddy mo. Hindi ko alam kung paano ko patunayan sa'yo. Pero nagsasabi ako ng totoo. Pilit pa rin na itinututok ng dalaga ang baril  sa ulo na ni Jake kahit ito'y nakaluhod na sa  kanyang harapan. Kahit anong gawin mahal pa rin talaga niya si Jake.
          

Isang umalingawngaw na putok ng baril. Bumagsak ang binata sa lupa na di inaasahan ni Jasmine.

"Jake!"

Mabilis  niya itong niyakap. Labis labis ang pagsisi niya. Hindi sana mangyari ang lahat kung nakinig siya puso ang kanyang pinaiiral. Hindi na nga naman maibalik ang isang sandali. Niyakap nang husto an duguang si Jake.

"I'm sorry  Jake pero hindi ako ang gumawa nito sa iyo."

"Ma'am Jasmine kahit naman sino makakita sa nangyari gagawin ang ginawa ko."

Paliwanag ng isang officer na kasamahan ni Jake. Nasa ospital na sila sa  siyudad. Habang si Jake ay patuloy pang ne re-revive sa emergency.

"Nakatutok ang iyong baril kay Captain kaya mas sinisiguro ko na ang tamaan sana ay kayo. Pero hindi ko naman akalaing ihaharang pala niya ang  kanyang katawan sa bala na para sana sa inyo."

Napagtanto ni Jasmine kung gaano siya kamahal ng binata. Bago ito nawalan ng malay tao kahit na duguan sinisiguro pa rin nito na ligtas siya. Nakuha pa nitong  sumenyas sa kasama na 'wag nang magpaputok.

"Jake hold on, oh God please save him."

Nanginginig na pinanonood  ni Jasmine ang pagsasalba pa sa  buhay ng binata. Patuloy na ina ambu bag na naman ito dahil sa seizure attack.

"He is too lucky enough to have his life again. But the assurance isn't yet at hundred percent sure that he's out of danger. He will be for  under observation. All we can do for now is to pray."

"Ano po bang nangyari dok bakit siya nagka ganun  na naman uli,"  tanong ng dalaga sa doktor.

"It might be the infections that causes him so sick while he still in comma."

Nagpaalam na ang kanyang doktor. Nasa ICU pa rin si Jake. Maingat itong binubulungan ni Jasmine.

"Please fight for your life. I'm  here at your side. I love you so much, Jake."

Hilam na ang mga mata ni Jasmine wala na siyang luhang mailalabas. Seizure attack ang nangyari na naman uli kay Jake. Matiyagang binabantayan ni Jasmine ang binata kahit window glass lang siya nakatanaw. Hanggat sa inilipat ang binata sa kuwarto na nakakabit pa rin ang maraming mga aparato. Pero sa pagkakataong ito nasabi na ng doktor na siya ay masuwerteng nakaligtas na.
Hindi na umalis sa tabi ng binata si Jasmine. Nakakatulog ng nakaupo si Jasmine sa tabi ng binata habang nakasamay ang ulo nito sa gilid ng balikat ni Jake. Nanatili siyang nakahawak sa kamay ng binata para kung sakaling magkamalay na ito, siya na kaagad ang unang makita.

Nagising na nga sa kabutihang palad si Jake. Pinagmamasdang mabuti si Jasmine na nakaupong natutulog. Sa sobrang pagod ng dalaga hindi niya pa rin ito namalayan hanggang sa inangat na ng binata ang kamay at himasin pa sana ang buhok niya.

"Jake, nagkamalay ka na, bakit hindi mo man lang ako ginising?"

"Sarap pa kasi ng tulog mo. Alam kong hindi ka na namahinga sa pagbabantay sa akin," mahinang sagot ng binata.

"Please 'wag ka na gaano pang magsalita, magpahinga ka uli," malambing na sabi ni Jasmine.

Pumikit na rin uli ang binata para makatulog. Lumuwag na ang pakiramdam ng dalaga. Nakita niya ng gumising ang lalaking mahal niya. Hindi niya kakayanin ng kanyang kalooban kung may nangyaring masama at siya ang naging dahilan.

Maaliwalas na ang itsura ng binata. Masayang sinilip sa salamin ang kanyang sarili.

"Sa wakas makakauwi na rin ng bahay." Nakangiting pinagmamasdan siya ni Jasmine. 

Labis ang pagpapasalamat ng  mga magulang ni Jake sa pangalawang buhay ng anak. Himala na kasing nakaligtas pa ito.

"Anak baka naman pwede ka na mag-asawa niyan. Matanda na kami ng mommy mo kung susuwertihin kami abutin pa namin ang anim ninyong anak," birong sabi ng ama.

Isang Retired na Coronel si Coronel Montalbe ang ama ni Jake. Matagal na nilang gustong mag-asawa na si Jake dahil nag-iisang anak lang  nila ito. At bago man sila tumanda na ng husto, gusto nilang magkaapo na.



Love and Combat ( Completed ) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon