Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇Time flied so fast. Tapos na ang bakasyon at dito sa Landcaster Academy.. simula na ng bakbakan.
Makabakbakan kala mo naman gyera ang papasukan, syempre charrot charrot lang yan. First day of school ngayon and I totally don't know what to expect from a school of casters.Sana naman Lord walang algebra o kahit ano math dyan dahil sa mortal realm ay wala na akong ibang ginawa kundi mangodigo at mangopya. Opss, bawal judgemental, nagstrive din naman ako para lang di mahuli at mabasa ang maliliit na letrang gawa ko, saka di lang naman ako nakinabang don. But yes, I am not proud to be a cheater, pasensya.. tao lang, sadyang di kinakaya ng powers ko ang laging magkakasunod na subject na physci, physics, bio at chemistry. Nagsasawa na ako sa physics, hindi nalang kasi si x ang hinahanap iba iba na juicecolored.
9 am ang start ng class at 8:40 palang kaya di pa ako malelate. Oo, hindi pa ako malelate. May 20 mins pa naman.
Sinukbit ko na ang bag ko at tumungo na palabas ng dorm room ko. Nakangiti habang bitbit ang yakult na nilagyan ko ng straw. Ninanamnam ang bawat sipsip ng may umagaw nito. Pakiramdam ko nagslowmow ang buong paligid ng unti unting lumapat ang dulo ng straw sa labi nito at ininom ang kakasipsip ko palang na yakult.
Isa lang ang masasabi ko sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Lapastangan!"
Nasamid pa ito ng sigawan ko bago nya itinapon sa tabing basurahan ang bote ng yakult.
Masama parin ang tingin na ipinukol ko rito. Ng makabawi sya ng hangin dahil sa pagkasamid na sana ay tuluyan na lang syang nawalan ng hangin kahit na imposible ay hindi nangyari. Nateggy na sana tong letse na to. Isa syang tunay na lapastangan dahil sa pag agaw ng 10 pesos kong yakult. Tinignan nito ang kanyang relo at masama rin ang tingin ang binigay nito saakin.
"8:45 na. 9 am ang klase at ngayon ka lang lumabas ng kwarto mo?!"
My glare turned into poker face sa sinabi nya.
"Ano naman sayo Drakeyula kung 8:45 na akong nakalabas ng kwarto ko ha?!"
"Darn that Drakeyula. My name is Drake you idiot!" Nagtatangis nitong sigaw pabalik saakin.
"Aba! Siraulo ka ba?! Alangan namang hayaan kitang idiot idiotin ako at stupid stupidin tas ikaw Drake lang itatawag ko sayo?"
Simula nung mga nakaraang araw ay nasanay na ako sa gantong sistema namin. He calls me names like idiot and stupid kaya I made up his nickname as Drakeyula. Hindi na sya Edward Cullen korean version dahil drakula na sya. Kung gano sya kaputi ay ganoon naman kaitim ang budhi nya.
Again, nagstaring contest nanaman kami na may halong gigil.
"Cut it!" Sigaw nya bigla.
"Cut your face. Che!" Saka ako nagmartsa papuntang elevator. Isasara ko na sana ito ng pumasok sya bigla.
"Kung di lang talaga ako naatasang bantayan ka e hindi kita hihintayin."
He's murmuring words at ang tanging narinig ko lang ay "e hindi kita hihintayin."
Abnormal talaga to. Sino ba nagsabing hintayin nya ako.
"You know Drakeyula, you should care less about me cause I care not a single bit about you or your being."
"How ruthless of you stupid idiotic girl. What makes you think I care about you, for your information it's my responsibility na siguraduhing papasok ka dahil kasama yon sa punishment ko!!"
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasyA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...