Bahagya kong naitulak si BJ nang may narinig akong mga katok sa pinto.
Inilock niya pala ang pinto,pa'no na 'to?Baka ano pa isipin ng taong nasa labas nito.Nasa isip ko.
"BJ,may tao."sabi ko sa kaniya dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang walang planong tumayo at pagbuksan ang kumatok.He sighed and then tumayo para buksan ang pinto.
"Dude?Kanina ka pa namin hinahanap,nandito ka lang pala."si Josh na sumilip pa para makita ako sabay ngiti.
"Pinuntahan ko lang si Claire,hindi ko kasi siya nakitang kasama nila Anna sa baba kanina."
"Okay,sige alis na ako kita nalang tayo mamaya sa may pool.Ituloy niyo na"tawang tawa na sabi ni Josh.
"Gago.Umalis ka na nga."sabay tulak ni BJ kay Josh."Huwag mong pansinin iyon Claire,pasensya ka na"baling niya sa akin.
"Ayos lang."tipid kong sagot.Ang awkward ng feeling pagkatapos ng halik kanina at ito nasa iisang kwarto parin kami walang nagsasalita.
Naglakad siya papunta sa akin at muling umupo.Nakatitig lang siya sa akin habang ako dito hindi alam kung titingin ba sa kaniya pabalik o titingin sa kisame,sa pinto.
"W-what?"shit!nauutal kong tanong sa kaniya.
"Iyong tungkol kanina,I really mean it.Let's talk more and privately sa pag-uwi natin,may sasabihin ako."
Napatango nalang ako bilang sagot.Excited na tuloy ako umuwi,ano kaya ang sasabihin niya.
"Mag-ready kana,malapit ng mag alas sais.Punta muna akong kwarto namin baka kung ano-ano na ang isipin ng mga gagong iyon kapag nagtagal pa ako.See you later."ngumiti siya at sabay halik sa aking noo na siyang ikinagulat ko ulit.
"Ang cute mo pag nagbablush ka."sabi niya sabay tayo at lumabas ng pinto.
Ilang segundo rin akong tulala sa kwarto at hindi makapaniwala sa naging action ni BJ.Napailing nalang ako bigla para mabalik sa katinuan.
Tumayo ako at pumunta ng banyo para manghilamos.Paglabas ko ay nasa loob na sila Anna at Belle,nagtatawanan.
"Uy,Claire.Ang ganda sa labas,grabe..sana sumama ka sa amin kanina e,diba Belle?"si Anna.
"Oo,hayaan mo pupunta naman tayong pool mamaya."sagot ni Belle.
"Anong susuotin niyo?"excited niyang tanong."Kinuha niya sa bag niya ang two piece na swimsuit na kulay itim."Ito ang susuotin ko."sabi niyang parang kinikilig pa.
"Napaka daring naman niyan."nakapout na sabi ni Belle.
"Tama lang ito Belle noh,alangan naman magdress ako doon.Oh,ikaw Claire,'wag mong sabihing magsho-shorts ka na naman?Ipakita mo naman minsan iyang katawan mo,sayang ang ganda pa naman."
"May dala naman ako diyan,iyong one-piece ang susuotin ko."sabi ko sa kaniyang habang kinukuha ang susuotin.Kulay puti ito,susuotan ko lang ng maikling shorts pagkababa namin at magdadala din ako ng towel saka roba para ligtas sa ginaw.
Puno ng kuwentuhan at tawanan kami sa loob habang nagreready para mamaya.Hiningi na rin namin ang number ni Belle,we exhanged numbers.
Kinuha ko ang aking telepono para echeck kung may mensahe ba sila mommy.Alam rin naman nila kung nasaan ako ngayon.I replied to them.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag ng may nagtext.
From Mr. Sungit:
Bababa na kami in a minute.See you there.I miss you.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa mensahe niya.Kanina lang e magkasama kami,namimiss na niya ako agad.
Bumaba na kami dahil malapit ng mag alas sais.Nakakahiya naman kay Jordan kung kami pa ang magtatagal.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...