Lumipas ang ilang mga araw pagkatapos ng acquintance party at date namin ni BJ.
Nakausap ko na din pala sila mommy,three weeks from now uuwi na sila at may sasabihin raw sila sa akin.Kinulit ko nga kung ano e,kaso sa pagdating na raw nila.Kinabahan tuloy ako.
Sabado ngayon at walang pasok,napagpasyahan kong bumisita sa bahay namin sa Mandaue.Nagpaalam na ako kina Tita at Tito,gusto ko ngang magcommute lang kaso hindi sila pumayag.Magpapadrive daw ako kay Manong iyong driver nila.
Alas otso ng umaga ay naisipan ko ng bumaba para mag agahan at pagkatapos ay aalis.
Nagulat ako ng nakita ko si BJ sa sala nakaupo habang umiinom ng kape.Napansin niya sigurong may tao kaya napalingon siya sa gawi ko.
"Hi!Good morning."ngiti niyang bati sa akin.
"H-Hi..good morning."bati ko pabalik.
"Are you going somewhere?"tanong niya sa akin.Nakabihis na kasi ako para pagkatapos kung kumain ay aalis agad.
"Ah,yes.Bibisitahin ko ang bahay namin."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?I can drive you there."kunot-noo niyang tanong.
"Ayoko kasing maabala ka."Totoo,ayokong maabala siya kasi these past few days parati siyang umaalis.Hindi ko alam kung saan pumupunta,nahihiya naman akong magtanong.
"Hindi ka nakakaabala Claire,you should have told me.Sasamahan pa kita."
"Hindi,ayos lang talag--
Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay pinutol niya.
"I insist.Please..."sincere niyang sabi.
"Oh,okay.So,sabihan ko nalang si Manong na huwag na."
"Ako na ang magsabi."sabay tayo niya."Magbibihis lang din ako pagkatapos,kumain ka na ng breakfast."sabay alis niya.
Pumunta na akong kusina at tiningnan ang pagkaing nakahanda doon.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan at hinugasan ito.
"Done?"Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si BJ sa likuran ko.
"Nakakagulat ka naman!"sabay irap sa kaniya at tumawa lang ang sungit.
Naglakad na kami papuntang sasakyan niya.Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Thanks."tipid kong sabi at pumasok na sa loob.
Mahaba-haba rin ang naging byahe namin dahil na rin sa traffic.Nag-uusap lang kami tapos nakikinig ng music nang biglang tumunog ang phone niya.
Nakalagay lang kasi ito sa headboard ng sasakyan niya kaya nakikita ko kung sino ang tumatawag.It's Sofia.
Hindi niya sinasagot ito kaya napatingin ako sa kanya.
"Later.Sasagutin ko,panigurado akong hindi naman importante iyan."Nabasa niya siguro ang ibig kong sabihin kaya sumagot na siya agad.
Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos non.Hindi ko alam pero naiirita ako.Lagi nalang tumatawag ang babaeng 'yon tapos ayaw niya pang sagutin sa harap ko.May tinatagao ba siya?
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala kaming imikan.
"May inutusan ba kayong bibisita dito sa inyo para maglinis o tingnan ang bahay?"tanong niya habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Oo.Every Monday at Friday may pumupunta dito para maglinis.Upo ka muna."sabi ko ng makarating na kami sa sala.
Umakyat muna ako sa taas upang tingnan ang kwarto ko at chineck na rin ang paligid.Pagkatapos ay bumaba na at nagpunta sa kusina upang magtimola ng juice.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...