Kabanata 1

73 4 7
                                    

"Mare, salamat talaga ha. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Maraming salamat." Nagising ako sa boses na iyon ni mommy, may kausap yata siya sa telepono.

"Oh anak, buti't gising kana. Nakausap ko na ang bestfriend kong si Marites,diba nameet mo na siya once?Naalala mo ba?"Tumango ako bilang pagtugon. Maganda at mabait si tita Marites kahit isang beses ko lang siyang nakita.

"Bakit po mom?Anong meron po kay tita Marites?"Tanong ko sa kanya.

"Claire,napag-usapan namin ng daddy mo na sa kanila ka muna tumira habang wala kami. Two months lang naman anak. Natatakot kasi kami anak kung ikaw lang mag-isa dito, kahit na may katulong hindi pa rin kami mapakali ng ama mo. Kung pwede ka lang naming dalhin ay gagawin namin kaso alam naman namin na ayaw mo saka nag-aaral ka pa."Mahabang sabi ng aking ina.

"Mom,nakakahiya naman po. Pwede naman kina tita Luisa muna ako." Si tita Luisa ay kapatid ni Dad. Pero for sure hindi papayag si mommy kasi malayo ang bahay nila sa paaralang pinapasukan ko. Kami ay nakatira sa Mandaue Cebu sina tita Luisa ay nasa Compostela. Kaya napakalayo dagdagan pa ng sobrang traffic.

"Anak,alam mo na ang sagot diyan.Napag-usapan na namin ito ng tatay mo at sumang-ayon siya. At malapit lang ang bahay ng tita Marites mo sa school mo."

Kung sa bagay malapit nga lang ang BJA Academy sa kina tita Marites. Sabi ni mommy kung sisipagin pwede lang lakarin nasa 10 minutes lang pero syempre pinagsabihan na niya akong bawal maglakad baka kung mapaano pa ako.

Si mommy ay taga Manila at si Dad ay taga Cebu nagkakilala sila ni Dad sa Manila at nung nagpakasal na sila, dito sa Cebu na nila naisipang mamalagi. Pero paminsan-minsan pumupunta kami ng Manila para bisitahin ang lolo't lola ko,mga pinsan at iba pang kamag-anak.

Wala akong magawa kundi sundin sila sa gusto nila. Mabait naman si tita Marites siguro di naman ako mahihirapan doon. Sa naririnig ko nila mommy may dalawang anak si tita Marites at puro lalaki pa. Hindi ko pa sila nameet. Jusko naman,sana makasundo ko sila.

"Nasaan nga pala si Dad,mom?"Tanong ko kay mommy habang nagliligpit ng gamit ko.

"Pumuntang opisina anak,may kukunin lang na mga papeles. Dapat masigurado naming dala namin lahat ng mga importanteng bagay bago kami umalis."

"Sa sabado na po ba ang alis niyo mom?Ang bilis naman."Malungkot kong sabi.

"Claire,anak,huwag ka ng malungkot.Pag-uwi namin bibilhan ka namin ng maraming pasalubong." Ngiting sabi niya.

"Eh,hindi ko naman po maiwasang malungkot. Ito yata ang pinakamatagal niyong alis mom,dati naman tig isang linggo lang." Sabay yakap ko sa kanya.

"Hay naku,naglalambing na naman itong unica hija ko. Oh sya,bilisan mo na ang pagliligpit,siguraduin mong wala kang maiiwan,pasukan niyo na sa lunes. Bukas ng gabi ihahatid ka na namin kina Marites anak kasi sabado ng madaling araw ang flight namin." Mahabang sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ko.

"Dad! How's your day?"Sabay halik sa pisngi ni daddy. Kararating lang niya galing opisina.

"Okay lang anak,nakapag-usap naba kayo ng mommy mo?"tanong niya habang nagtatanggal ng sapatos. Opo dad,sagot ko sa kanya.

"Mabuti kung ganoon, pasensya kana anak at kailangan na naman naming umalis dahil sa trabaho. Hayaan mo pag natapos ito magbabakasyon tayong tatlo ng mommy mo." Ngiting sabi ni dad.

"Talaga po Dad? Tatandaan ko yan ha."sabay tawa ko. "Basta dad,umuwi lang kayong ligtas at healthy ni mommy okay na okay na ako." sabay thumbs up sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka,oo na po. Oh sige anak,akyat muna ako at magpapahinga saglit." sabi niya sabay halik sa aking pisngi.

Habang patuloy na nag-eempake ng gamit ko tumunog ang phone ko.

"Hello,oh bakit?"si Anna tumatawag bestfriend ko.

"Grabe ka naman kung maka oh bakit to oh!"reklamo niya,tinawanan ko lang siya.Ganito na talaga kami,classmate kami mula elementary hanggang ngayon pareho na kaming nasa ikaapat na taon na ng highschool.

"Claire,diba sabi mo may dalawang anak na lalaki yung bestfriend ng mommy mo?Ipakilala mo ako ha?"sabay tawa ng kigwa."

"Baliw,yan lang ba tinawag mo sa akin?nakakasakit ka naman"aktong nasasaktan na sabi ko

"Ito naman,syempre tumawag ako para sabihan kang mag-ingat ka at ipakilala mo ako."tawang tawang sabi nya.

Ganyan talaga yan si Ana may pagkabuang pero mahal na mahal ko yan,siya lang talaga ang masasabi kong tunay kong kaibigan. Mahaba pang napag-usapan namin hanggang sa..

"Oh sya,sige na goodnight. See you on Monday."sabi niya.

"Good night. See you"

Friday na pala bukas,kinakabahan tuloy ako. First time kong makitira sa bahay na hindi amin at hindi related sa pamilya namin. Ano kayang hitsura ng mga anak ni tita Marites? Naku naman baka ang susungit o suplado. napaisip tuloy ako bigla sabay iling. Ah bahala na, di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon