Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇
Maagang natapos ang klase namin ngayon dahil walang combat training at weaponry. Natuwa naman ako doon dahil pakiramdam ko nakalusot ako, syempre maging ang ilan sa mga kaklase kong baguhan din sa ganoong mga bagay ay lubos din ang pagkatuwa.Ngayon ay nais kong umuwi na at lumundag sa kama, isubsob ang mukha at maglakbay sa dreamland. Gusto ko magpahingaaaa. Pakiramdan ko pagod ako kahit na nakaupo lang naman ako magdamag sa klase, marahil na din siguro ay nabusog ako dahil sa sandwich na binigay ni Drake.
"Tara na uwi." Pagyaya ni Drake saakin. Tinignan ko muna sya para manigurado kung niyayaya nya ba talaga akong sumabay na umuwi sakanya.
"Hey, I said let's go home" pag uulit nya pa na ikinakaway ang kamay sa mukha ko. Kahit nagtataka ay umoo nalang ako.
Madalas kasi ay hindi nya talaga ako gusto kasabay. Baka namimiss lang nito ang kapatid nya kaya gusto nya ako kasabay?
"Akin na bag mo."
Napawhat naman ako agad. "Aanhin mo ang bag ko?"
"Just give it to me"
"Bakit ko naman ibibigay to sayo??" Pero hindi nya ako pinaliwanagan at basta na lamang nya kinuha ang bag ko.
Hindi ko na talaga maintindihan ang isang to.
Pero parang mas hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang lakas lakas nanaman kasi ng tibok ng dibdib ko. May sakit na ata talaga ako sa puso.
"Sasabay kaba o yung bag mo nalang ang isasabay ko?"
Dahil doon ay kumaripas na ako ng takbo papunta sakanya.
Kumakalembang nanaman ang abnormal kong puso kasabay ng napakalakas na bulungan ng mga tao sa paligid.
Bakit buhat ni Fafa Drake bag nong transferee
Bakaa ginayumaaa
Omaygash noooo, how dare sheee!
Nililigawan kaya??
Baka sila na?
Alam mo ba nakita ko sila noon sa market noong first day, nakaangkas sya sa motor ni fafaaa
Halla oo nga tas kanina binigyan pa sya ng sandwiiiich
Ilan lang yan sa mga naririnig ko na lalo pang nagpapatense saakin. Magbubulungan nga lang ay napakalakas pa. Ano naman sakanila kung ginagawa ni Drake ang mga yon, ano naman kung nanliligaw.. WHAT IN THE WORLD AM I TALKING ABOUT?! Nanliligaw your face Lilac Astrid, Ano baaaaaaa!
Drrrg!!
Nagulat ako dahil sa kulog na narinig ko at napakapit ako sa bagay na malapit saakin.
Drgggg!!
Naulit pa ito kaya tuluyan na akong napapikit at napatago sa likod ng bagay na hawak ko. Omaygash omaygash!! Nagpapanic nanaman ako, may trauma kasi talaga ako sa ganito.
Naaalala ko nanaman ang panaginip na lagi kong napapanaginipan tuwing ganito ang kalangitan. Madilim at maingay dahil sa kulog at lakas ng ulan. Hindi maaari. Hindi, ito nanaman.
Papa! Gray!
Napalingon ako sa paligid, basang basa ako ng ulan at napakalakas ng kulog at nakikita ko pa ang mga thunderstrikes sa kagubatan.
Nanginginig na ako sa takot at sa lamig.
May mga bangkay sa paligid at rinig ko ang iyak ng mga tao, may ilang nakatingin saakin ngunit walang handang tumulong, naliligaw ako. Bakit ako nandito? Bakit may mga bangkay at bakit nasusunog ang lugar na ito? Punong puno ng usok, napakaitim na usok.
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasíaA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...