Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇
"Lia jump higher!"
Arghh!! Tumalon pako ng mas mataas sa gusto niya. Letseng jumping jacks nato. Ngayon lang ata ako napagod ng ganito kasobra.
"Hindi ko marinig ang bilang mo Lia!"
"97! 98! 99! 100!" Matapos kong isigaw ang bilang ng pagtalon ko ay napasalampak nalang ako sa sahig dahil sawakas ay nakaisang daan na ako ng jumping jacks.
Kanina ay sinimulan namin ang training sa simpleng stretchings hanggang sa pinagpush up nya ako ng 50, pinatakbo ng 50 laps, pinahila ng mabigat na gulong ng 50 turns, kicks, punches and runs, tapos itong jumping jacks habang may kung anong mabigat na bakal siyang nilagay sa paanan at kamay ko.
Grabe.
Galit na galit ata si Drake saakin ngayong araw kaya ganito kalupit ang training namin.
Kung tama ang bilang ko ay 6 hrs na kaming nagtetraining. Kami, dahil sinasabayan niya ako sa lahat ng pinapagawa niya. Mabuti pa nga siya at mukhang hindi manlang napagod at fresh na fresh pang tignan, samantalang heto ako at mukhang nalantang gulay.
"Pagod kana Lia? Kung pagod kana satingin mo ang kalaban mo sa rank up exam ay pagod na din? Ganyan kanalang ba?"
Napabusangot ako sa sinabi niya. Sumusobra na siya. Kung di lang ako pagod ay kakalbuhin ko siya.
"Do another 100 jumping jacks until magmeet ng maayos ang kamay mo sa ere at makatalon ka ng mataas. Now!"
Kahit nahihirapan ay tumayo ako at ibinigay ang makakaya ko para tumalon ng tumalon. "1! 2! 3! 4! --"
Bzzzzt
Napatigil ang lahat ng marinig at maramdaman ang vibration.
What was that?
"Casters. Halt to the minister Vale."
Dahil sa narinig ay lumabas kaming lahat sa kanya kanyang dome at nag bow sa minister. Nako po, di ko maalala kung nagbow ba ako sa minister noong nag entrance exam kami noon. Pero pangalawang beses ko palang naman siya nakikita.
Itinaas at ibinaba lang ng minister ang kamay niya. Hudyat na tumayo na kami ng maayos saka niya initusan si Drake na lumapit sakaniya.
"Listen up Casters. The training for today shall end at this hour. Continuation will be granted tomorrow, for now you are ask to leave the field and stay at your rooms or do other important tasks. That's all, good day everyone."
Curiosity. The only left word in my mind after the minister leave.
Tatanungin ko pa sana si Drake kung anong nangyari but he only mouthed the word ' emergency' at agad na tumakbo paalis.
Wala ng students sa field at ako nalang ang natitira. I heave a deep sigh.
Grrrrkk.. grrrkkk..
I'm hungry..
❇
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...