22

10 1 0
                                    

Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇

"Lia. He's now fine. Natanggal na ang poison sa katawan ni Drake. Magpahinga kana, kalalabas mo lang din ng hospital kanina."

"Thanks Darlene.."

"Walang anuman. Trabaho ko din yon as a healer. Kumalma kana din. Mauna na ako ha?"

"Sige. Thank you ulit and ahm take care."

Sinamahan ko si nurse Darlene palabas ng room ni Drake. Nandito kami sa Red Building, hindi ko na sya naidala sa hospital ng academy kaya tinawag ko na lang dito si Darlene.

Isang napakalalim na paghinga lang ang nagawa ko.

Nahimatay si Drake kanina habang nasa pintuan ko. Basang basa siya at hindi ko alam ang gagawin ko kaya si Darlene nalang ang tinawag ko. Kasama niya si Dr. Leneor na dumating dito at iyon ang nagbihis kay Drake.

Sobrang nag alala ako para sakanya. He's been into a very dangerous situation. Sumugod sya sa Dark Forest habang malakas ang ulan. Just to find me..

Nag aadik siguro tong si Drake. Hindi ko na siya maintindihan. Bakit nya ako hahanapin diba? Baka misyon nya lang Lia, wag kang marupok dyan.

"Abnormal ka talaga Drakeyula."

Nakakaiyak ba sabihan ang isang tao ng abnormal? O ako lang to?

Hinaplos ko ang buhok niya. I missed you so much Drakeyula.. so much that I can't handle the pain.

Hinalikan ko ang buhok nya.

"I'm sorry Drake.. for being such a trouble maker in your life.. Hindi mo na kailangan pag daanan ulit ang mga ito. Gagawin ko ang makakaya ko para matutong tumayo sa sarili kong mga paa, para hindi kana madamay sa magulo kong mundo. Let's be strangers again Drake.. Good bye."

Tumayo na ako at naglakad na palayo. Lumabas na ako ng kwarto ni Drake. It's almost 6 in the morning, sigurado akong magigising na sya at ayaw kong maabutan niya ako doon.

I told you. I have a goal and inorder to achieve that goal, I have to let him go.

So I.. did..

Tyrone Drake Schon's
Point of View
❇DRAKE❇


Napahawak ako sa ulo ko ng magising. May benda ang kamay ko at iba na ang suot kong damit.

A sad smile flustered. Lia..

Napatingin ako sa side table ko. 8 am na. May klase ngayon, may isang oras pa ako para maghanda.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

There's a purple mini pot on my table. A porridge. Purple? Its Lia's favorite color. May nakadikit na note sa takip nito.

"Eat."

May mga gamot din sa tabi nito.

"Drink."

Cold.. parang ang lamig ng one word per note na to. Should I expect na ganyan na din siya saakin?

Naalala ko nanaman ang coldness nya and her poker face.

I can't imagine another day seeing Lia expressionless.

She's adorable being herself, madaling mabasa ang reaksyon nya, pag naiinis, natutuwa, nasasaktan.

Argh! This is your fucking fault Drake. You're such an asshole.

LandCaster Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon