Kabanata 10

17 2 0
                                    

Nakapagbihis na ako ng pantulog dahil wala na akong balak pang bumaba.Kahit na nagugutom ako ayaw ko namang makita si BJ.Nakakabadtrip,nagwalk-out ba naman bigla.Nagtext na ako kay Jake,humingi ako ng pasensya sa hindi pagsagot sa tawag niya,sinabi ko nalang na hindi ko napansin na tumatawag siya dahil may ginawa ako at sinabi ko na ring sa kanila na kami gumawa ng project namin at magkita nalang kami sa mall bukas.

Napalingon ako sa may pintuan nang narinig kong may kumatok at nakita ko si Eddison.

"Ate,bumaba ka na raw.Kakain na."

Napangiti ako sa kanya at sinabing pumasok siya.

"Eddy,ano kaya kung sa'yo nalang ako sasabay papuntang school?"

"Ha?Bakit ate,ayaw mo ba kay kuya?litong tanong niya.

"Hindi naman sa ganoon.Hmm..hayaan mo na nga."sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

Ang cute talaga ni Eddy.Parang kapatid na ang turing ko sa kanya.Kung may kapatid kaya ako ganito na ba kaya kalaki?

"Mauna ka ng bumaba Eddy,hindi pa ako nagugutom e."

"Sigurado ka ate?Baka magtanong na naman iyon si kuya kung wala ka."

"Huh?Bakit naman siya magtatanong?"takang tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at sinabing bababa na dahil gutom na siya.Bakit naman magtatanong ang sungit na iyon?Wala naman pakealam 'yun.

Alas nuebe ng gabi ay naisipan kong bumaba para magtimpla ng gatas.Inaamin ko medyo nagugutom ako pero hindi na ako kakain iinom nalang ako ng gatas.

Nasa hagdanan na ako ng may narinig akong nagsasalita.

"She's okay mom.Yeah,I know.Ako na po ang bahala.Alright,ingat kayo ni Dad.I love you too."

Si Tita siguro kausap niya.Wala na naman pala sila Tita.Akala ko sila mom at dad lang ang laging wala sa bahay pati pala sila Tita Marites.

Dumiretso na akong kusina at sinimulang magtimpla.

"Bakit hindi ka bumaba kanina para kumain?"nabigla ako ng may nagsalita sa likuran ko.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Grabe ka naman.Nakakagulat ka!"

"Tsk"

"Kumain ka ng maayos at sa tamang oras baka kung mapano ka,wala pa naman ang mga magulang at nasa pader ka namin.Masisi pa kami."pangaral niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.Pabigat naba ako dito sa bahay na ito?Kaya siguro tumawag si Tita Marites kanina para paalalahanan si BJ na nandito ako at dapat bantayan nya rin ako.May nadama akong kunting kirot sa aking puso.Yumuko nalang ako dahil sa naisip.

"Sit.I'll cook.Alam kong nagugutom ka,ako rin hindi kasi ako nakakain."

"Bakit?sinabi ko bang hindi ka pwedeng kumain?sigaw ko sa kanya dahilan nagpalingon siya sa akin.Siguro nagulat siya.Nagulat rin ako sa sarili ko pero bahala na nainis ako sa sinabi niya kanina.

"Are you mad?"lumapit siya sa akin.

"Hindi ko naman sinabing mag-alala ka o kayo sa akin.SORRY ha kung pabigat ako at dagdag dalahin mo ako dito.Hindi ko naman ginustong makitira sa inyo e kung hindi dahil kay mommy!may halong galit sa tinig ko.

Tumakbo agad ako pagkatapos kong sinabi iyon dahil naninikip ang dibdib ko at parang maiiyak na ako sa sikip nito.

"Claire?"dinig kong tawag niya sa akin.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon