Pabaling-baling ako sa higaan dahil hindi ako makatulog sa kaiisip sa nangyari kanina.Kahit anong pilit kong matulog ay laging pumapasok sa isip ko ang naudlot na halik at sa mga sinasabi ni BJ.Gusto kong tanungin siya kanina pero walang salitang lumalabas sa aking labi.
Kinaumagahan ay para akong lasing na may hangover.Buwesit!Bakit ba kasi ginawa niya 'yon?Ngayon pala namin uumpisahan ang project,kailangan kong maghanda dahil magkikita kami ni Jake sa mall para sabay kaming pumunta sa kanila.Iniinsist niyang kunin nalang ako sa bahay pero tumanggi ako dahil hindi ko pa nasabi sa kanya kung saan ako nakatira ngayon.
Alas 9 ang usapan naming magkita kaya nagready na ako.Balak kong hindi na kakain ng breakfast,magtatake-out nalang ako ng pagkain.
Pagkalabas ko sa aking kwarto ay sakto ring bumukas ang pinto sa kabila,iyon ay ang kwarto ni Jake.Nagkatinginan kami saglit dahil ako ang unang nagbitiw.
"Good morning"bati niya.
"Good mor-ning"shit!kailangan ba talagang mautal.
"Nakabihis ka.Walang pasok ngayon diba?May lakad ka ba?"takang tanong niya.
"Oo.'Yung tungkol sa project namin,remember?"
"Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin?"taas kilay niyang tanong.
Kunot-noo akong tumingin sa kanya."Sa'yo ko ba talaga kailangang magpaalam?I already message Tita."
"Bakit hindi?Kami ang kasama mo dito nang sa ganoon alam namin kung saan ka pupunta at kung may mangyari man sa'yo,alam din namin."I can sense irritation in his voice.
"Okay,next time then."Sagot ko para hindi na humaba pa ang usapan.
Naglakad na akong pababa,akala ko hindi na siya susunod pero nakabuntot pa rin siya sa akin.Nilingon ko siya dahilan napahinto siya sa paglalakad.
"What?kunot-noo niyang tanong.
"Wala."at nagpatuloy na ako sa pagbaba
"I told you na dito sa bahay niyo gagawin ang project na 'yan.Bakit kailangan mo pang umalis?Saan kayo gagawa?"
"Sa bahay nila kami gagawa."tipid kong sagot sa kanya
"Really,Claire?Pupunta ka sa bahay nila at kayong dalawa lang ang gagawa?What are you thinking?Hindi mo man lang ba naisip kung baka anong mangyari sa'yo?pagalit niyang tanong.
Nasa sala kami ng bahay habang nag-uusap.I saw Eddy na lumingon 'nung pagalit na nagtanong si BJ and some of their maids.
"Ano namang gagawin ni Jake sa akin?Tingin ko'y wala naman siyang gagawing masama sa akin at isa pa hindi ko pa nasabi sa kanila na dito ako nakatira.Tanging si Anna lang at mga kaibigan mo yata ang may alam.
"Bakit ayaw mong ipaalam?Ano naman meron kung malaman nila na dito ka nakatira?parang nanghahamon niyang tanong
"Sasabihin ko rin naman.Ayaw ko lang na baka mag-isip sila ng masama or kung ano-ano."
"Then,let them."
I sighed.Bakit ba ganito ang isang 'to?Kagabi lang ay iniwan-iwan ako.'Nung naalala ko ang kagabi biglang nag-init ang aking mukha.
"Why are you blushing?"
"What?Hindi noh!"sabay talikod sa kanya at akmang aalis na.
"Wait!Ihahatid na kita."
"Huwag na!Kaya ko namang pumunta ng mall mag-isa.Doon ba kami magkikita tapos sabay na kami papunta sa kanila."
Hindi siya agad nagsalita.Tiningnan niya lang ako sabay sabi"Okay,if iyan ang gusto mo."Umalis na siya at pumuntang kusina.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
Любовные романыPaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...