Kabanata 8

32 3 0
                                    

Two weeks have passed ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang sinabi ni BJ,"alam ko ang ginagawa niyan". Ipinilig ko ang aking ulo sa naisip.

Naging okay naman ang pagtira ko kina Tita Marites sa loob ng dalawang linggo kahit na madalas kaming hindi magkasundo ni BJ dahil sa kasungitan niya. Minsan papansinin ka, minsan hindi. Ang hirap basahin ng isang 'yon.

Limang taon ang agwat naming dalawa at gagraduate na siya sa susunod na taon.Ako naman gagraduate ng high school at magkacollege na rin.Sa BJA College ako mag-aaral.Ano kayang plano niya pagkatapos?Makikita ko pa kaya siya?

"Ang lalim naman ng iniisip mo besh,hindi ko mareach."basag ni Anna

Napalingon ako sa kanya at nagpout.

"Wala,may iniisip lang tungkol sa pagkacollege."

"So?Final na ba ang kukunin mong kurso ay Business Ad?"tanong niya

"Oo,ikaw?"

"Iyan nalang din ang kukunin ko para magkaklase pa rin tayo"sabay tawa ng bruha.

"Baliw"tanging nasabi ko.

Pero sa totoo parehas kami ng gustong kurso ni Anna.May business din kasi ang mga magulang niya at balak nilang si Anna ang humawak nito pagkatapos niyang mag-aral.

"For your next project, you need to make it by partners. I will group you into two in alphabetical orders.Lalaki at babae para malaman ko kung may matatapos ba kayo kung epapartner kayo sa hindi ninyo kauri and after you will report also kung anong natutunan niyo sa isa't isa."paliwanag ni Ms. Suarez

"Jessa Anis and Aaron Aruiz, Bea Anton and Brandon Aroma,Cherry Buenavista and Joseph Burniz,Claire Marie Curtiz and Jake Cruz, Anna Jade De La Cruz and John Martin De La Torre....

Napalingon ako sa katabi ko. Sya pa talaga ang partner ko? At lumingon sya bigla sa akin na nakataas ang dalawang kilay.

"Can i have your number? So that we can discuss when and where we are going to make it."si Jake

"Ay! Nagsasalita ka pala?Akala ko ako lang mag-isang gagawa ng project na ito."mataray kong sabi

"Tsk. Akin na phone mo."

Ibinigay ko na lang sa kanya para hindi na humaba. Nagtype siya agad at kinuha ang phone niya. Nakita kong tinawagan niya ang kanyang cellphone gamit ang phone ko.

Inabot niya sa akin ang cellphone ko.

"Thanks"sabi niya

"So?Friends na ba kayo?"singit ni Anna na nakatawa

Ito kasing si Anna lahat ng kaklase namin kaibigan nito.Hindi naman sa hindi ako palakaibigan hindi lang talaga ako ang unang pumapansin.Wala feel ko lang.Pero lahat naman kami dito magkakakilala na, itong si Jake lang kahit magkatabi kami madalang ko lang marinig itong magsalita.Nagsasalita lang kong may ipapasagot ang prof namin.Halatang matalino,laging siya ang nakakasagot.

Walang sumagot sa amin sa tanong ni Anna.

"Sumabay kana sa amin Jake maglunch,sasabay din sila Brandon,Joey at Joseph pati yung ibang mga girls."nakangiting sabi ni Anna

"Yeah,sure"sagot ng Iglesirong 'to

"Okay lang naman Claire,diba?"tanong ni Anna

"Oo naman,bakit hindi?sabay tingin ko kay Jake na nakangiti.

Lalo siyang naging gwapo sa pagngiti niya.

Habang kumakain kami aa canteen ng tanghalian ay pinaulanan ng maraming tanong si Jake ng mga kasama namin. Lalo na itong si Anna at Jessa. Nakikinig lang ako habang kumakain at tumatawa minsan.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon