"Mom,Dad,I'm ready!"sigaw kong sabi sabay baba ng hagdanan.
"Good,halika na at kumain na muna tayo bago umalis"si Dad.
"Oh anak,handa ka naba sa pasukan?Graduating ka na,napag-isipan mo na ba kung anong kurso ang kukunin mo sa college?"tanong ni mommy
"Handa na po ako mom,hmm.. balak ko sanang kunin ang kursong Business Administration mom."
"Wow, that's good. Someday you will run your own business anak. Sigurado ka na bang ready na lahat ng gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan? Echeck mong mabuti ng sa ganun di ka pabalik balik anak medyo malayo layo din ang babiyahiin"patuloy nyang sabi.
"Okay na po lahat mom,nacheck ko na lahat at tungkol sa mga requirements sa school sa sabado na po ako bibili sabay kami ni Anna mom."
"Okay, ang atm mo na sayo na ingatan mo yan"mom said.
"Yes maam, alam ko na po lahat mom 'wag na kayong mag alala ni Dad,okay? Kaya ko na po sarili ko."
"Are you done so we can now go?"daddy said
"Yes dad!"maikli kung sagot. Sa totoo lang kinakabahan ako and at the same time nalulungkot. Mamimiss ko sila di bale na magvivideo call naman kami parati at saka 2 months lang naman, madali lang dumaan ang araw.
Habang nasa byahe iniisip ko kung ano ang gagawin ko kapag nasa bahay na ako nina Tita Marites. Tutulong ako sa gawaing bahay, marunong naman ako kahit papano. Paano ko kaya pakisamahan ang mga anak niya? Okay lang kaya sa kanila na tumira ako doon? Kilala na kaya nila ako? Naputol ang pagmuni-muni ko ng huminto na ang sasakyan namin.
Ngayon ko lang napansin nasa isang subdivision pala kami, so dito pala sila nakatira. Halatang mayaman, napakaganda ng subdivision na ito. Ano kayang trabaho ni tito't tita? Hindi kasi masyadong nabanggit ni mommy sa akin, hindi nga ba o di lang talaga ako masyadong nakikiisyuso pagdating sa mga bagay bagay na tungkol na sa mga matatanda, alam nyo na.
"Claire anak! nandito na tayo,bumaba kana dyan"sabi ni mommy sabay katok sa bintana ng sasakyan.
Hindi ko namalayan, nakatulala lang pala ako sa dami ng iniisip.
"Mare!?" sigaw ng isang magandang babae na kasing edad ni mommy at sa naalala ko siya si Tita Marites.
"Mare, kumusta?"si mommy sabay yakap at halik kay Tita Marites. At si daddy nakipagkamay lang kay Tita Marites at Tito Jose ang husband ni tita Marites.
Habang nagkukumustahan sila ay dinadala sa loob ng mga katulong nila ang aking mga gamit.
"Ito na ba si Claire? Napakagandang bata naman oo, matangkad pa ata sayo mare? manang mana talaga sayo mare at syempre sayo pare"tumatawang sabi ni tita.
"Magandang gabi po tita tito" sabay mano sa kanila.
"Magandang gabi din iha, aba't napakagalang naman nitong anak mo mare."ngiting sabi nya
Ngumiti lang ako bilang tugon.
"Hali na kayo't pumasok na tayo" sabi ni tita
Napakaganda naman talaga ng bahay nila hindi lang sa labas kundi lalo na sa loob. Makikita mong magagara at mamahalin talaga ang mga nakadisplay na mga bagay sa loob. Habang nagkukwentuhan pa sila ay nililibot ko na lamang aking mga mata sa kabuuan ng bahay. 2 storey ang bahay nila pero malapad mas malaki ang bahay nila kaysa sa amin. May mga paintings kang makikita at napakaganda.
Hindi nagtagal kailangan ng magpaalam nila daddy at mommy. Mga nasa 2 oras din silang nagkukwentuhan.
