Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇"Dadalhin ko na kayo sa Minister's Office."
Sumunod naman kami ni kuya Gray sa kanya.
Nilakaran namin ang napakahabang hallway na may magarbong red carpet at mga sculptures na nakapaligid sa daanang iyon.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na mapansin ang laki ng Academy.
May parke ito, mall at iba pang hindi mo alam na pwedeng mag exist sa loob ng so called 'Academy'
Academy ba ito? Pakiramdam ko para lang akong nasa ibang lungsod.
Sa kakamasid sa paligid ay di ko naman na namalayan na nasa Dulo na pala kami ng red carpet at isang kastilyo ang tumambad sa harapan namin. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at pagkamangha.
Napakaganda. Lahat ng nakikita ko ay gawa sa ginto. Pati ang hagdanan. Upuan. Bawat sulok ay ginto.
Ano pa nga ba ang ineexpect ko ay magmula naman sa gate ay puro ginto na ang lahat.
Sa unang palapag ay may roong tatlong kwarto. Sa kanan ay auditorium, sa kaliwa ay gym at sa gitna ay ang Minister's Office. At don kami papunta.
Naglakad kami hanggang makarating sa tapat ng kulay puting pinto. Himala, hindi gold. Pero may touch of gold parin naman.
Binuksan yon ni Drake "Hihintayin ko nalang kayo dito sa labas."
"Good day to you Mr. And Ms. Mendoza. I am Minister Vale. Take your sit so we may begin your exams."
Nanuyot ata ang lalamunan ko ng makaupo ako.
From his sit. The minister stood up and handed us a piece of gold bond paper.
Name:
Cast:
Rank:
Thumb mark:Hindi ko mawari kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa nabasa. Ito din yung nakasulat noon sa I.D.
Kinaba-kabahan pako ganito lang din naman pala ang exam. Akala ko naman pudpudang pagsusulit ang gagawin.
Sino ba naman ako para mag inarte, blessing in disguise na rin naman ito.
Nag mark nalang ako and then viola, may sagot na.Name: Lia
Cast: D
Rank:
Not markedNapakunot ang noo ko sa lumabas na resulta sa papel na hawak ko ngayon. Wala paring rank saka wala daw mark? Siraulo ba to? Saka D? Anong D? Dlack smoke?
Kinalikot ko pa yung papel, binaliktad ko pa ito pero wala naman.
"Is there anything wrong miss Mendoza?" Napatingin ako sa Minister. Buti nalang at napansin nya.
"Yung papel po may wrong Minister." Sagot ko agad sa tanong nya.
Nagtataka ang tingin nila saaking dalawa ni Gray.
I looked at Gray's paper and was amazed.
Name: Gray
Cast: Nullification
Rank: Mythical Caster
WHITE CastleHusay. Mythical Caster ang kakambal ko. I'm proud of him pero di ko maiwasang mag alangan, napakataas ng nakamit nya.. baka dahil don ay di ko sya makasama. Ano ba naman kasi itong test paper na napunta saakin e, isang bagay pero mukang may saltik.
Kinuha ni Minister ang papel ko saka inevaluate.
Tinitigan nya ako saglit at bakas sa mukha nya ang pagkabigla at.. namamalikmata ba ako? Parang nakita kong nahindik sya.. Nawala lang ang bumabagabag sa isip ko ng bigla ito ngumiti saakin. Weird.
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasíaA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...