"Can you please leave now?"sabi ni Mr. Sungit
"Look BJ,hindi ko sinasadya okay?Nagsosorry na nga ako diba?'
"BJ?"takang tanong niya
"Benjamin Joseph,BJ for short. Nahahabaan kasi ako sa pangalan mo."
"Uy pare,kilala mo?"sabi ng kasama nya. Ipakilala mo naman ako pare,sabay tingin sa akin na nakangiti.
"I'm Josh and you are?"sabay lahad ng kamay niya
"I'm-
"Pwede ba pare, 'wag kayong maglandian dito at saka hindi ko yan kilala"nakakunot noo pa ang kigwa
Inirapan ko nalang siya at umalis. Narinig ko pang sabi nung Josh na sayang pare maganda yun. Nakakabwisit naman ang aga aga eh.
"Sino ba yun?Anong nangyari?"sunod sunod na tanong ni Ann. Busy kasi ang isang 'to sa kakacellphone di man lang ako pinagtanggol.
"Wala!may mga asungot lang talaga sa mundo."
Dumating na ang pagkain namin,nagkwentuhan kami saglit at pagkatapos naisipang maglakad lakad saglit sa mall at umuwi.
Nakarating ako sa bahay nila tita Marites mag aalas 4 na ng hapon. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Anna, naeexcite kami pareho sa lunes dahil pasukan na.
Bago ako pumasok sa kwarto may narinig akong tumutugtog. Napalingon lingon ako,asan kaya yun?Sa taas may anim na kwarto, pag akyat mo pa lang sa kanang banda may malaking sala at balcony,unang kwarto ay kay Edisson tapos library at kwarto ko at kasunod ng kwarto ko ay kay BJ. Ang alam ko nasa huli ang guestroom at kwarto nila tito at tita. So, baka ito ang music room. Wala kasing nakalagay na music room ang nakalagay Private Room.
Hinay-hinay kong binuksan ang pintuan at nakita ko si BJ na nakapikit habang kumakanta at naggigitara. Sa gilid niya ay si Josh na nagbabass na nakilala ko kanina sa mall at may tatlo pang lalaki. May nagdadrum at naggiguitar. Kung titingnan mo si Benj ngayon hindi mo akalaing masungit para syang anghel na kumakanta. Ang ganda ng boses niya, ang sarap sa tenga. Natauhan ako sa kaiisip ng huminto ang musika at nakitang nakatingin si BJ sa akin. Dali dali kung sinara ang pinto at umalis.
Muntik na,mapapagalitan na naman ako nun. Grabeng lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Alas 5 na ng hapon ay naisipan kong bumaba at uminom ng tubig. Ang laki ng bahay pero napakatahimik,nakauwi na kaya sila tita?nasa isip ko
Nakita ko si manang Lupe,isa sa matagal na nilang katulong na naipakilala ni Tita sa akin.
"Manang?tulungan ko na po kayong maglinis."
"Naku,iha 'wag na. Mapapagod ka at baka mapagalitan pa kami. Bilin kasi ni maam at sir na huwag kayong hayaang gumawa ng gawaing bahay."
"Sige na po manang,wala po kasi akong magawa. Nabobore po ako at nakakalungkot. Huwag po kayong mag-alala hindi kayo papagalitan ni tita ako pong bahala."kumbinsi ko sa kanya habang nakangiti
"Oh sige,ikaw bahala. Basta huwag masyadong magpapagod. Ito magwalis ka nalang para di masyadong mabigat."
"Thank you, Manang"ngiting ngiting sabi ko
Nakakapawis din palang magwalis at nakakapagod lalo na pag ganito kalaking bahay. Napalingon ako bigla ng may narinig akong nagtatawanan pababa ng hagdan.
"Teka,ikaw yung babae sa mall kanina diba?"tanong ni Josh
"Ah,eh,oo..ako nga. Bakit?"
"Uy dude,sabi mo kanina hindi mo kilala eh andito pala binabahay mo"tawang tawa ni Josh
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...