"Mare, gusto ko mang makipagkuwentuhan ng mas matagal pero maaga pa kami bukas at marami pa kaming dapat asikasuhin"malungkot na sabi ni mommy
"Ano ka ba naiintindihan ko,marami pa namang susunod" sabay ngiti ni tita
Huwag kang mag alala kay Claire ako na ang bahala, alam mo naman ma anak na din ang turing ko sa anak mo atsaka gustong gusto ko talaga ng anak na babae paano ba kasi puro lalaki ang anak ko, sabay tawa ni tita Marites.Habang nag-uusap si mommy at tita, nag-uusap din sila dad at tito. Hindi na ako nakinig kung ano mang pinag-uusapan nila.
"Claire anak, kailangan na naming umalis. Mag-iingat ka palagi anak, magpakabait ka dito ha, 'wag mong bigyan ng sakit ng ulo ang tita't tito mo - mommy said sabay yakap sa akin
"Syempre naman mom,ako pa-sabay kindat sa kanya. Mag-iingat din kayo ni dad mom, I'll miss you both, I love you."
Nagyakapan pa kami bago sila sumakay na sa sasakyan at kumaway.
"Halika na Claire ihahatid kita sa magiging kwarto mo"sabi ni tita habang nakangiti
Umakyat na kami sa taas at nakakaamaze talaga ang bahay nila. May anim na kwarto sa taas, sa ibaba din meron I think para sa mga maids nila yung nasa baba. May nakita akong music room, wow may music room sila baka mahilig kumanta mga anak ni tita.
"Dito ang room mo Claire"sabay bukas ng pinto.
"Wow ang ganda naman po ng room na ito tita, maraming salamat po at pasensya na po sa abala"
"Walang anuman Claire, feel at home. Hindi kana iba sa amin, pamilya na ang turing namin sa inyo. Napakabuti ng iyong mga magulang kaya kahit sa ganitong paraan man lang eh makabawi din kami sa kanila"mahabang sabi ni tita.
"Alam mo parang kapatid na ang turing namin ng iyong mama sa isa't isa. Simula elementary hanggang grumaduate kami ng kolehiyo ay magkaklase kami. Pareho kaming laking Manila at eto pareho ding nakapag-asawa ng Cebuano"mataas na kwento ni tita habang tumatawa.
Ngiti,tawa at tango lang ang tangi kong sagot. Medyo nahihiya pa kasi ako eh pero napakabait at napakafriendly ni tita.
"Oh sige na, alam kong pagod kana. Magpahinga ka na, feel at home Claire. Bukas ipapakilala kita sa mga anak ko" sabay ngiti at kindat ni tita. Good night.
"Good night po tita."
Nakaalis na si tita at ako ito sinusuri ang kabuuan ng room. Ang ganda naman ng kwarto na ito, kanino kayang room ito. Napakaganda at napakalinis ng CR, may bathtub at kompleto sa gamit.
Ginawa ko muna ang night routine ko tapos humiga. Gawain ko na ang echeck ang phone ko bago matulog.
Text message:
"Besh, kumusta ka dyan? anjan ka na ba sa kina tita Marites mo?-Anna
"Ano balita nakita mo na? -Anna
"Bukas ah yung plano natin huwag kalimutan, i lab yu beshy alam ko busy kana dyan pero wag mo akong kalimutan lagot ka sa akin bukas. Good night."
Napatawa ako bigla sa huling mensahe nya. Baliw talaga tong si Anna.
Nagreply muna ako sa kanya ng pagkahabahaba para di na magtampo saka nag good night na rin.
Nagmessage na rin ako kina mommy at daddy.
What a very tiring day, sabay hikab.
----
Nagising ako sa alarm kong 6am. Nakakapagod pang bumangon nakalimutan ko palang e-off ang alarm, nakasanayan ko na kasing magset ng alarm dahil sa skwela.Bigla akong nauhaw, makalabas nga...
Pagkasarado ko ng pinto,
"Ahhhhhhhhh!!!!!!! sino ka?"
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
Storie d'amorePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...