Dedicated to groot-008
[suggested song: A lot like love
by Baek A Yeon]❇
Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇Napasandal na lamang ako ng ulo sa likuran nya habang nakayakap.
Nasa motor parin kami at pakiramdam ko wala na kami sa Academy. Grabeng layo naman ata ng kakainan namin at kung titignan ang paligid ay kagubatan na ata itong dinadaanan namin.
Gusto ko nga sanang magreklamo na baka may balak lang syang masamang gawin saakin kaya sa ganito nya ako dinadala pero mukhang wala akong energy makipag bangayan dahil sa kanina pang gutom na sinisigaw ng sikmura ko.
Hindi kaya nagugutom ang isang ito at napakalayo pa ang trip na kainan, pwede naman don sa cafeteria o kaya sa mall nalang, hindi ba nya alam na napakaraming fast food chains sa mall nila dito sa Academy?
Holy casts! Naiistress talaga ang beauty kong kakaramput na nga, tuluyan pa atang mawawala.
"Malapit na tayo Lia, kaya tigilan mo na mga stupid thoughts mo, okay?"
Napairap nalang ako dahil sa sinabi nya. Stupid thoughts daw. Pano nya naman nalamang kung anu ano inisi-- teka!! So sinasabi ko ba na stupid mga thoughts ko?! Hindi ha!!
Narinig ko naman syang napachuckle.
Halla? Nabaliw na? Tumatawa mag isa?
"Wag mo masyadong higpitan pagkakayakap mo sakin. Ginawa mo na nga akong unan kagabi pati ba naman ngayon?" Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil doon.
Ako pa talaga ? Ako pa talaga ang sinasabihan nya ng ganyan? Argh!!
Kalma Lia. Kalma.
"Shut up Drake."
"Hahahaha gutom ka na nga princess."
Napataas ang kilay ko, anong kinalaman ng shut up sa gutom?
Hindi ko nalang sya pinansin.
Tumingin nalang ako sa dinadaanan naming tulay, sinilip ko ang tubig sa ilalim nito, kulay pink?
Astig!
Piiiiiiiiinkkkkk na iloooog? May ganon pala.
❇
Makalipas ang 10 decades.. nakarating nadin kami sa napakaliblib na lugar na may pagkatago tagong restaurant at dahil 10 decades na ang lumipas, buto't balat na ako. CHARROT! Pero totoo, nakarating na kami sa patutunguhan namin dahil tinigil nya na ang motor at pinark kung saan iilan lang ang mga sasakyang nakaparada.
Sino ba naman kasi ang lalakbay ng ganon kalayo ee gutom na gutom kana? Itong si Drake lang ata, may saltik talaga to kahit gwapo, bat ko ba naging crush to?
"Tara na, nagugutom na din ako." Pagmamadali nya saakin habang pababa ako ng motor.
Tinaasan ko sya ng kilay. Sya pa talaga ang may balak magreklamo na nagugutom na sya? At sya pa talaga ang may ganang magmadali??
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...