18

10 1 0
                                    

Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇

"Drake ayos ka lang ba?"

"Just eat Lia."

Ano kayang nangyari kay Drake? Simula nung bumalik siya galing sa mission na binigay ni Minister Vale parang ang cold cold niya na.

Hay nako Lia, stop over thinking will you? He might just be tired.

"Bilisan mo kumain. Maaga tayong matutulog ngayon, we'll start the training 4 am sharp."

I eyed him as if I was asking the word what. He's done eating?? Pero parang kakasimula lang naman namin kumain ah.

Binilisan ko nalang kumain gaya ng sabi niya. Ako na rin ang nagligpit at naghugas. Nagsipilyo na rin ako at nagshower para deretso tulog na.

Pagdating ko sa bedroom ay wala akong Drake na nakita sa kama. There's no sign of him, where did he go?

Humiga nalang ako at napagdesisyonang hayaan nalang muna si Drake.

I'm staring blankly at the ceiling. Hindi ako makatulog. 11 pm na, maaga pa ang training bukas pero hindi whole day dahil back to lessons na daw sabi ni Sir Chanyeol. Kaya naiintindihan ko din kung bakit gusto ni Drake i-adjust ng 4 am ang start ng training namin.

Naramdaman ko ang biglang pagpasok ng malamig na hangin sa kwarto that made me shiver. Pagtingin ko ay nakatayo si Drake habang sinasara ang glass door ng veranda.

I was about to ask him where he have been kaso nakakuyom ang kamao niya na nakatingin sa sofa.

Anong mali sa sofa? Huy sofa, anong kasalanan mo kay Drake ha? Black ang sofa ni Drake. Kaya napatingin ako sa parte nito na puting puti ang kulay. Mr. All white's hoody!

Tatayo na sana ako para kunin yun ng maunahan ako ni Drake at hinagis niya iyon saakin. Saka na siya humiga sa sofa at di na ako kinibo.

What was that?

I turn my gaze to this hoody that I am holding. Nagseselos ba si Drake? Alam niya ba na hindi saakin itong hoody?

Tila binuhusan ako ng isang galon na ang laman ay guilt.

Why am I guilty?

Nagtwo time ba ako? Holy Casts..

But..

Drake and I.. we're..

We're..

Ano Lia? Ano nga ba kayo? What word should I follow 'we're'?..

We're friends? Not really. Well, kung friends ang tawag mo sa aming dalawa na minsan aakalain mong sina tom and jerry.

We're in a relationship? Hindi nya naman ako tinanong ng will you be my girlfriend noh.

We're lovers? Engk! He said he likes me, not loves me..

Oh crap!

12:30 am na at mulat na mulat parin ako na yan ang iniisip?! Ni hindi ko nga napansin ang bilis ng oras! Holy Cast.

Napatingin ako sa likod ni Drake. Tulog na tulog na siguro siya. Buti pa siya.. tulog na. Samantalang heto ako, nakatulala nanaman sakanya.

"Tyrone Drake.. We're not friends nor lovers.. What are we?"



LandCaster Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon