"Mom! Kailangan niyo ba talagang umalis ni Dad? Hanggang kailan kayo doon? Iiwan niyo na naman ba ako?"
"Anak,kailangan naming gawin ito. Sana maintindihan mo,ginagawa lang din namin ito para sa iyo,para matustusan namin ang lahat ng pangangailangan mo. Banayad na sabi ni mommy."
Kailangan kasi nilang pumunta ulit sa ibang bansa para sa trabaho. Si papa ay isa sa mga director sa isang napakalaking telecommunication company ng Pilipinas at si mama naman ay Assistant Director ng isang sikat at malaking publishing company ng Pilipinas. Ang company na pinapasukan ni daddy at mommy ay iisa lamang ang may ari at silang dalawa ang naatasang pumunta sa ibang bansa para magmanage ng kanilang branch doon. Dalawang buwan silang mawawala.
At ako, maiiwan na naman akong mag-isa. Mahirap kasi pag nag iisang anak ka lang. Wala kang makakausap o makakasama habang wala ang parents mo. I sighed.
Kailangan ba talagang ganito? Kung sobrang mayaman ba kami di na nila kailangang umalis? Hindi naman kami naghihirap pero di rin naman kami sobrang mayaman,sakto lang. Naiintindihan ko naman sila pero nasasaktan din kasi ako, halos wala na silang oras para sa akin. Bahala na, mahal na mahal ko ang magulang ko. Kakayanin at titiiisin ko lahat.
I am Claire Marie Curtiz, anak ako ni Adolfo Curtiz at Trisha Curtiz, isa akong Curtiz. Kilala bilang isang matapang,matalino,mapagmatiyag,walang inuurungan...matang la....haha joke lang.
And this is my story begins...
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...