Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇Ganon ako katagal natulog?!
Hindi ako makapaniwalang isang linggo pala akong nanatili sa hospital. Pero bakit hindi manlang nabanggit ni Darlene saakin iyon kanina? Hay nako naman talaga Lia, malamang eh hindi ka naman nagtatanong.
Kaya siguro gulat na gulat yung mukha niya kanina nung kausapin ko sya sa nurse station dahil isang linggo pala akong walang malay. Juicecolored.
Pero bakit pakiramdam ko kahapon lang nangyari lahat?
"Ikaw ba yung nakaiwan ng susi sa kwarto?"
"Ay opo."
Kausap ko ngayon si Mr. Balmond and yes, makakabalik nako sa dati kong room. Hindi ko alam pero dito ako dinala ng mga paa ko e, sa manufacturing building. Mabuti nga at nandito na pala siya.
"Iha. Hindi mo ba alam magteleport gamit ang cast mo?" Kunot ang noo nito habang nakatingin saakin.
Naismid lang ako at tumango.
"Ano po bang kinalam noon sa susi ko?"
"Iha ang bawat dorm room sa Academy buildings ay may owner sensor. Ibig sabihin ay kahit naiwan mo sa loob ng kwarto ang susi mo ay pwede ka parin makapasok dito gamit ang teleportation ng cast mo."
"Ga-ganun po ba? Pasensya na po hindi ko pa po kasi alam mag teleport tsaka po hindi naman sinabi saakin nung.. kakilala ko.. tsaka kung alam ko lang po, edi sana pinagteleport ko nalang sya para pagbuksan ako dun sa loob."
"Iha, kakasabi ko lang. Owner sensor lang ang mayroon doon. Ikaw lang ang pwede magteleport doon, depende na lamang kung bukas ang bintana o pinto ay saka lang pwedeng makapagteleport sa loob ang iba. Naiintindihan mo na ba?"
"Gets ko na po." Napakamot pa ako sa ulo. Ganon pala yun? Pero edi sana tinuruan nalang nila akong magteleport. Wala manlang nakapagsabi sakin ng bagay na yun. Kaloka.
"Tara na sa room mo. Dahil ako naman ang gumawa sa bawat rooms ay makakapasok ako sa kahit anong kwarto."
Hinawakan ako ni Mr. Balmond sa balikat ko at sabay kaming nilamon ng bakal?! Holy cast! Nilalamon ako ng ----- Nasa kwarto ko na ako?!
"Where's your I.D?"
"Ito po."
"Lalagyan ko na ng seal ang key mo ha? Hindi mo ito matatanggal sa I.D mo, ako ang nag activate ng seal at ako lang din ang makakapag deactivate."
"Thank you po."
"Don't worry. Hindi mo na makakalimutan yang susi mo ulit. The seal is a reminder seal, wherein alam nito pag aalis kana, magaapoy siya pero konti lang naman."
Napauwang nalang ang bunganga ko sa sinabi niya. Paano kung nakalimutan ko? Edi sunog itong kwarto ko? Tsaka paano ko naman yun kukunin kung umaapoy? Edi mamapaso ako??
"Kung ang tanong mo ay mapapaso kaba. Nope, the owner doesn't get burn by its own key. Yun lang, aalis na ako dahil marami pa akong gagawin. Ingatan mo na ang susi mo."
Nagbow pa kami ni Mr. Balmond sa isat isa saka ito nawala na parang bula.
Paano ba nila ginagawa yung panggo-ghosting na yun?
Napagdesisyonan kong halungaktin ang naiwan kong refrigerator, expired na kaya ang mga ito?
Napangiwi nalang ako sa naisip ng mabasa ko ang nakalagay sa lahat ng laman ng ref. No expiration date.
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...