Kabanata 24

8 1 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay agad na akong umakyat sa kwarto para makapagbihis.

Binuksan ko ang aking laptop at nakita kong online si mommy sa skype kaya tinawagan ko agad.

"Hi mom,how are you?Where's dad?"

"Hi anak,how's school?We're fine here,anak.Wala pa ang daddy mo nasa opisina pa may inaasikaso lang."

"I miss you mom,kayo ni dad.Kailangan ba ang exact date ng balik niyo?"

"Uuwi kami anak,of course bago ang birthday mo.May gusto ka bang theme o anong gusto mong gawin sa debut mo?"

"Wala mom,ang umuwi kayo ay ayos lang."nalulungkot kong tugon.

"Ang sweet naman ng anak ko pero syempre let's make your 18th birthday very memorable anak.Nag-iisa ka naming anak kaya ibibigay namin sayo lahat na para sayo kaya nga kami nagtatrabaho ng mabuti ng iyong ama para sa iyo."Ngumito ako sa sinabi ni mommy.Alam kong mahal na mahal nila ako.

"Anyway,ako na ang bahala sa lahat.I already got an organizer para diyan and... may sasabihin kami sa'yo pag-uwi namin anak."Nakangiting sabi ni mommy.

Hindi na ako nagtanong pa kung ano iyon.May idea na ako kung ano pero hindi ako sigurado.

Nagpaalam na si mommy dahil magpapahinga na raw siya.Naaawa ako sa kanila alam kong nakakapagod ang ginagawa nila.

Pagkatapos ay bumaba na ako para tumulong maghanda ng hapunan kahit alam kong hindi naman ako papayagan ni Manang.

I saw Bj watching tv.Nakadekwatro ang kaniyang paa at nakalagay sa ibabaw ng sofa ang kaniyang dalawang kamay.

Ang lakas ng pintig ng puso ko habang pababa ng hagdanan and then lumingon siya sa akin.Agad akong nagbawi ng tingin at dumiretso na ng kusina.

Tumulong nalang ako maghanda ng mga plato sa mesa dahil kahit anong pilit ko hindi talaga nagpapatulong si Manang.

Nakita kong bumaba na rin si Eddy.

"Kuya,bukas ay uuwi na sila mommy at daddy.Namimiss ko na sila."narinig kong sabi ni Eddy kay BJ.

"Bukas nandito na sila."sagot niyang hindi man lang tiningnan ang kapatid.

"Claire,tawagin mo na sila,kakain na."si Manang

Bigla akong kinabahan.Ayos lang kung si Eddy pero si BJ..napailing nalang ako at naglakad papuntang sala.

"Kumain na raw tayo sabi ni Manang."aya ko sa kanila at nauna ng naglakad si Eddy habang nakatingin lang si BJ sa akin.

"B-bakit?"

Tumayo na siya at.."Tara."tipid niyang sagot at naglakad papuntang kusina.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa taas,may tatapusin pa kasi akong assignment.Sa totoo lang,ayoko ring magtagal sa baba dahil kay BJ.Feeling ko hindi ako makahinga pag nasa paligid siya.

Pagkatapos kong magpunas ay humiga na ako sa kama.Nagreply muna ako sa mga text ng mga pinsan at mga kakilala ko bago naisipang matulog.

Kinaumagahan pagbaba ko ay nakita ko si Tita naghahanda ng pagkain sa mesa at si Tito ay nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.Napangiti ako sa aking nakit.Namiss ko rin sila.

"Hi Tita,tito..good morning po."bati ko sa kanila habang humalik sa pisnge ni Tita at nagmano,ganoon din kay Tito.

"Good morning,Claire..lalo kang gumanda ah."masiglang bati ni Tita at tinawanan ko lang ang sinabi niya.

"Umupo kana diyan,bababa na rin iyong dalawa."

Nag-usap-usap lang kami tungkol sa lalad nila.Mabuti at natapos na ang conference na pinuntahan nila.

Bumaba na rin ang magkakapatid.Humalik siya sa pisnge sa kaniyang mommy ganun din sa kaniyang daddy.

Kaharap ko si BJ at katabi ko si Eddy.

"Good morning."bati ni BJ sa akin.

"Good morning ate."si Eddy

"Good morning."bati ko rin sa kanila.

"How's school?"si Tito ang nagtanong.Tinutukoy niya kaming tatlo Lagi naman ganiyan pag kasabay namin silang kumakain laging tinatanong ni Tito ang mga whereabouts namin lalo na sa kaniyang dalawang anak.

"Ate,I saw you last Friday with kuya Bon.Kuya siya ng kaklase ko eh.Sabi sa akin ni Jester may gusto raw sa'yo iyong kuya niya"inosenteng sabi ni Eddy na ikinagulat ko.

Napatigin ako bigla kay BJ na ngayon ay napatingin sa akin na nakakunot noo.

"Oh?Your ate is beautiful Eddison,kaya hindi mapipigilan na may lumalapit talaga."sabay tawa ni Tita.

"Anong pinag-usapan niyo?"malamig na tanong ni BJ habang patuloy na kumakain.

"A-ahh may tinanong lang,iyong tungkol sa isang prof namin.Iba kasi siya na section,hindi kami magkaklase."

"I see."tipid niyang sagot at narinig kong tumikhim si Tito.

Ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain at nakikinig lang ako sa usapan nila.Puro business lang at minsan sumasagot rin si BJ.

Hindi ko alam pero parang wala siya sa mood ngayon.

Nauna na siyang tumayo.

"Mauna na ako sa labas.Hintayin na kita doon."sabay talikod niya na hindi man lang ako tiningnan.

Nagpaalam na rin ako kina Tita at Tito sabay sunod sa kaniya.

Pumasok na ako sa loob ng kotse dahil hindi ko rin naman siya nakita sa labas so I assumed nasa loob na siya.

Hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho and it bothers me.

"Can I turn on the stereo?"tanong ko para basagin ang katahimikan.

"Yeah."tipid niyang sagot.

"Anong mga paborito mong kanta?"pilit kong pinapahaba ang usapan.

"Wala."

Napanguso ako sa sagot niya.

"Bakit wala?Ang hilig mong kumanta pero wala kang paborito."

Hindi siya sumagot.

"Anong ginamit mong freshener sa sasakyan mo?Ang bango!"pag-iiba ko sa usapan.Totoo naman talaga na mabango.

Napabaling siya sa akin."Are you okay?"strikto niyang tanong.

"Nagtatanong lang naman.Ang sungit mo talaga."Alam kong galit ito sa akin pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa naiisip kong baka nagseselos siya.

"Bakit nakangiti ka?"kunot noo niyang tanong.

"Hindi ah."pigil ko ng tawa.

"Really?"taas kilay niyang tanong.

Napahalakhak ako bigla."Ang cute mo..ang cute mo palang magselos."tinakpan ko agad ang aking bibig dahil ako mismo ay nagulat sa aking sinabi.

Bigla niyang hininto ang sasakyan sa may gilid at napatingin sa akin.

"What are you saying?"malumanay niyang tanong.

Umiiling ako bilang sagot."Wala..wag mo ng isipin iyon."pagsisinungaling ko.

"Yeah,I'm jealous.First,with that boy Jake?Then,iyong sa party,Brandon right?At ngayon iba na naman!Fuck!"nagulat ako sa huli niyang sinabi.

"I'm sorry,baby..hindi ko mapigilan."

Ang sarap sa tenga ang salitang "baby" na galing sa bibig niya.

"W-why are you jealous?Jake and Brandon are my classmates and friends while Bon is just my schoolmate.Wala kaming ginagawa."

"I'm sorry..I can't help it.Iniiwasan mo ako ng ilang araw,tinitiis ko iyon kahit na para akong pinapatay sa kakaselos na sila puwedeng lumapit sa'yo,ako hindi.Please..huwag mo na akong iwasan Claire,let's talk more about it baby."nakalapit na pala siya sa akin at hinawakan ang kunting hibla ng aking buhok at inilagay sa likod ng aking tenga.

Tumango lang ako bilang sagot habang nakatitig sa kaniya.

"Tara na at baka malate pa tayo."sabi niya.

Saka palang ako nakahinga ng maayos ng dumistansya na siya sa akin upang magmaneho.Ang lakas ng tibok ng puso ko ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon