Kabanata 19

13 1 0
                                    

Last night was very fun and unforgettable.Puno ng tawanan at sayawan.

Late na kaming nagising dahil mag-aalas dos na ng umaga kami natulog.

Hindi ko akalain itong si Belle,sa aming tatlo ni Anna siya ang pinakanalasing.Ang tahimik pero pag nalasing ang ingay ingay.Napatawa ako bigla sa naisip.

Alas dose na ng tanghali kami nagising at sabay sabay na kaming bumaba para maglunch.Iyong iba naming kasama walang plano atang kumain dahil sa pagod.

Alas kwatro ng hapon ang alis namin kaya hindi rin kami nagtagal sa baba,pagkatapos kumain ay naglibot saglit at nagpipicture.May selfies at may group pictures.

Nasa kwarto na kami at nagliligpit na ng gamit.Hindi matigil sa kakadal-dal itong si Anna tungkol kagabi.

"Mamimiss ka namin Belle kahit saglit lang tayong nagkakilala."sabi ko bigla kay Belle.

"Oo,mamimiss kita,mamimiss ka namin."sabat ni Anna.

"Mamimiss ko rin kayo.Salamat sa pagtyatiyaga sa akin kahit hindi ako palasalita."sabi niyang nakangiti.

"Pero in fairness kagabi,nung nalasing ka ang ingay ingay mo."halakhak ni Anna.

Namula si Belle sa sinabi ni Anna.Nahihiya siguro.

Maganda si Belle.Mestiza at halatang may kaya sa buhay.Mahaba at natural ang kulot nitong buhok at may bangs.

"Nakakahiya iyong kagabi.Tutuksuhin na naman ako ni Jordan pag-uwi nito."nakapout niyang sabi.

Nagtawanan lang kami hanggang sa natapos kaming magligpit.

May biglang kumatok at pumasok si Josh.

"Hi!"nakangiting bati nito."Handa na ba kayo?Aalis na tayo within 15 minutes."sabi niya sabay tingin sa kaniyang relo.

"Oo,ready na.Nag-aantay nalang kami sa oras."sagot ko sa kanya.

"So,ewan ko muna kayo.Kita nalang tayo  sa baba mamaya."sabi niyang napatingin kay Belle sabay kamot sa ulo.

Tumalikod na siya nang biglang lumingon ulit at nagsalita.

"Hmmm..Belle."sabay pakita ng kaniyang telepono sabay alis.

"Anong ibig sabihin no'n?"naniningkit na matang tanong ni Anna kay Belle.

"H-ha?Wala no!Iwan ko sa kaniya."sabay iling ni Belle.

Natawa nalang ako sa reaksyon niya.Halata namang may gusto itong si Joshua kay Belle,mula ng dumating sila dito napapansin niya na si Joshua laging tumitingin kay Belle.Hindi na lang siya nakisali pa sa mga pang-uusisa ni Anna sa kaniya.

Nasa ibaba na kaming lahat at nagpapaalam na sa isa't isa.Hindi na namin nakita si Jordan mula kaninang umaga ang sabi ay umalis raw ng maaga dahil may importanteng aasikasuhin sa office ng kaniyang daddy.Hindi man lang kami nakapagpaalam at nakapagpasalamat.

Nagpaalam na rin si Belle,sinundo siya ng kanilang driver.

Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan pero wala pa si BJ.Nasa shotgun seat pa rin ako dahil iyon ang sabi nila at si BJ pa rin ang magmamaneho.May kinausap lang daw.Halata namang si Sophia iyon.

Napatingin ako sa labas at nakita ko si Sophia at BJ na nag-uusap habang tumatawa.May kirot akong naramdaman sa aking nakita.

Nagkabalikan na kaya sila?Ano kayang pinag-uusapan nila?I wonder,saan kaya sila galing?Napailing nalang ako sa aking naisip at iniiwas ang paningin.Ang sakit kasi sa mata.

Bumukas ang pinto ng sasakyan sa driver seat at umupo si BJ at nakatayo si Sophia sa labas nito dahilan hindi niya pa sinirado ito.

"Hi"bati ni BJ sa akin

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon