Kabanata 6

27 3 0
                                    

Naghiyawan at nagpalakpakan matapos kumanta ang banda nila BJ.

Thank you so much students for your cooperation. You may now go back to your classrooms.

Hindi pa rin sila makamove-on sa nangyari kanina lalong lalo na itong katabi kong si Anna kilig na kilig. Lahat yata na kabanda ni BJ crush niya. Pero aaminin ko hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tuwing pipikit o iisipin ko ang kanina ay nakikita ko ang mga mata ng isang Benjamin Joseph Alacantara. Kailangang itigil ko ito mahirap na mag assume.

"Ahhhh..."sigaw ko habang naglalakad papuntang room

"Huy! Okay ka lang ba diyan?Kailangan na ba kitang itakbong clinic?"oa na reaction nitong si Anna.

Sinapak ko nalang ang balikat niya. Tawang-tawa tuloy ang bruha.

Mula ala-una hanggang huling subject ko ay pumasok ang mga prof. As usual kapag unang araw ng pasukan ay nagpapakilala ang bawat isa. Lahat ng kaklase ko ay kilala ko na walang bago pero sabi ni Ms. Silva may isa na transferee raw pero absent at bukas papasok na raw. Binigyan lang kami ng mga sit work para daw marefresh ang mga previous lessons namin.

Alas 4 pa naman kaya nasa room lang ako nakaupo at nagpapalipas ng oras. Kinuha ko ang phone ko para echeck kung may mensahe ba sina mom at dad.

Mom:

Anak, how's first day of school? Please vc tayo when you get home. I love you.

Dad:

Claire,anak. How's first day of school? No boys allowed please. I love you anak.

Napangiti ako sa message ng mga magulang ko lalo na nung kay Dad.

To Mom and Dad:

I'm okay Dad,Mom. Don't worry about me and yes I know Dad,no boys allowed.☺️ Take care both, I love you and I miss you.

Nagpatuloy lang ako sa pagscroll. May mensahe din ang mga pinsan ko at ibang kakilala at nireplyan ko naman sila isa't isa. Hanggang sa...

Unknown number:

Parking area. Please be there at 5,sharp!
-BJ

Napatingin ako bigla sa aking relo, 4:50 na. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit kaya napatingin si Anna sa akin na nagtataka.

"Saan ka pupunta?Ba't nagmamadali ka diyan?"

"Call me. I'll explain later."sabay takbo

Takbo lakad ang ginawa ko.Pano ba kasi ang layo kaya ng parking area sa classroom namin. Hinihingal ako nang makarating sa parking area habang ang mga kamay ay nasa tuhod ko.

"You're late. I told you I don't like waiting."his cold voice.

"Excuse me?Hanggang alas singko ang klase ko po at agad-agad gusto mong makarating ako dito?Ang layo kaya ng parking area sa room mo.Buti nalang at sit work lang ang ibinigay sa amin."

"Ang dami mong sinasabi,sakay na."

Parang ang layo na ata ng aming byahe,malapit lang naman ang bahay nila sa school.

"Teka,saan tayo pupunta?Hindi na ito ang daan papuntang inyo ah?"basag ko sa katahimikan

"May dadaanan tayo kina Martin. Saglit lang."

Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa bahay nila Martin.

Halatang mayayaman ang mga kaibigan ni BJ sa ayos,pananamit at kutis pa lang masasabi mong laki sa maayos na pamilya.Nasa isang eksklusibong subdivision din ang bahay nila Martin.Malaki ang bahay nila pero mas malaki ang kina BJ.

Meet Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon