Kabanata 9

23 2 0
                                    

Naunang nagpaalam ang BJA band dahil may practice raw sila at hindi nagtagal bumalik na rin kami ng classroom para sa klase.

"Boyfriend mo ba iyong si Benjamin?tanong ni Jake.

"Hindi noh!"sabay iling.

Tumango lang siya at nakinig na kami sa discussion.

Oras na ng uwian kaya nagliligpit na ako ng mga gamit ko.

"Anna?mauna na ako ha,alam mo na."

"Okay,sure.Ingat"

Tumingin ako kay Jake para magpaalam.

"So?bukas?"tanong niyang nakangiti.

"Oo bukas.Sige mauna na ako,bye."

Lumabas na ako ng classroom at naglalakad papuntang parking area.Tiningnan ko ang phone ko kung may mensahe ba galing kay sungit pero nadismaya ako nang nakita itong wala text galing sa kanya.

To Mr. Sungit:

Papunta na akong parking.Tapos na ba klase mo?

Nakarating na akong parking area at tiningnan ko ulit ang phone ko kung may reply galing sa kanya pero wala.Limang minuto na ang lumipas after kong masend ang message ko.

"Nasaan ka na ba sungit?"tanong ko sa sarili ko.

Mr. Sungit calling...

"Oh!bakit?"

"Punta ka muna dito sa music room.Alam mo iyon kung asan diba?Nasa ikatatlong building."

"Oo,alam ko..okay".

Tapos pinutol na niya ang tawag. Kahit kailan talaga,naunahan pa akong magbaba ng phone.

Pagdating ko sa music room ay nakita ko agad ang lima.Kaya pala dahil busy sila kakapractice.May acquintance party kasi next month kaya siguro lagi silang nagpapractice dahil tutugtog sila sa araw na iyon.Nasa kanya-kanyang mga assigned instruments sila.Nakita kong siniko ni Josh si BJ dahil nakatalikod sya sa akin.

"Hi,Claire!"sabay sabi ng apat.

"Hello"bati ko sa kanila.

Hindi man lang ako binati ng isang ito.Lumingon lang sya saglit nung siniko sya ni Josh at bumalik agad sa ginagawa nya sa gitara nya.

Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng room.Sakto lang ang laki nito pero maganda.

Alam na din kasi ng mga kaibigan ni BJ na sa kanila ako titira for two months.Nakita na nila ako nung araw na nagwawalis ako at nung araw na din na iyon nagkasagutan kami ni BJ kaya siguro hindi na sila nagtanong kung bakit ako nandito.Panigurado akong sinabihan na din sila ni BJ pati ang pagsabay namin papuntang school at pauwi.

Adik sa'yo awit sa akin

Tilang sawa na sa'king

mga kwentong marathon

Tungkol sa'yo at sa ligayang

Iyong hatid sa aking buhay

Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw...

Napatingin ako bigla sa kumakanta.Alam na alam ko kung sino iyon kahit nakapikit ako makikilala ko kung kaninong boses iyon.Sa unang beses na narinig kung kumanta si BJ ay parang ilang taon ko na siyang nakasama at narinig kumanta dahil kabisado ko na ang boses nya.

Siya kasi ang tipo na lalaki kapag kumanta ay mapapalingon ka talaga at manonood.May kakaiba sa mga mata niya parang nangungusap at may gustong iparating.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon