Suddenly the door open and there, Benjamin Joseph walking towards us.Nakakunot ang kaniyang noo na nakatingin kay Jake and then he look at me.
Bumati si Jake sa kaniya at ganoon rin siya."Sige Jake,mauna na kami."nahihiya kong sabi.Sino ba naman ang hindi mahihiya,bumusina ba naman ng pagkalakas lakas baka ano ang isipin ni Jake sa amin.
"Tara?"yaya ko kay BJ.At nauna na siyang maglakad na walang pasabi-sabi.Pinagbuksan niya ako ng pinto dahil sa bigla ay napatingin ako sa kaniya.
"What?Get in."iritado niyang sabi.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at nagseatbelt.Tinanaw ko siyang umikot papuntang driver seat.Kahit galit ang kaniyang mukha ay napakagwapo niya pa rin,sayang ang sungit.Ano na naman kaya ang pinuputok ng butchi nito?
Nang nakapasok na siya ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan.Binuksan ko ang bintana ng kaniyang sasakyan at kumaway kay Jake na nandoon pa rin nanatiling nakatayo at nakatingin sa direksiyon namin.Kumaway siya pabalik sa akin at ngumiti pagkatapos ay sinirado ko na ito.
Lumingon ako kay BJ at nakita kong mas kumunot ang kaniyang noo.Kung boyfriend ko lang to e,iisipin kong nagseselos siya pero hindi e,at malabong mangyari iyon.
Habang nasa biyahe ay hindi pa rin siya nagsasalita.Napakatahimik,tanging ang tunog lang ng sasakyan ang naririnig ko.
"Puwede bang magpatugtog?"tumingin ako sa kanya.
"Sure."tipid niyang sagot.
Sumasabay ako sa pagkanta para hindi ako antukin.Nakikita ko sa gilid ng aking mata na lumilingon siya sa akin paminsan-minsan.Nakatuon lang kasi ang mata ko sa kalsada minsan ay sa labas ng bintana.Pinipilit kong hindi siya tingnan.
"You have a nice voice."biglaan niyang sabi.
Napatingin ako sa kaniya at nag thank you.Sinamantala ko na ang pagkakataon kaya nagtanong ako sa ka niya.
"Galit ka ba sa akin?"
"No.Bakit naman ako magagalit?"sagot niyang hindi tumitingin sa akin.Nasa kalsada lang ang kaniyang mga mata.
"Akala ko kasi galit ka.Hindi ka kasi nagsasalita kanina."
"Hindi ako galit Claire.I'm just...pissed."mariin niyang sabi.
"Why are you pissed?"takang tanong ko sa kaniya.
"Sa condo talaga Claire?And I am sure na kayo lang dalawa."pagalit niyang sabi.
"Akala ko ba hindi ka galit?Bakit ngayon nagagalit ka?"may hinanakit sa boses ko.Paano ba kasi para talaga siyang galit kulang nalang ay sigawan niya ako dito sa loob ng sasakyan.
"Puwede bang sa susunod ay sa bahay nalang kayo?Para hindi na ako mag-alala.Nakakabaliw!"He just ignored my questions.Para hindi na tumaas pa ang usapan ay mas pinili kong manahimik nalang.Pinatay ko na rin ang music.
Hanggang sa huminto ang kaniyang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.Napatingin ako sa labas at lumingon sa kaniya.
"Kumain muna tayo bago umuwi or may gusto ka bang puntahan pagkatapos kumain?"
Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas singko pa pala ng hapon.
"Wala akong maisip na puntahan.Sa susunod nalang."
"Okay.Next time then.And I'm sorry about earlier."Tumingin siya sa akin at nakita ko sa kaniyang mga mata ang sinceridad nito.
"It's okay.I understand baka mapahamak ako at madamay ang pamilya mo."
"No,hindi iyang ang ibig kong sabihin Claire."
"Okay,if you say so."Nauna na akong lumabas ng sasakyan at naglakad papasok sa restaurant.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...