Kabanata 27

9 1 0
                                    

Alauna y media na ng hapon at kasalukuyan ako ngayong naghahanda para sa gaganaping acquintance party mamaya.

Dumating na rin ang make up artist na kinontak ng mommy kahit ilang beses na akong tumanggi na hindi na kailangan ng make up artist dahil acquintance party lang naman iyon.

Nauna na sa school si BJ dahil may kunting problema silang aayusin sa mga wiring daw.

"Ang ganda mo girl,hindi mo na kailangan ng heavy make up."sabi ng bading na make up artist habang binoblower niya ang buhok ko.Kakaligo ko lang kasi.

"Salamat."nahihiya kong sabi."Hindi ko naman talaga kailangan ng make up,ang mommy ko kasi eh.Puwede na sa akin iyong foundation at lipstick."kahit papano alam ko naman ayusin ang kilay ko.

"Naku girl!Dapat mas maganda ka mamaya kaya kailangan mo ito.Don't worry,light make up lang pak na pak na. para naman hindi ka maputla tingnan mamaya."maarte niyang sabi na ikinatawa ko.

Alas dos y media na ng matapos kami.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.Ang ganda!Tanging nasabi ko lang sa isip.

"Wow!Grabe,ang ganda mo girl,as in."

"Salamat,salamat rin sa tulong mo."

Nagkwentuhan muna kami saglit nang may kumatok sa pinto.

"Ate,ready ka na ba?Ready na si Manong sa baba."Tinutukoy niya ang driver nila.

"Oo handa na ako.Ang gwapo mo Eddy."Puri ko sa kaniya.Nakasuot siya ngayon na kulay navy na polo at light brown na ibaba tapos naka tuck in at puting sapatos.Ang gwapo niya.Hindi halatang first year HS pa kasi matangkad si Eddy at maganda rin ang katawan.

Nahihiya siya sa sinabi dahil kakamot-kamot siya sa ulo.

"You look amazing ate."sabi ni Eddy ng nasa loob na kami ng sasakyan.

"Owww.Thank you Eddy."sabi ko with matching hawak pa sa aking dibdib at kinurot siya sa pisngi."You too,you look very handsome.Tiyak maraming babae ang maghahabol sa'yo mamaya."Tumatawang sabi ko.

"Tss.Ayoko sa mga babaeng gumagawa ng first move ate."sungit niyang sabi.

"Aba,aba..masungit rin.Akala ko kuya mo lang ang ganiyan,mas ka pala."tukso ko sa kaniya habang tumatawa.

"Iba naman 'yon si kuya ate.Hindi kami pareho."

Panay ang kuwentuhan at tuksuhan namin habang bumabiyahe papuntang school.

Inilibot ko ang aking paningin pagkarating namin.Hindi ko maiwasang humanga sa naggagandahang mga babae at naggagwapohang mga lalaki dahil sa mga suot nila.

Kinuha ko ang phone ko dahil nagvibrate ito.

"Hell-

Inilayo ko ang aking phone sa aking tenga dahil sa tinis ng sigaw sa kabilang linya.Alam na alam ko kung kaninong boses iyon.Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone at nakita kong si Anna nga ang tumawag.

"Nandito na ako Anna,'wag ka ngang sumigaw."

"Oo na po,ito na oh,naglalakad na papunta riyan.Ang sakit ng tenga ko."

Pinatay ko na ang tawag.Nag-aalburuto na naman ang bruha kasi daw ako nalang ang wala sa grupo.

Tiningnan ko ang relo ko hindi pa naman ako late.Sadyang maaga lang talaga sila.

"Andito na ang early bird."bungad agad sa akin ni Anna.

Alam ko naman na hindi niya ako matitiis kahit ganiyan yan.

"Akala tuloy namin hindi ka na a-attend.Itong si Anna,kanina ka pa hinahanap."si Jess.

"Puwede ba naman iyon?Once in a year lang ito kay a-attend talaga ako."Nakangiti kong sabi sa kanila at lumapit kay Anna at inakbayan siya.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon