Kabanata 17

14 2 0
                                    

Kasama ko sa kwarto si Anna at si Belle.Si Eunice at iyong si Sophia at si Tina ang magkakasama sa isang kwarto.Bale anim kami na babae at anim din na lalaki.Iyon ang nakareserve na room e,sabi iyon lang daw ang available.Pero sa mga lalaki ay nasa iisang room lang sila pero tig-iisa ang kama,iyon ang gusto ni Jordan para raw mas makapagbonding sila.

Mabuti nalang hindi kami magkasama sa iisang room ni Sophia.Itong si Belle mabait naman medyo tahimik.

"Alam mo ba kung anong relasyon ni Benj kay Sophia?"tanong ni Anna habang inaayos namin ang gamit namin sa kwarto.

"Ha?Hindi noh!Ba't mo naman natanong iyan?"totoo naman hindi ko naman talaga alam kung anong meron sila.

"Kanina kung nakita mo,ang pagyakap niya,paghalik sa pisnge,ang mga titig niya kay Benj,ang pagsasalita niya.Ah,basta!Buti nalang hindi pumapatol itong si Benjamin,naku,baka malintikan ko iyon."nanggigil na sabi ni Anna.

"Ano naman ngayon kong may something ang dalawang iyon?"

"Iba ang gusto ko para kay Benj."sabay kindat niya sa akin.Alam ko na kunh anong ibig niyang sabihin.Umiling nalang ako bilang pag hindi sang-ayon sa kaniya.

"Mag ex ang dalawang iyon."gulat kaming napatingin ni Anna kay Belle.Buti naman at nagsasalita na ito."Sa pagkakaalam ko hindi maayos ang paghihiwalay nila kaya may something."patuloy ni Belle.

"Hay,salamat at nagsasalita ka rin.Akala ko mapapanis na ang laway mo diyan."sabay tawa ni Anna.

"Close ba kayo ni Sophia?"tanong ko kay Belle.

"Oo..dati.Pero friends pa rin naman kami.Hindi ko lang talaga gusto minsan ang pag-uugali no'n kaya hindi na ako masyadong sumasama sa kanila."

Napatango nalang kami ni Anna.Ayaw na rin naming mang-usisa pa baka kung ano pa isipin niya,baka isipin niya interesado ako sa love story ng dalawang iyon.

Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok.

"Hi!Okay lang ba kayo?Ready na kayo?Kakain tayo sa baba."si BJ na nakangiti.

"Oo,ready na kami.Actually,kanina pa,nagkukuwentuhan lang kami."ako na ang sumagot.

"So,let's go?"anyaya niya sa amin.

Tumayo na kaming tatlo at lumabas na kasama si BJ.Nasa iisang floor lang kami lahat kaya nagkasabay-sabay na kami pababa.

Nakarating na kami sa restaurant ng hotel.Napaka elegante tingnan,syempre isa ba naman sa five star hotel ng Pilipinas.Isang buffet pala ang nireserve ni Jordan para sa amin.

"After nating kumain magpahinga muna tayo saglit para mamatang gabi may energy ang lahat."si Jordan na nakangisi Excited na excited sa anong mangyayari mamayang gabi.

Napag-alaman kong wala palang girlfriend ang anim na lalaking ito.Si Martin nung una akala ko meron pero wala pala ka fling lang daw,si Jordan wala rin hindi pa raw niya nahanap si Ms. Right,at itong si Josh at Tristan mukhang walang pag-asang magpatali,napaka playboy pero si Leo ay  iba seryoso pagdating sa babae kaya broken hearted rin,iniwan ng ex niya pumuntang ibang bansa at si BJ na masungit,ex niya ang isa sa mga babaeng kasama ko.

"Anna,okay lang ba kung ikaw ang partner ko mamaya kung sakaling may sayawan..party?"tanong ni Tristan kay Anna na napakamot pa sa ulo.Halata namang naaattract itong si Tristan kay Anna kung makatingin kasi ang lagkit.Yucks!

"Huh?Bakit ako?Itong si Belle nalang."sabay irap ni Anna.Isa pa itong isang 'to.Himala at hindi nagsusumigaw sa kilig.Nabanggit niya sa akin kanina naiinis siya kay Tristan,napakaplay boy raw tingnan.

"Ayoko nga.'Wag niyo nga ako isali diyan."si Belle na nakakunot ang noo.Napakatahimik talaga ng isang ito.Ngayon ko pa nalaman pinsan pala ni Jordan ito.

"Ouch,ang sakit naman.Sa gwapo kong 'to,tinanggihan pa."sabi ni Tristan na umaacting pang nasasaktan.Nagtawanan ang ibang lalaki at ang mga babae.

"May mga makukuha ka namang mga babae doon Tristan,ikaw pa."singit ni Sophia.Napatingin ako sa kaniya, nakangiti siya habang sinasabi niya iyon kay Tristan at napatingin ako kay BJ na parang walang naririnig sa paligid nakatingin lang siya sa akin.Napayuko ako bigla sa hiya.

"Kumain ka ng marami Claire,ang kunti niyang nasa plato mo."biglang sabi ni BJ na sigurado akong namumula ang mukha ko sa hiya.

Napa oh ang mga lalaki sa sinabi ni BJ at nagtawanan sabay tukso sa kaniya.

"Hindi ko alam ganiyan ka na pala ka caring dude."kantiyaw ni Josh kay BJ.

"Tss..tumahimik nga kayo."nasa pagkain lang ang kaniyang atensyon at paminsan-minsan ay tumitingin sa akin.

Narinig kong tumikhim si Sophia.

"Maliligo tayo ng pool mamaya,diba Jordan?"tanong bigla ni Sophia.

"Yeah,pool party."sagot niya sabay inom ng tubig.

"That's great!Naghanda na kami ng susuotin ni Eunice mamaya.Diba Eunice?"baling niya kay Eunice.

"Yes of course."sagot ni Eunice habang nakatingin kay Leo.

Nag-usap-usap ng kung ano ano,nagtatawanan,iyon lang ang ginawa namin buong oras habang kumakain.

Alas kwatro y media ay natapos rin kami at napagdesisyonang magpahinga muna para pagdating ng alas sais ay ready na sa gagawing party mamaya.

Napagod ako sa biyahe at ginawa namin kanina kaya pinili kong sa room na ako mag-aantay hanggang alas sais.Sila Anna at Belle kasi ay napagkasunduang maglibot-libot saglit sa resort.

Habang nakahiga ako ay may kumatok sa pinto at iniluwa do'n ang napakagwapong nilalang este si BJ.

"Hi,are you okay?Nakita ko sila Anna at Belle,hindi ka sumama?"tanong niya habang papalapit sa kamang hinihigaan ko kaya bumangon na rin ako at naupo sa kama.

"Oo naman,okay lang ako medyo napagod lang,alam mo na..project,biyahe..pero ayos lang ako may mamaya pa naman at bukas susulitin ko nalang."

"Magswi-swimming ka mamaya?"tanong niya.

"Oo,depende.Gusto ko rin matry ang pool dito.Ang ganda ng resort na ito sayang kung hindi mo subukan.Bakit?"

"Just asking.Anong susuotin mo?"

"Swimsuit?I dont know..may two piece at one piece naman akong dala."

"You can't wear that.Ang bata mo pa para sa ganiyan Claire."

"What?Anong susuotin ko,t-shirt at shorts?No,Bj."sabay iling ko.

"Maraming lalaki dun Claire,hindi maiiwasan na titingin sila."nakakunot noong sabi niya.

"Titingin lang naman,saka hindi lang naman ako ang magsusuot ng ganun,si Anna,Belle,Eunice,Tina at si...Sophia,hindi lang din naman kami ang babae doon noh."

"Ikaw ang bahala,please bring some extra na damit or towel"he sighed.

"Yes,kuya."tukso ko sa kaniya,para kasi siyang kuya kung umasta.Gusto ko lang siyang tuksuhin.

"Don't call me that."seryoso at matigas niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Why,kuya?tanong ko habang nakatawa.Napahinto ako sa pagtawa dahil naiilang ako sa pagtitig niya sa akin.

"Bakit?May dumi ba ako sa mukha?"tanong ko habang pinupunasan ang aking labi ng aking kamay.

Umiling siya.

"Walang dumi Claire,mas lalo kang gumaganda kapag tumatawa."diretso niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Nashock ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita agad.

"You are so beautiful Claire"unti-unting inaabot ng kaniyang kanang kamay ang aking mukha.Napakabanayad ng kaniyang mga haplos,hindi ko naiwasan ang mapapikit.

Pagdilat ng aking mga mata ay hindi ko maiwasang manlaki ito dahil sa lapit ng kaniyang mukha sa aking mukha.Napaatras ako pero huli na dahil headboard na pala ng kama ang nasa aking likod.

Nakahawak na siya ngayon sa aking baba at unti-unti niya itong iniaangat palapit sa kaniya and then he kiss me.

Gulat na gulat ako,my lips to his lips.Napapikit ako at mas dinaramdam ang kaniyang labi sa aking labi.Napakalambot at hindi ko maipalawanag ang aking nararamdaman.

Sana hindi ito panaginip kung panaginip man ito,sana hindi na ako magising.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon