Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇Casters are those who uses power, magic, etc. They have the ability to do something normal humans cannot do. For others, this are myths.. non sense fictions or sabi-sabi lang but for us.. for those who are my kind.. we casters are for real.
Sabi ni Papa, gifted daw kami ni Gray kaya mayroon kaming ganitong kakayahan pero para saakin, this is not a gift but a curse.. pakiramdam ko para itong sakit na dumadaloy sa katawan ko, sakit na alam kong kahit kailan di na gagaling kasi nga, there is no cure for it..
Napasinghap na lang ako sa mga naiisip ko.
Kundi dahil sa pagiging caster namin hindi sana kami palipat lipat ng bahay. Mahirap kaya mag adjust no? biruin mo, every year paiba-iba ang school na pinapasukan ko, ibang set of friends, ibang teachers, ibang kapitbahay at higit sa lahat ang hirap kaya nung every year ay kailangan mong mag alsabalutan sa bahay na tinitirahan mo.
Huminga na lamang ako ng malalim at tumingin sa katabi kong napakasarap ng tulog.
LION GRAYNGER MENDOZA ang kakambal kong mas bata saakin for 4 mins. So basically ako ang ate nya hehehe pero kahit ganon kuya ang tawag ko sakanya dahil mas matured naman sya mag isip saaming dalawa.
He is a caster, ang kapangyarihan nya ang kayang pumigil sa kapangyarihan ko. Kumbaga para siyang night in shining armor at ako naman ang.. Damsel in distress. Gray have the power of nullification, where in he can nullify others casts.
While I, LILAC ASTRID MENDOZA have the power of vape and cigarette. Charrot!! but some charrots are half meant naman. I can actually produce smoke out of my hands, smoke na hindi ko alam kung ikasisiya ko ba na may ganon akong kapangyarihan o ikalulungkot ko dahil yun ang meron ako.. Well, I simply just don't know the answer to that at hindi ko alam kung bakit ayaw ko nito. Meron lang sa loob ko na ayaw nito, pakiramdam ko kasi.. hindi ito maganda.
"Lia anak.. bakit titig na titig ka sa kakambal mo? May problema ba?" tanong ni papa na siyang nagdadrive ngayon.
I smiled at him "Wala po papa. Iniisip ko lang kung paano ko sya naging kakambal e ang sungit sungit nya."
Napatawa si Papa dahil sa sinabi ko. Ako din ay muling napatingin sa kapatid ko.
For sure madaming iiyak sa dati naming school pag nalaman nilang hindi na doon mag aaral ang kupal na to. Heartthrob ee.
His hair is blonde na malapit na sa white. Inborn ang kulay ng buhok nya sabi ni Papa.
Tinry nya din syempre na magpakulay ng buhok na gaya sa mga normal na tao. He tried black and brown for so many times pero syempre, pag tumutubo.. blonde ang roots.
Syempre kung weird ang buhok ng kakambal ko. Akin hindi.
Nagmana ako kay Papa e. Buti pa yung buhok ko. Normal.
Napakaboring talaga bumyahe kaya ito at kung anu ano na tuloy ang napapansin ko.
Dahil wala namang magawa. Di naman siguro masama gumawa ng onting onting tricks lang sa minamahal kong kakambal.
Pero bago ang misyong pagtripan siya sinigurado ko muna na busy magdrive si papa. Syempre naman no, sino ba naman ang gustong mapagalitan.
An evil grin was expressed by my face.
Unti unti kong pinalabas sa mga kamay ko ang usok.. dahan dahang pinalibutan nito ang buong katawan ni Gray. Maingat ko siyang iniangat at pinaikot ikot ng tahimik sa ere.
Aba! Hindi lang yon ang gagawin ko. Nilagyan ko ng usok malapit sa butas ng mga ilong nya.
Sa bawat pag hinga nya ay bumubuga ang itim na usok mula doon. Muka syang bull na galit at susugod na. HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...