4

54 21 29
                                    

Lion Graynger Mendoza's
Point of View
❇GRAY❇


Maaga ako nagising ngayon para iayos ang sasakyan namin.

"Kuya Gray Gummorning. Why so aga po is you?"

Napatingin ako sa nagsalita. Ion's little sister.

Ina Angela. 5 years old palang conyo na. Tsk tsk tsk.

Bumaba ako para magpantay ang height namin.

"We're going to Landcaster Academy Ina.."

"Really po kuya Gray? Then kwassmeyts po kayo ni kuya Ion panget?"

Natawa ako sa sinabi nya. Pinisil ko ang dalawa nyang pisngi.

"Not sure Ina. Mageexam pa kami ee. And your kuya is a mythical caster student. Malayo pa ang lalaktawan ko para marating yon."

Napasimangot sya saglit saka ako tinginan ng masama.

"Hmmp. Then kuya Ion panget can't bantay you if hindi kayo kwassmeytt."

Napakamot ako sa ulo sa sinabi nya. Hay nako. Napakabata pa nito. Pero noong pagdating namin dito ay inamin agad sakin na ako daw ang gusto nyang pakasalan.

Nako. Nako. Nako

"Alam ko na. Just pramish me na you will not marry another girl ha kuyaa graay? I saw kasi na you'll meet your first love sa academy ii. Kakainish kaya."

Medyo nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko din alam ang isasagot ko..

Kung si Ion ay earth elemental caster.. ang batang ito ay parang fortune teller. Kaya nya makita ang hinaharap.

"Kuya Gray.."

Napatitig ako sa kanya at medyo nag alala. Muka syang nasasaktan at natatakot.. may nakikita ba sya?

"That girl on the window" sabay turo nya sa bintana na kwarto ni Lia. Nakatayo si Lia doon habang hawak ang cellphone nya na tila kinakausap ang ito at mangiyak ngiyak pa habang hinahalikan ang screen nito.

"What about her Ina?"

"She's dangerous yet also in danger.. protect her po and never let her be hurt.. "

Pagkasabi nya noon ay naging dilaw ang bilog ng mga mata nya saka tumakbo papunta sa bahay nila.

Hahabulin ko sana sya pero narinig kong bumukas ang bintana ni Lia.

"Kuyaaaa. Aaliiiis nabaa tayooo?" Sigaw nito habang kumakaway at nakatingin saakin

Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Ina kanina.. kung ano man yon.. siguro ay mayroon syang nakitang hindi maganda.

I know.. I know she's meant to be a beautiful disaster..

Nginitian ko na lang sya bilang sagot at di na muling pinansin.

Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇

Nagtaka ako ng di ako sagutin ni kuya. Nginitian nya lang ako saka tinapos ang pag aayos sa mga gamit namin sa sasakyan.

"Anyare don?"

Tinitigan ko ang wallpaper ko saglit..

"Paalam na aking mahal"

Pagkasabi ko non ay tinago ko nalamang iyon sa drawer ko. Kinuha ko yung backpack na galing sa academy at kumuha ng hoody mula sa kabinet ko. Lalabas na sana ako ng may maalala ako. Bumalik ako sa tabi ng kama at kinuha ang isang plushy toy.. Ang bt21 Tata ko. Hindi ko man maisama si Kim Taehyung atleast maisasama ko itong anak namin doon.

LandCaster Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon