Syam na buwan ako'y nasa iyong sinapupunan
Hirap at pagod iyong nakamtan
Ngunit labis ang iyong tuwa ng ako'y masilayan
Mga nigiti mo ay di matumbasan kanino man.
Mula pagkabata ako ay iyong inalagaan
Hanggang sa paglaki ako ay iyong ginagabayan
Tamang gawi at asal sa akin ay tinuran
Upang ako ay lumaki bilang isang mabuting mamamayan sa ating lipunan.
Mga pagkakamali ko iyong tinama
Pinagagalitan ako sa aking maling paniniwala
Ngunit ina ko, ako'y labis mong mahal
Niyakap ako at ako'y iyong hinagkan.
Gabi sa aking pagtulog ikaw ay katabi
Hinahaplos ang buhok at hinihele
Kaysarap ng aking pakiramdam
Mayakap ka aking inang mahal.
Oras, buwan, taon , panahon ang lumipas
Ako ay Malaki at dalaga na
Ikaw naman ay tumatanda na
Ngunit pagmamahal mo sa akin di nagbabago.
Oh! Ina kong mahal
Oh! Ina kong syang ilaw ng aking buhay
Di ko man masabi sayo ng harapan
Ngunit salamat at ikaw ay aking mahal.
Gaya man ng dahon na nalalagas
Puputi man ang iyong buhok
Ina ako ay nandito sa iyong tabi
Para ikaw ay alalayan gaya ng ginawa mo nong ako ay bata hanggang sa paglaki.

BINABASA MO ANG
Desire
DiversosThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.