Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇Hindi ako mapakali sa higaan at kanina pa ako balikwas ng balikwas. Ganito na lang ba ako palagi, hindi nanaman ako makatulooog ii.
"Hindi ka ba makatulog Lia?"
Napatanggal ako ng pagkatalukbong at muling nakapag eye to eye contact sakanya. Napaiwas naman ako agad ng tingin dahil doon. Gash ano baaaa.
"O-oo... e.." nauutal ko nalang na sagot sakanya.
"Ako din.." bulong nya pero sapat na para marinig ko.
Tinubuan naman ako bigla ng hiya. "Hindi ka ata makatulog dahil sa sofa ka natutulog.. mukang hindi ka kasya ee." Napakamot pa ako sa noo habang iginagaya sakanya ang nasa isip ko.
"Tama ka." pagsang ayon nya. Wait! Umagree sya?! Hay nako talaga tong tsk tsk tsk. Pero.. kwarto nya to.. higaan nya to.. nakakahiya namang angkinin ko to diba?
"Ahmm.. ano..okay lang Drake kung dito ka sa kama at dyan na ako sa sofa."
Dahil sa sinabi ko ay natawa sya ng mahina. May nakakatawa ba doon?
"Tabi nalang tayo."
Hindi ko inaasahan ang sagot nyang iyon. Pero napausog nalang ako dahil tumabi talaga sya saakin at nakikumot.
Holy casts..
"You're my princess, why would I let you sleep on the sofa."
Tao si Drake.. mali, kalahating tao, kupal at manyakis.
Tatayo na sana ako ng bigla nya akong yakapin. "Stay Princess.. I won't harm you.."
Isinandal nya pa ang ulo nya sa balikat ko habang yakap ako. Hindi naman ako makagalaw sa pwesto namin.
Itutulak ko na sana sya ng marinig ko ang unti unting pag bigat ng hininga nya. Tulog na sya? Teka? Kakapikit nya lang ah? Paano sya nakatulog agad??
Sinilip ko ito na naging dahilan ng pagtitig ko sa mukha nya..
Dugdug. Dugdug.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa naririnig.
Ganito nanaman ang puso ko. Akala mo nakikikarera sa mga kabayo dahil sa bilis ng tibok.
Pangahas na kung iisipin pero di ko maiwasang mapahaplos sa napakaamo nyang mukha. Gwapo talaga, ang peaceful nya tignan pag tulog, mukhang anghel na ibinigay ng Diyos saakin. (Sayo??)
Shatap author kung ayaw mong mawala sa mundong ibabaw! 😕
(Okeeeey. Sowii po, sabii ko nga kasiii.)
Back to the topic, itsapwerahin na natin yang si author.
Ehem ehem. Iginaya ko ang kamay ko sa buhok ng mahimbing parin ang tulog na Drake.
Tama ba ang nasa isip ko?
Kinikilig ako, hindi makahinga pag malapit ka.. pakiramdam ko pa laging may rambol sa loob loob ko.
May gusto na ba ako sayo Tyrone Drake Schon? Pero.. paano?
Sa kakatitig ay hindi ko namalayan ang pagdalaw ng antok at ang mahimbing kong pagtulog, ang gaan sa pakiramdam na matulog habang yakap nya.
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...