Kabanata 25

18 2 1
                                    

Ang dali lumipas ng araw,isang buwan na akong nakatira sa kanila parang kahapon lang.

Excited na ako dahil next month uuwi na sila mom at dad.

Hindi ko alam basta pagkagising ko ang gaan-gaan ng feeling,ang saya lang.Bigla kong naisip ang nangyari kahapon hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"Good morning Manang."bati ko na nakangiti.

"Dios ko bata ka,nagulat ako sa'yo."sabi niyang nakahawak pa sa may bandang puso niya.Ganon ba ako nakakagulat."Magandang umaga rin sa'yo iha.Ang saya-saya natin ah!"

Tumawa ako bago sumagot."Pasensya po kung nagulat kita."

"Ano bang meron ngayon,ang ganda ng gising mo."nakangiti niyang tugon.

"Wala lang Manang,mag-iisang buwan na pala ako dito.Next month uuwi na sila mom at dad."nakangiti kong tugon."Sila tito't tita pala?"

"Maaga sila umalis.Alam mo naman iyon sila napakabusy rin."Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Pagkatapos naming magbreakfast ay ready na para papuntang school.

"Good morning."nakangiting bati ni BJ nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.

"G-good morning."shit!nauutal na naman ako.

Humalakhak siya na ikinagulat ko.

"Bakit?"inosente kong tanong.

"What's with stuttering words Claire?"humalakhak ulit siya.Tiningnan ko lang siya ng what-happen-look.

"Nothing.You're so cute and...beautiful."

Bigla akong napayuko sa hiya.Alam ko sa oras na ito kasing pula na ng kamatis ang aking mukha.

Nasa parking lot na kami ng school.Bababa na sana ako ng magsalita ulit siya.

"See you later."nakangiti niyang sabi.

Tumango ako."See you." at dali-daling bumaba ng sasakyan niya.

Habang nasa klase ay hindi ko maiwasang matulala at maisip ang mga nangyayari.Nakakainis!Ang lakas ng epekto niya sa akin.

Minsan hindi ko maiwasang matanong sa sarili kung ano ba kami.Nanliligaw ba siya o may label na ba.Tuwing naiisip ko iyan ay umiinit ang mukha ko sa hiya.

Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang mga kaibigan ko at syempre si Anna.

"Hala,bukas na ang acquintance party.Excited na ako!"gigil na sabi ni Anna.

"Ako rin.Naku,sana makita ko si crush."nakatingalang sabi ni Jess.

"Ikaw ba Claire,excited ka na ba?Sigurado kakanta ang BJA Band bukas."si Bea.

"U-uhh..okay lang,sakto lang.Ano ba dapat maramdaman?Acquintance lang naman iyon."

"Hay naku!Ewan ko sa'yo Claire,syempre acquintance,nandoon lahat ng students..may makikita tayong gwapo don.Ikaw kasi eh..nakafocus ka lang sa isa."makahulugan niyang sabi.

Hindi na ako umimik pa sa sinabi ni Anna.

"Hala,si Jessica iyon ah!"biglang sambit ni Brandon habang kumakain.

"Bakit?Anong meron sa kaniya?"tanong ni Jess.

"Naririnig ko lang sa college building na may gusto raw iyon kay Benjamin.Nakita nga daw silang nag-uusap doon sa may kiosk."

Napakunot ang noo ko sa narinig.

"Nag-usap lang naman,bibigyan agad ng meaning ng iba."sabay tingin ni Anna sa akin.

"Sabi eh,lagi daw silang nakikitang magkasama eh."kibit balikat bi Brandon.

May kung anong kirot akong naramdaman pagkatapos narinig ang mga sinabi ni Brandon.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon