Kabanata 31

15 0 0
                                    

"Ikaw.Ikaw..ang wish ko."

Pagkasabi niyang iyon ay para akong nakarinig ng maraming bell at nakalutang sa ulap.Hindi ko maiwasan ang mamula at mapangiti sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.Oo,aaminin ko may gusto rin ako sa kanya pero natatakot pa rin akong aminin sa kanya iyon.Ang totoo,ang wish ko ay bukod sa pamilya ko ay siya rin.

Bumalik ako sa ulirat ng pinisil niya ang ilong ko.

"Take your time.Hindi kita minamadali."sabay ngiti niya.

Ngumiti din ako pabalik sa kanya at naglakad na kami pababa para puntahan si Eddy.

Nang matapos na kami sa kakapicture at kakalibot ay napagdesisyonan naming bumaba na ng temple at pumunta sa ibang spots naman.

Nasa byahe kami ng panay tingin ako sa mga pictures at ganon din si Eddy.Paminsan-minsan pinapatingin ko si BJ tuwing nags-stop ang sasakyan.Kwentuhan,tawanan ganon ang naging byahe namin kahit kaming tatlo lang.Kahit minsan nagbabangayan ang magkakapatid,pareho kasing masungit pero mafefeel mo talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Sunod naming pinuntahan ay ang Sirao Flower Garden and Farm tinagurian itong Cebu's Mini Amsterdam.Napakaganda ng mga bulaklak,masarap sa mata.It's a great place for prenuptials and selfies.

Pagkatapos naming magsawa sa tanawin at kakapicture ay napagdesisyonan naming kumain na kasi gumagabi na rin.Napagpasyahan naming sa Lantaw Native Restaurant kami kakain.

Pagkarating naming sa Lantaw ay umupo na kami sa bakanteng upuan at tumawag ng waiter.Lahat ng menu sa Lantaw ay all Filipino favorites such as,bulalo,crispy pata,sinigang at iba pa.

Umorder na kami at hinintay nalang itong ma-serve.Inilibot ko ang aking paningin,ang cozy ng place.Sakto ang upuan namin ay makikita mo ang mga naglalakihang bundok sa paligid.

"Nag-enjoy ka ba?"biglang tanong ni BJ kaya napabalik ang tingin ko sa mesa namin.

"Oo naman."ngiting sagot ko sa kanya.

Si Eddy busy sa kakalaro sa cellphone niya.

"Ikaw?Nag-enjoy ka ba?"tanong ko sa kanya.

"Yes."tipid niyang sagot.

Dumating na ang order namin at sinimulan na naming kumain.

"Excuse me.Punta muna akong cr."

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nagretouch ng kunti.Pagkalabas ko sa pinto ay nabunggo ako.

"Ouch."daing ko dahil sa sakit ng braso.Pag angat ng tingin ko ay isang matangkad na lalaki na nag-aalala ang mukha ang nakita ko.

"I'm sorry miss.Nagmamadali kasi ako,hindi kita napansin."sabi niya sabay hawak sa braso ko na nabangga niya.

"It's okay.Hindi ko lang mapigilang mapa-aray kasi masakit."Alam ko naman na hindi niya sinasadya iyon.

"I'm really sorry.Gusto mo bang dalhin kita sa ospital para macheck ang braso mo?May kakilala akong doon."

"No,no,no..ayos lang talaga."

"Hey?What happened?"si BJ in a baritone voice.

"Ah,wala.Nagkabanggaan lang."sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?"may kinuha siya sa kanyang bulsa at ibinigay niya sa akin ang calling card niya."Please call me kung may masamang mangyari sa braso mo.I'm really at hindi na ako magtatagal kasi may hinahabol pa akong meeting."sabi nung lalaki.

"She does'nt need that.Ako na bahala sa kanya."si BJ na medyo galit ang boses.

"Oh!Okay then,I have to go."sabay alis nung lalaki pero bago siya umalis ay tumingin muna siya sa akin at humingi ng tawad.

"Are you done?Aalis na tayo."sabay talikod niya.Nasa sungit mood na naman siya.Dahil siguro sa kinain niya.

Bumabiyahe na kami pabalik ay walang imik si BJ.Kami lang lagi ni Eddy ang nag-uusap hanggang sa nakaramdam ako ng antok at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may marahang tumapik sa braso ko.

"Hey,andito na tayo."si BJ."Nauna ng pumasok si Eddy."patuloy niya.

Tumango ako bilang sagot pero hindi pa bumaba.

"Ayos lang ba ang braso mo?"nag-aalala niyang tanong.

"Oo,ayos lang.Kunting kirot lang tapos wala na."

"I'm sorry about earlier.Hindi ko nagustuhan ang pagbigay niya ng calling card sayo at tinanggap mo naman."may halong tampo ang boses niya.

"Tinanggap ko kasi hindi ko naman alam na calling card ang ibibigay niya pero hindi ko naman tatawagan iyon.Itinapon ko na."may pakiramdam akong nagseselos ang isang 'to kaya di ko maiwasang tumawa.

"What's funny?"kunot noo niyang tanong.

"Wala lang.You sound like a jealous boyfriend."natutop ko ang bibig ko dahil ako mismo ay nagulat sa tanong ko.

"I'm so-sorry,huwag mong intindihin ang sinabi ko."nahihiya kong sabi.

"Bakit ka nahihiya?I admit it,nagseselos ako and I want to be your boyfriend."deretso niyang sagot.

Wala akong masagot,hindi ko alam kung anong isasagot ko.Alam kong nangliligaw na siya sa akin kung panliligaw nga ba ang tawag don.Hindi ko nabanggit pero binibigyan niya ako ng bulaklak tuwing namamasyal kami,kumakain,nanonood ng movie,pumupunta sa mall at kahit sa bahay pumipitas ng bulaklak sa labas ng bahay at ibibigay sa akin.Kahit ganyan ay na-a-appreciate ko and I find it cute.

"Pasok na tayo."basag ni BJ sa katahimikan ko.

"Okay."

Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa loob.

Naabutan namin sila Tita at Tito nag-uusap at nagtatawanan.Natigil sila ng dumating kami.

Tinanong lang kami kung kumusta ang lakad at kunting kwentuhan pa.Nagpaalam na akong mauna ng umakyat upang makapagbihis kahit ang totoo napagod din ako.

Habang naglalakad ako papuntang kwarto ay napansin kong nakatayo lang si BJ sa labas ng kwarto niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka pa pumasok?May kailangan ka ba?"tanong ko sa kanya.

"Wala lang.Gusto ko lang magpasalamat for today."naco-conscious ako sa titig niya.

"Salamat din."tipid kong sagot.

"Claire,I'm serious about my feelings for you and to you.Please think about it."seryoso niyang sabi.

Tumango ako bilang sagot.Alam ko naman sa sarili ko kung ano ang sagot ko sa kanya pero hindi ko pa kayang aminin.Balak kong sa birthday ko na ibibigay ang sagot ko sa kanya.Malapit na rin naman,next month na.I hope he can wait.

"Thank you.Sige,pumasok ka na."ngiti niyang sabi.

"Oo,ikaw din."

Pumasok na ako sa loob at sumandal sa pintuan at napahawak ako sa dibdib ko.Ang lakas ng tibok nito.

Tumakbo ako at tumalon-talon sa kama sa kilig.Hindi ko mapigilan ang saya ng nararamdaman ko.

Pumasok ako sa banyo upang maligo nang makapagbihis at makapagpahinga na.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilang mapakanta sa saya.

Sana birthday ko na.


Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon