Puno ng kuwentuhan at tawanan ang grupo namin.Kumakain kami habang nakikinig rin sa tugtog na ipinatugtog sa programa.
Bigla na namang umingay ang paligid.Napatingin ako sa may stage,kaya naman pala kasi nandon na naman ang the BJA Band.
Nagsalita si BJ dahilan ng pagtili ng maraming kababaihan.
"This song is for you..baby"lalong umingay ang paligid sa kilig at tili.Biglang uminit ang aking mukha kasi feeling ko para sa akin talaga iyong sinabi niya.
"Ang guwapo talaga ni Benj..
"Grabe ang ganda talaga ng boses niya..nakakain-love..
"Benjamin,pansinin mo naman ako..
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko habang kumakanta si BJ.Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya.Totoo naman talaga ang gwapo niya.Iyong tipong pag tiningnan ka niya ay mauutal ka.Ang pagiging masungit niya rin ata ay nakakadagdag sa pogi points.
Pagkatapos ng tatlong kanta may iba na naman na mga performer ang nagpeperform.
"Hi."nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Jake!"gulat at masaya kong sambit.Akala ko kasi hindi siya aabot.Nagtext kasi siyang mala-late siya dahil may family meeting raw sila."Mabuti at nakarating ka."
"Oo naman.Gusto kita makita eh."nakangiti niyang sabi.
"Aysus!Sabihin mo,bumabawi ka sa school na ito lagi kang wala eh.Ayos ka lang ba?Ayos lang ba ang kompanya niyo?"
"Nag-aalala ka sa akin?Ang sarap naman."tumatawa niyang sabi kaya tinampal ko ang braso niya.
"Uy,Jake.Buti at nakahabol ka."si Brandon.
Bumati rin ang iba naming kaklase.Hinanap ko si Anna sa kanila kasi biglang nawawala.
Nasaan na kaya ang babaeng iyon,bigla bigla nalang nawawala.Kinuha ko ang phone ko baka nagtext siya pero walang mensahe galing sa kaniya.
Tumunog ulit ang phone ko at may mensahe galing kay BJ.
From Mr. Sungit:
Nandito na ako sa sasakyan.Hihintayin kita dito.
Hindi pa tapos ang party pero aalis na siya?Nagpaalam muna ako saglit kina Jake at sa iba kong kaklase.
Nakita niya na siguro ako dahil umilaw ang headlight ng kaniyang sasakyan.
Pumasok na agad ako at inayos ang seatbelt.
"Hi!How's the party?"bungad niya sa akin.
"Ayos lang,masaya."nakangiti kong sabi."Hindi pa tapos ah,aalis na tayo?"
"Yes.I can't wait to be with you.Malapit ba rin naman iyong matapos.Bakit?Gusto mo pa ba don."
Umiling ako."Hindi na kayo tumugtog eh."nakangisi kong sabi.
"You're so beautiful.Ayokong magtagal ka don baka may pumorma sayo don."seryoso niyang sabi na ikinalingon ko.Nandito pa kami ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan pero hindi pa niya pinaandar.
Napatikhim ako sa sinabi niya.
"Wala namang pumuporma sa akin don.Sa'n nga ba tayo pupunta?"pag-iiba ko sa usapan.
"Maraming nagkakagusto sa'yo Claire.Naririnig ko sa mga lalaki diyan sa building niyo kahit nga sa college building.Lalo na kanina,nung pumasok ka sa gymnasium.Ang sarap pagsusuntukin ang mga iyon."seryoso niyang sabi.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Why are you laughing?I'm serious."Nakakunot noo na naman siya.
"Wala.Ikaw kasi."nakangisi kong sabi.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomantikPaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...