Lilac Astrid Mendoza's
Point of View
❇LIA❇Nasa loob na ako ng dorm room ko at wala ng ibang ginawa kundi ang tumunganga dito.
What am I even supposed to do?
Madali kong naiayos ang mga damit ko sa cabinet at iba pang mga kagamitan ko, kaya heto ako ngayon.
Hindi talaga ako strong independent woman. Damsel in distress nga ee.
Sa buong Red building nato ay si Drake lang ang kakilala ko na napakasungit ay akala mo'y nagmemenopause na.
Sa buong Academy naman ay si Ion at Gray lang ang kilala kong studyante at hindi naman ako pwedeng magpunta sa kastilyo ng mga Mythical Caster ng walang nag iimbita at permiso dahil exclusive yon for Mythical Casters only.
Hindi ako sanay ng mag isa.
Napalibot ang paningin ko sa buong kwarto. Studio type sya. May maliit na sala, kusina, kama, study area, veranda at cr.
It's color is black and white which I am not fond of dahil purple ang favorite color ko. Pero maganda, kung para sa isang simpleng studyante ay maiinlove dito. Napakaganda na netong sa Elite Casters, isipin mo nalang, paano pa sa ibang higher ranks diba?
Napatingin ako sa kurtinang humaharang sa daraanang papunta sa veranda. Iginilid ko iyon at tumambad saakin ang glass door, dahil glass ito ay nakita ko ang ganda sa labas. Kitang kita mula dito ang WHITE Castle.
Napaisip tuloy ako, ano kayang ginagawa ni Kuya at Ion.. nagkita na kaya sila or nakarating na ba si Ion dito sa Academy. Hindi kasi sumabay yon e, may aasikasuhin pa daw.
Lumabas ako sa veranda at sumandal sa railings.
Napakasariwa ng hangin at napakagandang tignan ng White Castle.. Napatingin ako sa may taas ng Kastilyo.. meron doong isa pang tila tore pero ubod ng ganda at may nakaukit na anghel.
"Wow.. That's one hell of a beautiful creation.." wala sa sariling naibulalas ko dahil sa hindi maipaliwanag na ganda nito.
"Yeah. It is. You have good taste din naman pala." Automatic na napatingin ako sa nagsalita at nakita si Drake na nakatitig sa Castle.
Muntik ko ng makalimutang magkatabi nga lang pala ang dorm room namin pero di ko naman naimagine na ganto ito magkatabi ng sobra. Parang isang talon lang sa veranda nya ay nandito na sya sa tabi ko
"Archangel Castle."
Magtatanong na sana ako kung ano yon pero halata namang ang Toreng sobrang taas ang tinutukoy nya.
"Only immortals are allowed to live there, the Mythical Glory. The highest who's above all mankind."
My jaw dropped in an awe. So that is the reason? Sabagay, that castle suits for those who are high and mighty like immortals. Ano ba Lia? Their immortals nga diba. Pero hindi ba lahat ng caster ay immortals dahil merong casts?
Nawala ang pakikipag away ko sa sarili ng mabaling ang tingin ko kay Drake na ngayon ay busy habang nakatuon ang pansin sa isang direksyon lamang. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata nya at halos mapatalon ako sa gulat ng mapagtantong nakatingin sya sa dibdib ko.
Alam kong namumula na ang mukha ko dahil sa hiya na tumititig sya, gusto ko syang itapon at sigawan pero para akong napipi. Shocks!! Di porket gwapo to ee hahayaan kong manyakin ako! Sisigaw na sana ako pero naunsumi ito ng bigla syang magsalita at lumipad papunta sa harapan ko.
"You know.. for a new comer like you.. It's a first that someone from the Elite rank puzzles me so much.."
Lumapit pa ito saakin na tila isang ahas na reding ready na manuklaw pero mayroong mga nagtatakang mga mata na nakatitig parin sa dibdib ko
BINABASA MO ANG
LandCaster Academy (ON GOING)
FantasíaA gift and a curse. That is what being a caster means to Lia. Malungkot, mahirap at walang permanenteng pagtataguan dahil sa kapangyarihan. A simple life as normal as humans are, a wish that will remain as a wish to Lia. Nakatira si Lia sa isang b...