Kabanata 16

15 2 0
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan kahit walang pasok dahil may usapan kami ni Jake na ipagpatuloy ang project naman nasa Chapter 4 pa kami dapat makagawa kami hanggang chapter 10.

Naligo na ako at nagbihis na.Simpleng t-shirt at shorts lang ang isinuot ko total nasa bahay lang naman.

Nakatanggap ako ng text galing kay Jake habang inaasikaso ang lamesa na pwede naming paglagyan ng mga gamit sa project.Malapit na raw siya,mga 5 minutes nalang.Hindi na rin ako nag-agahan dahil hihintayin ko si Jake para sabay na kami.

Sabi ni Manang Lupe maaga raw umalis si BJ,may pupuntahan lang daw.Kaya wala siya pagbaba ko.Mga limang minuto dumating na nga si Jake,nagtext siyang nasa labas na kaya dali-dali kong pinuntahan upang pagbuksan.

"Hi!Mabuti at hindi ka naligaw."salubong ko sa kaniya.

"Hindi naman.Madali lang namang mahanap ang mga eksklusibong village dito."sabi niyang nakangiti.

"Tara.Pasok tayo."anyaya ko sa kaniya."Kumain muna tayo bago magsimula."

"Oo,hindi na ako tatanggi Claire 'di rin kasi ako kumain sa bahay."sabay himas sa kaniyang tiyan na natatawa."

Natawa rin ako sa kaniya.Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan rin at nagtatawanan.Hindi ko akalain na madaldal pala si Jake,'nung una kasi napakatahimik.

Nasa ganoong sitwasyon kami nang dumating sila BJ at ang apat pa niyang mga kaibigan.Nakatingin siya sa akin at nagtaas ng kilay at tumingin kay Jake.

"Narito na pala ang bisita mo."si BJ sa malamig na boses.

"Hi Claire"bati nila Josh,Leo,Martin at Tristan.

"Uy!pare,kumusta?"sabay sabi ni Martin kay Jake ganun rin sina Leo,Josh at Tristan.Sumagot rin si Jake sa kanila.

"May bumibisita na rin pala kay Claire ngayon dude."biro at sabay tawa ni Josh kay BJ.

"May gagawin kasi kaming project sa school."ako na ang sumagot."Kumain na ba kayo?Kain tayo."anyaya ko sa kanila.

"Hindi mo ba ako yayayaing kumain Claire?"biglang tanong ni BJ.

Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Ka-ya nga nag-tanong ako diba?"shit!nauutal kong sabi.Bakit ba kasi ganito ang epekto ng lalaking 'to sa akin.Parang ayaw kong nagagalit siya sa akin.

"Tss.Mamaya nalang ako kakain."si BJ.

"Tapos na kaming kumain Claire,kumain na kami bago pumunta dito ewan ko lang kay Benj."ani ni Tristan.

"Tara sa taas."sabi bi BJ sa kanila at tumalikod.Nagpaalam muna ang apat sa amin bago umakyat.Ano na naman kayang nakain ng isang iyon,pabago-bago ang mood.

"Pasensya ka na ha,ganiyan lang talaga iyon si Benjamin pero mabait naman iyon."sabi ko kay Jake.

"Ayos lang,walang problema."ngiting sabi niya sa akin.

Tapos na kaming kumain at napagdesisyonang simulan na ang project dahil hanggang alas dose lang kami kasi may lakad pa kami mamaya.Nasabi ko na iyon kay Jake.

Habang nasa sala kami at gumagawa ng project namin ay minsan nakikita kong bumababa si BJ at tumitingin sa amin para bang binabantayan niya kami.Ikatatlong beses na niyang baba iyon.Mga ilang minuto ay bumaba si Eddison.Tumingin sa akin at nagkibit balikat sabay upo sa may sofa na malapit sa amin.

"Good morning Eddy,ito nga pala si Jake kaklase ko."

"Jake ito nga pala si Eddison,kapatid ni Benjamin."

"Good morning ate."sabi niya sa akin at lumapit at may binubulong."Pinababa ako ni kuya para bantayan raw kayo."nagulat ako sa sinabi niya."Good morning"sabay sabi niya kay Jake.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon