"What?Ikaw ang sino ka?"sabi ng poging nilalang na nasa harapan ko
"Who are you?"ulit niya
Tiningnan niya ang kabuuan ko, mula ulo hanggang paa at ngayon ko pa narealized na nakapantulog pa pala ako. Malaking t-shirt na puti at pajama,wala akong bra!nakakahiya naman
Dali dali akong tumalikod at pumasok ulit sa loob ng room.
"Hey! I'm still talking to you" dinig kung sigaw ng lalaki
Nakakahiya ka talaga Claire hindi mo man lang naisip na may mga anak na lalaki si tita Marites, nawala tuloy bigla ang uhaw ko.tsk
Matangkad siya siguro basketball player yun, matangos ang kanyang ilong, may pagkachinito, ang ganda ng kanyang labi para bang nang aakit lagi pero laging nakakunot ang noo niya. Ang sungit naman, sino kaya yun?
Nagbihis muna ako at nag ayos ng kunti bago bumaba. Baka andiyan na si tita Marites, magpapaalam ako mamaya na may lakad ako. Magkikita kasi kami ni Anna ngayon.
"Oh iha, mabuti at bumaba ka na pupunta sana ako sa kwarto mo para gisingin ka at magbibreakfast na"si tita Marites
"Good morning po, kanina pa po sana ako bababa tita nasanay po kasi akong magising ng maaga. Ano po bang maitutulong ko? Kayo po ba lagi ang nagpiprepare ng breakfast?"
"Naku, Claire 'wag na. Ang gawin mo lang dito is mag-aral at mag-enjoy habang nandito ka. Huwag munang isipin ang mga bagay bagay dahil may mga katulong naman. Minsan lang ako tumutulong kapag may vacant time ako, gusto ko kasing pagsilbihan minsan ang mga anak ko at syempre nandito ka." sabay ngiti ni tita
"Salamat po."
"Sandali lang at aakyat ako tatawagin ko na sila at nang sa ganun eh mapakilala ko kayo sa isa't isa."
"Sige po."
Ilang minuto ang lumipas ay nakababa na si Tita Marites. Nakahanda na rin ang pagkain sa mesa.
"Kumain na tayo Claire,susunod na daw ang dalawa. Ang tito mo naman ay maagang umalis may emergency meeting."
Marami akong nalaman tungkol sa kanila ni tita habang kumakain kami. Ngayon ko pa nalaman na sila pala ang may ari ng school na pinapasukan ko ang BJA Academy at ang BJA College. Si tito Jose ang pinamanahan ng kanyang mga magulang noong sila ay pumanaw na.
Naikuwento niya din ang kanyang dalawang anak sina Benjamin Joseph Alcantara at Edisson Alcantara. Kaya pala BJA pinangalan pala nila sa panganay nilang anak. Si Benjamin ang panganay, 22 taong gulang, graduating sa kursong Engineering at si Edisson, 14 taong gulang, first year high school sa BJA Academy din nag-aaral. Ang taas ng agwat nila.Masarap siguro magkaroon ng kapatid. Nag-iisang anak lang kasi ako.
"Oh! halika na kayo Benj, Eddy."sabay tawag ni tita sa kanila
Nakatalikod kasi ako kaya hindi ko sila makita at feeling ko lang hindi lumingon.
"Good morning,mom."boses pa lang masasabi mong masungit at gwapo. Nakakapangtindig balahibo.napailing ako bigla
"Umupo na kayo, ito nga pala si Claire anak ng bestfriend kong si Trisha niyo. Remember? Ilang beses niyo ng nakita ang tita Trisha niyo at tito Adolfo."sabi ni tita tinutukoy ang mga magulang ko
"Edisson,ate." sabay ngiti,ang gwapo naman ng batang ito. Nagmana ata ni tita itong si Edisson, friendly.
"Ito naman ang panganay kong anak Claire, pakilala ka naman anak."
Ganito kasi set up namin,nasa tabi ko si Edisson at nasa harap ko naman si Tita at itong Benj na ito.
"Hi! I'm Claire."
"Hi! I think my mother already introduce me."cold niyang sabi
Hindi man lang tumingin at ngumiti habang patuloy sa pagkain. Mabuti pa itong si Eddy. Ang sungit naman nito ang agang aga.
"Hayaan mo na nga itong si Benjamin,Claire ganyan talaga yan pero mabait yan. Iwan ko ba sa batang ito hindi naman ito ganito nuon kapag may ipinapakilala akong babae sa kanya."
"Mom!really?"saway ni Benj.Halatang di niya gusto ang sinabi ni tita.
"Ah tita,magpapaalam po sana ako. Pupunta kami ng mall kasama ang kaibigan ko para mamili ng gamit sa darating na pasukan."
"Oh,diba pupunta ka rin ng SM anak?Isabay mo na si Claire."sabi ni tita kay Benj
"Naku, tita huwag na po,susunduin po ako ni Anna yung kaibigan ko po. Mamayang mga alas 10 pa naman po kami aalis."
"Pupunta ako kina Leo after mom"si Benj
"Eh di isabay mo na si Claire pauwi at isama mo kina Leo para naman hindi siya mabore dito sa bahay at saka magkaroon siya ng kaibigan dito."
"Naku,tita hindi na po. Baka matagalan kami sa pamimili, ihahatid naman po ako pauwi ng kaibigan ko."
"Huwag mong pilitin mom."sabi ni Benj sabay tingin sa akin
"Okay,kayo bahala. Basta huwag magpagabi Claire,Benj and don't forget to text me,alright?"Tumango lang ako bilang tugon. Do you have my number Claire,right?
"Meron na po tita,binigyan ako ni mommy."
"Okay, then. Mauna na ako,pupunta pa akong opisina. Eddison? Please study first before playing games,sa lunes na ang pasukan anak 'wag mo kalimutan."
Umakyat na din ako pagkatapos naming kumain,naunang umalis si Benj may aasikasuhan daw muna doon sa room niya.
I texted Anna na nagreready na ako. She replied, be there before 10.
Alas 8 pa naman may oras pa. Inaayos ko muna ang ibang gamit ko sa lalagyan hindi ko kasi natapos kagabi dahil sa pagod nakatulog na ako. Nang nag alas9 ay naligo na ako at nag-ayos.
Text message:
From: Mommy
Anak,nakarating na kami ng Dad mo. Please take care anak,we love you.
To Mom:
Ingat din po kayo. I love you too,both.
From: Anna
Claire,nandito na ako.Tapos ka na ba?Lumabas ka na,pangatlong bahay diba from entrance?
To Anna:
Oo, palabas na ako.
Nagmamadali na akong lumabas,bruha pa naman yun ayaw niyang naghihintay ng matagal. Pagkababa ko walang tao kaya umalis na agad ako,itetext ko nalang si tita.
Habang nasa biyahe kami talak ng talak itong kaibigan ko,kung anong kinukwento.Hindi talaga nauubusan ng kwento tong babaeng ito.
"Sooo...kwento ka na.Ano gwapo ba?"tanong niya. Alam ko na kung sinong tinutukoy nito.
"Hindi at masungit." maikling sagot ko. Naalala ko ang nangyari kanina napangiwi ako.
"Really?Hindi ako naniniwala sayo.Baka siya na ang prince charming ko."sabay imagine ng isang 'to.
"Bahala ka,baka magsisi ka kung makilala mo yun."
Nakarating na kami ng SM,tiningnan ko ang relo ko 10:30am na pala. Pumunta agad kami sa National Bookstore,pumili at nagbayad. Pagkatapos naming mamili ng gamit nag-aya si Anna na punta daw kaming WOF,gusto niyang maglaro. Madami kaming ginawa kahit kami lang dalawa naeenjoy talaga namin ang company ng isa't isa.
Lunch time na at napagkasunduan naming kumain sa greenwhich. Actually, isa ito sa paborito naming kainan. Habang dala ko ang tray na may pagkain ng biglang...
"Shit! Can you be more careful miss?naiiritang sabi ng lalaki
Paano ba kasi natapilok ako at ang tray na dala ko na may lamang softdrinks ay natapon sa kanyang jeans.
"Oopss sorry,hindi ko sinasadya"nakayukong paumanhin ko sabay bunot ng panyo.
"Ikaw?"sabay pa talaga kaming sumigaw
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...