Kabanata 20

9 1 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas mula no'ng nag-usap kami ni BJ.

Medyo busy siya sa school dahil graduating na nga siya at minsan tumutulong rin sa opisina ng kanyang mga magulang.

Hindi ko alam,nalilito ako sa mga nalalaman ko.Alam nilang lahat ito,ako lang ang walang alam.Hindi ko alam kung paano haharapin si BJ,nahihiya ako.Laging pumapasok sa isip ko na magiging asawa ko siya.Sa tuwing naiisip ko iyon hindi maiwasang pamulahan ako ng mukha,minsan nga nagtatanong na si Anna kung anong nangyayari sa akin.Bakit raw bigla-bigla akong namumula.

Sa tuwing nagvivideo call kami ng parents ko hindi ako makatiyempo sa pagtanong dahil saglit lang silang makakausap dahil busy.Siguro sa pag-uwi nalang nila ako magtatanong.

Sa tuwing maiisip ko na ikakasal ako,ikakasal kami ni BJ may parte sa akin na masaya ako pero may parte din na nakakalungkot.Ayokong ikasal sa taong pinilit lang akong pakasalan o dahil gusto ng parents niya.Baka naman nasabi lang ni BJ na gusto niya ako para matigil na si Tita sa kakatanong.

May pagkakataon kasi naririnig ko si BJ na may kausap sa telepono.Kung hindi ako nagkakamali si tita iyon.Hindi naman sa nangingialam ako,nacucurious lang.

"Mom,alam ko..alam ko na 'yan."naiiritang sagot ni BJ habang nagkakamot ng ulo.

"Oo,sasabihin ko naman ma.Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo."

"Ayoko namang biglain siya.She's too young for this mom."iling niyang sabi.

"Nakamoved on na ako mommy."malamig niyang sabi.Siguro tinanong siya tungkol sa ex niya.

"Kailangan ba talaga ito?Ba't ganito ang kasunduan niyo ni Tita?"alam kong si mommy ang tinutukoy niya.

Ngayon ko lang naintindihan,akala ko wala lang iyon kaya hindi na rin ako nagtanong pa.

Tatlong araw ko na ring iniiwasan si BJ.Hindi ko alam,nahihiya ako.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.Kung tatanungin niyo ako kung kanino ako sumasabay papuntang school,wala.Nagpapahatid ako ng maaga sa driver nila.Gumigising talaga ako ng maaga para maaga rin akong makaalis.

Magtatatlong linggo na rin pala ako sa bahay nila.Next month uuwi na sila mom at dad,hindi ko maiwasang maexcite.

Maaga kaming nadismiss ngayon dahil may faculty meeting.Siguro kasali na rin sa meeting nila ang nalalapit na acquintance party.Muntik ko ng malimutan next week na pala iyon.Wala pa akong susuotin.

Naglalakad na ako papuntang kwarto ko nang mapansin ko si BJ na nakatayo sa labas ng kwarto ko na nakahilig.

Hindi ko alam ang gagawin ko.Kaya dumiretso nalang ako at hindi siya pinansin.Akmag bubuksan ko na ang pinto nang magsalita siya.

"Are you avoiding me?"matigas niyang ingles.

"Ha?hindi ah,bakit naman?"I am proud of myself dahil hindi ako nauutal.sagot ko sa kaniya na hindi nakatingin.

"Then,anong ginagawa mo nitong halos apat na araw?"halata sa tono nitong nagsusungit na naman.

Tiningnan ko siya at nakakunot ang kanyang noo.Hindi ako nakapagsalita agad.

"Hindi ka sumasabay sa akin papuntang school at pati sa pag-uwi.Ni halos hindi na kita nakikita,kung hindi lang ako nagtanong sa kaibigan mo hindi ko alam kung asan ka ana,kung hindi lang ako pumupuslit para tingnan ka sa loob ng klase mo ay hindi kita makikita."mahaba at pagalit niyang sabi habang nakacross ang mga kamay.

Natigilan ako sa aking narinig.Pumupuslit siya?Nakonsensya tuloy ako.

"May gusto ka bang sabihin?"halatang naiirita na talaga siya.Nagsusungit na naman.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon