Kinabukasan ay matagal akong bumaba.Balak kong sa school canteen na ako kakain.Kadalasan umaalis kami galing sa bahay papuntang school mga alas siyete y media kaya bumaba ako singko minutos bago sa oras ng alis namin.
Nakasalubong ko si Manang Lupe pababa ng hagdan.
"Good morning iha,medyo natagalan ka ngayon sa pagbaba ah,kumain ka na ng agahan kanina pa naghihintay si Benjamin sa'yo.Siyanga pala si Eddison ay nauna na,maagang nagpahatid may gagawin daw sa school ng maaga."Nagulat ako sa sinabi niyang naghihintay si BJ sa akin.
"Good morning din po manang."tanging sagot ko lang sa kaniya at tumango.
Nang nakababa na ako ay nakita kong lumingon si BJ sa akin at bigla siyang tumayo.
"Good morning,kumain na tayo."diretso niyang sabi na para bang walang nangyaring pagsigaw kagabi.
"Hindi na ako kakain,busog pa kasi ako,sa school nalang ako kakain."sagot kong hindi tumitingin sa kaniya.
"Bakit sa school?May pagkain naman dito."
"Hindi pa nga ako nagugutom.Kumain ka na,hinhintayin nalang kita sa labas."sabi ko sabay lakad palayo.
Napansin kong nakabuntot siya sa akin kaya nilingon ko siya.
"What are you doing?Kumain ka na at hihintayin lang kita sa labas."pagalit kong sabi.
"Hindi na,sa school nalang din ako kakain.Tara?"yaya na sa akin.
"What?"tanong kong hindi makaniwala.
"Narinig mo ang sinabi ko.Let's go."umandar na naman ang pagka Mr. Sungit niya.
Sumunod nalang ako sa kaniya papuntang sasakyan.Nasa loob na kami pero nagtataka ako kung bakit hindi pa niya pinaandar ang kotse.Bumaling akk sa kaniya na nakakunot noo.
"I want to say sorry..about last night.Hindi ko sinasadyang masigawan ka..I'm tipsy and some things bothering me."paumanhin niyang sabi.
At ito namang puso ko ang daling lumambot.Feeling ko hindi ko siya matitiis.
"Ayos lang.I understand.I'm sorry too if matanong ako,i just wanted to help you."
"Yeah..I know.I'm sorry."tumingin siya sa akin ng may pagsusumamo.
Tipid akong ngumiti sa kaniya pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.Pagkarating namin sa school ay napagdesisyonan naming kumain muna sa canteen.Hindi maiiwasan na tumitingin sa amin ang mga studyanteng babae kapag napapadaan.Paano ba namang hindi kasama ko ang isa sa pinakasikat, gwapo at hinahangaang lalaki sa school na ito.Tuloy nacoconscious ako.
"What's wrong?Kumain ka ng maayos please."ani ni BJ.
"I'm eating BJ."
I can see amusement in his eyes at napaangat kunti ang kaniyang labi na parang ngingiti.
"Why?"takang tanong ko sa kaniya habang sumusubo ng pagkain.
"I like it everytime you say my name "BJ"."sabi niyang nakatitig sa akin.Nagbaba ako ng tingin at nagfocus sa pagkain.
"Nahahabaan kasi ako sa pangalan mo.Mas prefer ko ang BJ."
"Mas gusto ko ang BJ."sabi niyang nakatitig pa rin sa akin."Hindi ako nagsalita."Finish your food ng sa ganun maihatid na kita sa classroom mo."patuloy niya.
"No need.Kaya ko namang pumunta doon ng mag-isa at baka malate ka pa."
"Wala ngayon ang instructor namin sa first subject."sabi niya.Nagkibit balikat nalang ako.Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na ako tulad ng sabi niya kanina.Bago ako pumasok sa loob ay nilingon ko muna siya.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Sungit
RomancePaano kung magkagusto ka sa isang taong ubod ng sungit? Matuturn off ka ba or mas lalo mo lang siyang gustuhin? Magpapatuloy ka pa rin ba o ititigil mo na? Hanggang saan nga ba dadalhin ng iyong pasensya pag ang taong gusto mo ay kasama mo sa isang...