Tyrone Drake Schon's
Point of View
❇️DRAKE❇️"Let us all congratulate the winners. Lilac Astrid Mendoza and Tyrone Drake Schon."
Pumalakpak ang iba habang ang iba ay wala namang pakialam.
Kami lang ni Lia ang ligtas na nakasecure ng seeds. Dahil isa lang naman pala talaga ang box.
Friends are friends again after the trance. If you're wondering why? Simple lang naman.
Pag namatay ka sa loob ng trance.. hindi mo maaalala kung sino ang pumatay sayo but the thing is.. maaalala mo kung sino ang pinatay mo.
"Everyone did a great job in your task. Because of that you'll have a gift.. which is your seeds."
Lumutang sa harap ng bawat isa ang tiglimang seeds. Pero ang kaibahan, golden seeds ang saamin ni Lia. Perks of the winning team I guess.
Napatingin ako kay Lia ng tignan niya si Michelle, Iya at Card. Si Card ang nakita kong napatay ni Lia sa trance.
"Lia.. It's fine. You just needed to survive."
"I know.. but the experience and memory.. disgusts me."
Lia just grabbed the seeds with no word uttered.
"By the way.. to the two winners. I'd like to tell you.. you'll have a chance to duel with the upper ranks so train well. That's all for today. Go on and take a rest. Unwind for a bit, alam kong madami sainyo ang naistress. Right, Tyrone Drake?"
Inisnaban ko na lang siya at-- nilampasan nanaman ako ni Lia ng walang sabi sabi.
Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇️LIA❇️Balik normal ang lahat matapos ang task. Walang bakas ng dugo sa kahit na sino, tila nabura sa alaala ng lahat ang mga kahindikhindik na kaganapan sa loob ng trance.
Parang walang nangyari at lahat ay kalmado. Pakiramdam ko ako lang ata ang naapektuhan. Even though I know na ang tatlong taong napatay ko sa trance ay buhay na buhay at hindi nila maalala na akong pumatay sa kanila, kinikilabutan parin ako sa sarili ko dahil sa nagawa kong iyon. Hindi ko alam, para lang sa mga buto.. Nakipagpatayan ako.
Ganito ba talaga dito? Ang task na ito ay maikukumpara as a quiz. So paano na sa rank up examination? Mas malala? Mas brutal pero sa huli wala lang ulit?
Napatingin ako sa mga butong hawak ko. This five little seeds, Sir Chanyeol told us to grow it. This five little seeds, ito ang ebidensya sa isang mapait na alaala.Napakuyom nalang ako ng kamay habang naglalakad pabalik sa Red Building.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay sumalampak na ako kaagad sa higaan. Pakiramdam ko ngayon ko naramdaman ang pagod sa lahat.
I'm still on the process of growing.. Process to be the strong girl but is this all it takes? Kasi kung ito at Kung ganito man talaga kalupit dito.. I'd rather go home and live an ordinary life again. Kahit laging nagtatago, lumilipat.. Parang mas gusto ko nalang na ganoon, with Papa and Gray..
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...