❇"Where are we going?" Nakatingin ang batang Lia sa babaeng nasa harapan niya. Itim ang cloak na suot nito at hindi maaninag ang mukha.
"Astrid.. don't be afraid.. I'm taking you to your papa."
Humakbang papalapit ang babae sa batang Lia ngunut umatras ito upang hindi maabot ng babae.
Takot at kaba ang nararamdaman ni Lia. Hindi niya kilala ang babaeng nasa harapan niya, maging ang pangalang itinawag nito sakaniya ay bago ngunit may puwang sa isip niya.
"Who's Astrid? My name is Princess."
"You're our princess, my darling but your name is Lilac Astrid. I gave you that name my love."
Lalong naguluhan ang batang Lia dahil sa nangyayari. Kanina ay nagising siya sa isang kuweba kasama ang isang batang lalaki na nagpakilalang Tyrone, gumulo ang paligid kasabay ng malakas na ulan at thunder strikes. Tapos ay may pumasok na isa pang batang lalaki at hinalikan siya sa noo at bigla silang naglaho at iniwan siya nito sa babaeng kaharap niya ngayon.
"I refuse to believe you. The boy stated that my name was Princess."
"Astrid. That boy is just a Galerian. You are a princess and I am your mama."
Bumilis ang pintig ng puso ng batang Lia dahil sa mga salitang binitiwan ng babaeng nasa harapan niya.
Mother?
"For now.. I need to get you to your papa in order for the three of you to be safe."
"Three?"
"Your twin brother, my love."
Napansin ni Lia na papalapit na sila sa isang village kung saan napakatahimik at wari mo'y tirahan ng katahimikan. Sira ang mga bahay at walang anu man ang nasa labas.
Nasa kakahuyan parin sila ng babaeng nagpakilalang mama niya. Napakapit ang batang Lia sa kamay nito dahil sa takot ng makita ang isang lalaki na papalapit papunta sa pinagtataguan nilang malaking puno.
"My love.. look at mama." Hinaplos ng babae ang mukha ni Lia at pinatitig ito sa mga mata niya.
Isang kulay asul na mata ang nakita ni Lia. Napakaganda. "Forgive mama for what I'll be doing my love." Napalibutan silang dalawa ng mga usok na gustong protektahan si Lia ngunit kumapit ang babae at hindi bumitiw sa titig sa batang Lia. "You will forget everything my love. Astrid, everything from the day you we're born till this very day. Your father is Blue Mendoza and your twin brother is Lion Graynger. You won't ask about your mother.. she's nothing to be remembered.." may tumulong luha sa mata ng babae habang nakatitig sa batang Lia.
Matapos bigkasin ng babae ang mga salitang iyon ay nahimlay ang batang Lia sa kanyang mga bisig. Inalalayan niya ito at pinahiga sa damuhang napapaligiran ng mga bulaklak.
Nakita ng babae na malapit na dito ang lalaking paparating. Hindi niya mapigilan ang pagbuhos ng mga luha niya, nais niyang magpakita sa lalaki ngunit hindi maaari. Hinalikan na lamang ng babae ang noo ng batang Lia. Tumayo ito at naglaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/191528454-288-k558180.jpg)
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasíaA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...