Kumirot ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon sa harap.Kahit halatang umiilag si BJ sa pagpahid ni Sophia sa kaniya still,hindi siya umiwas ng sapat para tumigil ito.
Narinig kong sumisipol si Josh at ngingiti-ngiti naman itong si Sophia habang nags-strum si BJ sa kaniyang gitara.Hindi maiwasang kumunot ang aking noo.
Napatingin sa gawi ko si BJ at sa gulat ko ay bumaling ako kay Anna na abala sa kakatingin sa kaniyang cellphone.
"Benj,kantahim mo iyong kantang kinakanta mo sa akin noon."malambing na sambit ni Sophia.
Napatingin ako kay BJ,may kanta pala siyang kinakanta ha.
Bigla akong siniko ni Anna,siguro ay narinig niya ang sinabi ni Sophia.
Napatingin ako sa kaniya at umirap siya.
Tumatawa ang mga kaibigan ni BJ sa sinabi ni Sophia at si BJ naman parang walang naririnig patuloy parin sa pags-strum ng kaniyang gitara.
"Benj,sige na.Matagal ko ng hindi naririnig ang kantang iyon."
"Stop it Sophia.Hindi iyan kasali sa kakantahin namin.Kailangan naming magpractice."matabang na sabi ni BJ.
Nagpout naman si Sophia at hindi na nangulit pa.
Sumenyas si BJ sa kaniyang mga kasama at nagsimula na silang lahat tumugtog.
I never want to play the games
that people play
I never want to hear
the things they gotta say
I've found everything I need
I never wanted any more than I can see
If it's wrong to tell the truth,
what am I supposed to do
When all I wanna do is speak my mind
If it's wrong to do what's right,
I'm prepared to testify
If loving you with all my heart's a crime,
then I'm guilty.
Hindi ko maiwasang humanga lalo sa kaniya.Akala ko mas pabor siya sa may mga medyo rock na kanta pero mas bumagay sa kaniya ang kinanta niya ngayon.
Naiilang ako sa halos ilang minuto niyang pagkanta dahil nakatuon lang ang kaniyang mga mata sa akin.
Lalo ng sa huling lyrics ng kanta,'If loving you with all my heart's a crime,then I'm guily'mabilis ang tibok ng aking puso.
Hindi ko alam kung saan ako titingin sa mga minutong iyon.
Nang natapos ang unang kanta ay nagbreak muna sila.
Buntot ng buntot si Sophia kay BJ kahit halata namang ayaw ni BJ sa ginagawa niya.
Nagulat ako ng nasa harapan ko na pala siya nakatayo at nakatigilid ang kaniyang ulo habang tumitingin sa akin.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Are you not hungry?"tanong niya.
Umiling ako."Busog pa naman ako,gusto mo kuhanan ko kayo ng snacks?"
"No.Sasabihan ko nalang si Manang na ihatid na dito iyong pinahanda ko."
"Benj,hindi mo ba ako tatanungin kong nagugutom ba ako?"reklamo ni Sophia sa tabi.
"Parating na 'yon si Manang."tipid na sagot ni BJ.
Nagkatuwaan lang saglit at bumalik na sila sa kanilang practice.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...